Newcomer Anna Luna recalls bonding moments with co-star Sarah Geronimo

How lucky can one get? Anna Luna relates Piolo Pascual is her crush and she idolizes Sarah Geronimo, and now she's doing a movie with them. "Hindi ko nga alam kung ano'ng kilig ang nararamdaman ko, dahil sobrang guwapo ni Piolo at sobrang ganda ni Ate Sarah."



Ang theater actress na si Anna Luna ang gumaganap na best friend ni Sarah Geronimo sa The Breakup Playlist, na unang pagtatambal nina Sarah at Piolo Pascual sa pelikula.

Napanood si Anna sa Pure Love at kasama rin siya ngayon sa Oh, My G! sa ABS-CBN.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), talaga namang punumpuno ng energy si Anna habang ikinukuwento ang karanasan niya sa kanyang idolo.

"Sobrang bagay po sa akin ito na hindi ko ini-expect.

"Kailangan kasi, 'pag best friend kayo, kailangan sobrang close kayo.

"Sabi nga sa akin ni Direk Dan [Villegas], ‘Since friends kayo, hawakan mo man lang ang mukha.’

"Yung mga ganung bagay ba, kaya may bonding moments din kami ni Ate Sarah bago pa kunan yung mga eksena namin."

Dugtong pa ng newbie actress, "Kuwento nga niya sa akin, 'Ilang taon ka na?'

"'Twenty-one, Ate.’

“‘Ba't ang bata mo pa pala?’ ganyan-ganyan.

"Kuwentuhan po namin."

Dugtong pa niya tungkol sa kanyang role, “Inaaral ko talaga, kasi nakakahiya naman kung ako, e, syonga-syonga.

"Yung first day, ang haba-haba ng eksena ko na nagra-rant ako kay Ate Sarah about sa isang xerox machine na ayaw gumana.

"Sigaw ako nang sigaw, pero ang saya ng experience."

Bago ang The Breakup Playlist, mayroon nang koneksiyon si Anna sa Pop Star Princess.

Siya ang dating nagbu-voice over ng Popstar Diaries mula sa Viva TV, kung saan kinu-cover nito ang iba't ibang events sa buhay ni Sarah.

Matapos niyang mag-sample ng kanyang V.O. sa harap namin ay nakangiti niyang sinabi na, "Binanggit ko 'yan sa kanya.

"Sabi ko, 'Alam mo, Ate Sarah, ako ang dating nag-VO ng Popstar Diaries dati sa iyo.'

"Sabi niya, 'O, talaga?'

"Sobra talaga ang paghanga ko sa kanya, at dati hiyang-hiya ako sa kanya, kasi si Sarah Geronimo na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero nang makausap ko na siya nang personal, wala, parang younger sister na ang feeling ko."


KILIG. Sa tingin niya, ano ang aasahan ng publiko sa team-up nina Sarah at Piolo?

Nakangiting sagot ni Anna, "Kung ako nga, kinilig, e, yung iba pa kaya?

"Hindi ko nga alam kung anong kilig ang nararamdaman ko, dahil sobrang guwapo ni Piolo at sobrang ganda ni Ate Sarah.

"Na-starstruck talaga ako sa dalawa.

"Merong isang moment nga ako kay Papa P, nung huling araw ko sa kanila, sabi ko, 'Puwede ba magpa-picture sa iyo?'

“Tapos, mga three seconds niya akong tinitigan, sabay sabi na, 'Ba't di pa ngayon?'

"Sobrang nanginig at nagmamadali talaga akong kinuha ko ang phone ko.

"Noon pa kasi, crush ko na siya.

"Malapit lang yung balat niya sa akin, parang ano ba 'to, kinikilig talaga ako."

Sa tingin niya, ba't sobrang iniidolo ng masa si Sarah?

Ayon kay Anna, "Oo, sobra talaga lalo na yung sa generation namin.

"Kasi, yung 'Forever Is Not Enough' na song niya, yun talaga ang kinalakhan namin.

"Nakikita mo sa kanya yung sobrang pagka-down-to-earth talaga.

"Iidolohin mo siya nang husto lalo na kung gusto mong tahakin yung path niya bilang isang actress at singer.

"Ganun ang impact niya sa amin."

Tungkol naman sa misteryosong kissing scene nina Sarah at Piolo, ano ang masasabi niya dito?

Medyo nahihiya pang sabi ni Anna, "Basta, ang alam ko, sobrang nakakakilig!

"Wala ako kasi nun sa eksenang yun, pero basta, abangan niyo na lang po.

"Basta, wish ko na ako si Sarah!

"Sino po ba naman ang hindi magwi-wish, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN