Kiko Matos discloses how he got over his fear of performing with Nora Aunor for the movie Kabisera

by Glenn Regondola
Jun 23, 2015
Kiko Matos admits being fearful of Nora Aunor in their project together, but then again, "Fear is my inspiration, and to get over it, I just need to talk to Ms. Nora Aunor... make her my inspiration." He is amused to be mistaken for Nora Aunor's son Kiko de Leon, "All the time po nangyayari 'yan... bata pa lang ako, dala ko na yun."



Proud pa rin si Kiko Matos sa pelikulang Kabisera kahit hindi ito nakasama sa Top 8 entries sa darating na 2015 Metro Manila Film Festival.

Ito ay dahil sa unang pagkakataon ay kasama siya sa pelikula ng Superstar na si Nora Aunor.

Ginagampanan niya rito ang papel ng isa sa mga pamangkin nina Nora at Ricky Davao, kung kaya't marami siyang eksena na kasama ang dalawang beteranong aktor.

Nagsimula na siyang makipagtagisan sa pag-arte noong June 17, kung saan kinunan ang mga eksena sa Bustos, Bulacan.

Nang makausap ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko noong nakaraang linggo, kinumusta namin ang unang pagsabak niya sa pag-arte kasama si Ate Guy.

Ani Kiko, "First time ko siyang maka-work at first time ko rin siyang ma-meet… I was a bit scared.

"Ako kasi, 'pag alam kong isang magaling na artista ang isang tao, dekalidad na katrabaho, kinakabahan talaga ako.

"And nai-starstruck po ako.”

Continue reading below ↓


INSPIRATION. Pero aminado ang indie film actor na ang takot na nararamdaman niya ang siya ring magiging dahilan upang mas lalo siyang ma-inspire na magtrabaho, lalo na nga't maraming eksena silang pagsasamahan ng award-winning actress.

Paliwanag ni Kiko, "Fear has always been my inspiration naman, e.

"Pag meron po akong bagay na takot akong gawin, mas lalo ko pong ginagawa.

"At yung resulta, mas iba. Kaysa sa gumawa ako ng ibang bagay na hindi ako natatakot.

"So, I guess, fear is my inspiration.

"And to get over it, I just need to talk to Ms. Nora Aunor.

"Be pleasant, and make her my inspiration as well."

Sa una nilang pagharap sa eksena, naramdaman ba niya yung sabi niyang takot?

"Siyempre, andun yung nerbiyos.

"Pero sa experience ko na rin sa paggawa ng movies, parang natutunan ko na kung paano mag-deliver, maging flexible actor.

"Laging nagpu-flow lang yung shooting, and confident naman ako na makaka-deliver ako nang maayos."

Continue reading below ↓


LOOK-ALIKE. Sa biglaang sandali, naalala ni Kiko ang koneksiyon ni Nora sa buhay niya.

Lalo na sa anak nitong si Kiko de Leon na kamukha raw niya.

Nakangiting pagbabalik-tanaw niya, "I remember po, as a teenager, lagi akong natatanong kung ako raw ba yung anak ni Nora na si Kiko.

"All the time po, nangyayari 'yan.

"Meron nga akong sinalihan na Mossimo Bikini Summer [contest] dati, 'tapos merong lumapit sa aking staff.

"Sabi niya, 'Kiko, secret lang natin, 'Okey lang ba na tanungin kita? Ikaw ba yung anak ni Nora Aunor?'

"Ever since, ganun lagi.

"So, yun po yung kuwento ko na somehow related kay Nora."

Dugtong pa niya, "It's like, bata pa lang ako, dala ko na yun.

"I would like her na one of these days, at baka ang maging reaksiyon niya, 'Ay, oo nga!'

"So, it would be funny to tell her... something to break the ice."

Continue reading below ↓

Ano naman ang na-discover niya sa beteranang aktres?

Ayon kay Kiko, "She has a different style, e.

"Nag-workshop ako sa stage play na gagawin ko with Direk Soxy Topacio.

"Lagi niyang ikinukwento ang old days nila ni Nora.

"Sabi niya, 'Si Nora, sasabihin mo lang sa kanya na ito ang linya niya, alam na niya ang gagawin niya. Sasabihin mo lang kung saan papatak ang luha, alam na niya yun.'"


GLASS MENAGERIE. Samantala, proud naman si Kiko sa unang pagsabak niya sa stage play.

Ito ay ang Glass Menagerie na tungkol sa isang ina na desperadang makahanap ng boyfriend para sa kanyang kiming anak, sa direksiyon ni Edith Mandigma.

Dito ay makakasama niya si Timmy Cruz, Arnold Reyes, at Michiko Unso sa ilalim ng ThinkTalk Creative Communications at Actor's Repertory Theater.

Aniya, "Actually si Mosang ang nag-refer sa akin dito.

"Nag-meeting kami, sinabi nila sa akin yung role, nagustuhan ko naman po.

Continue reading below ↓

"Kaibigan ako dito ni Arnold na ipapakilala nila kay Michiko.

"Iba rin talaga ang teatro, lalo na't first full-length role ko ito in a full show.

"Hindi ko alam kung ano ang maramdaman ko until it opens sa August 30, sa Jaime Cardinal Sin Auditorium.

"Tapos magkakaroon pa kami ng run sa September 5, 12, 13, 19 and in October, so I believe na magiging at home din ako sa theater later on.

"Usually kasi, sa recitals lang ang naging experience, and I know this gonna be fun also, tulad ng paggawa ko ng movie with Ms. Nora."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiko Matos admits being fearful of Nora Aunor in their project together, but then again, "Fear is my inspiration, and to get over it, I just need to talk to Ms. Nora Aunor... make her my inspiration." He is amused to be mistaken for Nora Aunor's son Kiko de Leon, "All the time po nangyayari 'yan... bata pa lang ako, dala ko na yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results