Claudine Barretto describes Kris Aquino: “Parang kapatid ko na."

by Allan Sancon
Jun 26, 2015
Claudine Barretto says about their movie Etiquette of Mistresses: “Ang intention ng movie ay hindi para i-glorify ang mistresses, hindi rin kami nandito to judge them…”

Nagbabalik showbiz si Claudine Barretto matapos ang mga issue at problemang kanyang pinagdaanan sa kanyang personal na buhay.

Huli siyang napanood sa GMA-7 show na Iglot noong 2011 at ngayong 2015, gumagawa na siya ng pelikula with Star Cinema.

Ang actress na tinaguriang Optimum Star ay makakasama sina Kris Aquino, Kim Chiu at Iza Calzado sa upcoming Star Cinema movie na Etiquette of Mistresses.

Sa proyekto na ito, magsasama uli si Claudine with Kris at Direk Chito Rono matapos nilang gawin ang blockbuster movie na Sukob noong 2006.

Ang movie na ito ay base sa bestselling book ni Jullie Yap Daza titled Etiquette For Mistresses And What Wives Can Learn From Them, na na-release noong 1992.

“I’m so so happy, kasi si Ate Kris, she’s been always there for me, sabi nga namin na this reunion is not only with Kris but with Direk Chito Rono. This is just a big project and we really hope na magustuhan ng lahat,” sabi ni Claudine sa story conference na ginanap sa Star Cinema office kahapon, June 25.

Continue reading below ↓

Ano ang first reaksiyon mo nang malaman mo na sa comeback movie mo ay makakasama mo muli si Kris Aquino and Direk Chito? Kinabahan ka ba?

Claudine: “Super! Super, super! Pero at the same time ang sarap ng feeling kasi na miss ko ‘to, sobra! Na-miss ko si Kris, na-miss ko si Direk, na-miss ko kayong lahat!”

Ano ba ang intention ng movie? Para ba bigyan ng pansin ang mga mistresses or taliwas doon?

Claudine: “Hindi naman! Ang intention ng movie ay hindi para i-glorify ang mistresses, hindi rin kami nandito to judge them but gusto lang naming ipakita ang reality kung ano nangyayari sa loob ng relasyon. Maraming matutunan hindi lang yung mistresses pati yung wife na rin. Lalo na yung mga lalaki na nagkakaroon ng mistress.”

Anong klaseng mistress ang gagampanan mo sa pelikulang ito?

Claudine: “Isa akong mistress ng businessman. Ako yung tipong mistress na hindi magugustuhan ng wife at all, halimbawa nasa party yung wife, dadaan ako at mambubwiset ako, yung ganyan. May mga ganung klaseng tao, yun yung peg ko.”

Continue reading below ↓

Kapansin-pansin ang weight loss niyo. Bahagi ba ito ng paghahanda mo para sa comeback movie?

Claudine: “Kailangan, e. Siyempre makakasama mo sa pelikulang ito si Kim Chiu na napaka-sexy. Kaya nag double time ako sa pagpapayat! Saka part din yun ng pagiging mistress na dapat you look good. Sabi pa nga nila na dapat you look better than the wife.”

Ano ang pakiramdam mo na sa comeback movie mo, sina Kris, Iza, Kim, China at Direk Chito ang makakasama niyo?

Claudine: “Sobrang happy ko talaga, parang ang tagal kong nawala, tapos Kris is there, parang kapatid ko na and I’m so comfortable. Of course, yung nerbiyos din sobra-sobra sa akin. Nanginginig nginig pa ako kanina during our storycon but because nagkatrabaho na kami before pati ni Direk Chito, may relationship na kaming nabuo na maayos.”

Ms. Kris did you request Claudine for this movie?

Kris: “Actually nung kino-convince ako ni Direk Chito to accept the movie, sinabi ko, ‘Sige direk kung gusto mo talaga tong role para sa akin, mag Claudine-Kris na tayo.’ Tapos nung nabasa ko yung script bagay na bagay talaga kay Claudine yung role. Ang tapang ng role niya rito.”

Continue reading below ↓

Claudine, gaano niyo na miss yung paggawa ng pelikula at TV shows?

Claudine: “Super! Sobra-sobrang na-miss ko talaga, kasi almost three years akong nawala. First love ko ang acting, first love ko yun, e. Alam mo yun? To be back again now with these big big project. Aside from these, may iba pang malalaking project, knowing all of that, is very overwhelming, I’m overjoyed, I’m very thankful lalo na sa lahat ng mga taong nag-pray na makabalik ako. Lahat ng mga Claudinians, lahat ng mga natutuwang nakabalik ako.”

May upcoming project raw kayo with Judy Ann Santos?

Claudine: “May mga ganyan nga daw, pero siyempre confidential pa lahat. Ang importante, this Sunday, mag-start na yung shooting ko para sa bago kong movie, wish me luck and please pray for me.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto says about their movie Etiquette of Mistresses: “Ang intention ng movie ay hindi para i-glorify ang mistresses, hindi rin kami nandito to judge them…”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results