Sarah Geronimo evasive about kissing scene with Piolo Pascual in new movie

by Glenn Regondola
Jun 24, 2015
When Sarah Geronimo was asked how it felt when she learned that Piolo Pascual would be her leading man in The Breakup Playlist, she admitted, "Ever since nandun ang admiration ko for Piolo Pascual. Same feeling ko nung sinabi na kasama ko ang isang John Lloyd Cruz. Inisip ko, 'Kaya ko ba ito? Mako-convince ba namin ang mga tao na isa kaming couple?'"


Ang isa sa inaabangan sa pelikulang The Breakup Playlist ng Star Cinema ay ang napabalitang kissing scene nina Sarah Geronimo at Piolo Pascual.

Sa mga nakaraang ulat, pabirong hiniling ni Sarah na sana nga raw ay magkaroon sila ng kissing scene dahil inamin naman niya na malaki ang crush niya sa Kapamilya aktor.

Kaya nang ilabas ang trailer ng nasabing tambalan ng dalawa sa unang pagkakataon, marami ang nagtaka kung bakit hindi ito kasama sa dina-drumbeat ng pelikula.

Tuloy, marami ang nagtatanong kung may kinunan bang ganitong eksena lalo na't istorya nito ay tungkol sa magkasintahan na nagkahiwalay, pero sa bandang huli ay nagkasundo rin naman.

Sa presscon ng The Breakup Playlist na ginanap sa Dolphy Theater noong June 23, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa dalawang bida kung natuloy nga ba ito?

Walang gaanong direktang sinagot si Sarah, at maging si Piolo.

Pati na si Direk Dan Villegas na siyang namahala sa pelikula ay tanging 'abangan niyo na lang,' ang naging sagot sa pag-uusisa namin.

Continue reading below ↓

Pahayag ng Popstar Princess, "Abangan niyo po, maiinggit kayo!

"Wishful thinking? Masyado niyo namang sineryoso yung wishful thinking na 'yan.

"Baka naman sabihin ni Piolo, e, pinagpapantasyahan ko siya ng sobra-sobra.

"Konti lang naman, baka matakot na siya sa akin."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dugtong pa niya, "Hindi, ako sobra akong nag-concentrate kung paano ko mapapanindigan yung role ko bilang girlfriend niya at saka ex niya.

"Kasi, kung iisipin ko, lahat surreal, e, Piolo Pascual, di ba?'

"Hinahangaan ko, napapanood ko sa mga pelikula, sa mga teleserye.

"Sabi ko nga, sa unang mga eksena namin, 'Grabe, si Piolo ang kaharap ko, si Piolo ang kaeksena ko.'

"So, yun lang na lang po ang ano niya."



COMPARING PIOLO AND JOHN LLOYD. Si Gino ay ang papel na ginagampanan ni Piolo, samantalang si Sarah naman si Trixie sa pelikulang ipapalabas na sa July 1.

Nang tanungin si Sarah kung ano ang pakiramdam niya na si Piolo ang leading man niya, inamin ng aktres, "Ever since nandun ang admiration ko for Piolo Pascual.

"Same feeling ko nung sinabi na kasama ko ang isang John Lloyd Cruz."

"Inisip ko, 'Kaya ko ba ito? Mako-convince ba namin ang mga tao na isa kaming couple?'"

Ano naman ang mga na-discover ni Sarah sa kanyang leading man habang ginagawa nila ang pelikula?

Continue reading below ↓

Aniya, "Discoveries kay Papa P.?

"A, una sa lahat mas guwapo talaga siya at guwapo siya sa TV.

“Pero iba talaga na mas guwapo niya sa personal.

"Sorry, nakakatuwa lang po na lahat ng mga kababaihan sa set, ‘Hay, si Papa P., nakasalubong ko siya, nakasando.’

“‘Hay, si Papa P!’

“As in lahat ng mga kababaihan sa set, lahat sila may compliment kay Piolo Pascual."

Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Sa ugali niya, talagang hands down ako.

"Yung professionalism niya, talagang napaka-seryoso niya sa trabaho, pero he also knows how to have fun.

'Pag nagkukuwentuhan sa set, ano siya, yung ano siya, ngitiin.

“Mas ako pa nga yung nahihiyang magkuwento, yung magpakatotoo.

"Pero siya talagang napaka-natural lang.

"At yun yung gustung-gusto kong lumalabas kapag may eksena kami, yung ngingiti siya.

"Meron kaming eksena na tuwang-tuwa ako, na totoong-totoo ang tawa ko.

"Kasi yung pagiging Gino niya, lumalabas ang pagka-Piolo Pascual niya na meron pala siya ganung side.

Continue reading below ↓

"Yung pagiging komedyante niya.

"Yun, yun pala ang sinabi niya na gusto kong maging komedyante."


REALISTIC. Pagdating naman sa magandang takbo ng kanyang career, ano nga ba ang sikreto niya para mapanatili ito?

Tugon niya, "Wala naman talagang sikreto.

"Ang sikreto lang talaga ay i-commit mo ang puso na mabigyan mo ng maayos ang iyong portrayal.

"Kahit ano ang role na ibigay sa iyo."

Yun naman daw talaga ang goal niya, ang maging isa siyang epektibong aktres.

Pakli niya, "Yung maging realistic ako as much as possible."

Wala ba namang naging problema ito sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang si Mommy Divine nang gawin niya ang pelikula?

O maging sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli?

Giit ng Pop Star Princess, "Wala naman po, maayos naman ang lahat."

Sa tanong naman kay Piolo, kung ano ang naging pakiramdam niya na mismong si Sarah ang parang humiling sa ganoong eksena, ano ang pakiramdam niya?

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "Kaya naman nasabi niya yun, kasi panoorin natin sa mga eksena kung ano ang pinangagalingan ng experience na...

"Whatever we did dito sa pelikula, it's just for the film, so yun nga."

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When Sarah Geronimo was asked how it felt when she learned that Piolo Pascual would be her leading man in The Breakup Playlist, she admitted, "Ever since nandun ang admiration ko for Piolo Pascual. Same feeling ko nung sinabi na kasama ko ang isang John Lloyd Cruz. Inisip ko, 'Kaya ko ba ito? Mako-convince ba namin ang mga tao na isa kaming couple?'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results