Newcomer CJ Reyes braves gay kissing scene in his first indie film I Love You, Thank You

by Rommel R. Llanes
Jun 27, 2015
CJ Reyes is one of those quiet showbiz denizens who crisscross movie and television in not a few projects and wants to achieve more like the established artists in the stable of his manager Noel Ferrer. He says, “Siyempre gusto ko ring ma-reach yung narating nila, di ba?"

Maituturing na baguhan pa lamang, pero sa pinakaunang pelikula niya ay pumayag na si CJ Reyes na gumanap bilang isang bakla.

Gaganap siya bilang si Ivan, na lover ni Red (Prince Stefan) sa I Love You, Thank You.

Bida rito si Joross Gamboa bilang si Paul at ang Thai actor na si Ae Pattawan bilang si Tang.

May kissing scene sina CJ at Prince sa pelikula.

“Hindi siya kissing scene talaga na lips-to-lips, ano lang... sa cheeks lang,” paglilinaw ni CJ.

Nakausap namin ang baguhang aktor sa World Premieres Film Festival Philippines opening night, nitong Miyerkules ng gabi, June 24, sa One Esplanade sa Mall of Asia Complex.

Isa ang gay-themed na I Love You, Thank You sa walong Filipino New Cinema entries sa festival.

Ito ay mula sa direksiyon ni Charliebebs Gohetia; at tampok din sina Villie Thuy, Surachai, at Yomjinda.


BEGINNING. Nagsimula bilang commercial model si CJ, hanggang kinuha raw siya ng talent manager na si Noel Ferrer para mag-artista.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, “Nagkakilala po kami sa isang event, then he asked me to send my profile and then dun na nagsimula.”

Nasa stable ng artists ni Noel sina Ryan Agoncillo, Edgar Allan Guzman, Luis Alandy, Iza Calzado, at si Joross.

Ano ang pakiramdam ni CJ bilang mga sikat ang mga nabanggit na artista?

“Siyempre gusto ko ring ma-reach yung narating nila, di ba?

“‘Tsaka siyempre, proud ako na yung mga kasama ko kay Tito Noel is mga ganung level,” sabi ng 23-year-old newcomer.

Ano ang una niyang proyekto sa showbiz?

“Nag-appear na din po ako sa Be Careful With My Heart. I played the role na brother ni Marlo Mortel.

“Then, may mga several MMK [Maalaala Mo Kaya] episodes akong ginawa, like yung kay Dina Bonnevie. I played the� role of a young Tonton Gutierrez.

"Then, recently yung kay Jessy Mendiola, I played as her high school boyfriend.”

Graduate ng kursong Advertising si CJ sa Adamson University.

Continue reading below ↓

Nakagawa na rin siya ng Wattpad Presents episode sa TV5 kasama si Ella Cruz, ang Hot And Cold.

Sa GMA naman ay nakapag-guest na rin si CJ sa Maynila.


HESITANT. Sa I Love You Thank You ay straight-acting gay ang role ni CJ.

Pag-amin ni CJ, sa una ay medyo nag-alangan siyang tanggapin ang pelikula.

“At first medyo hesitant ako kasi sa advertising, it’s parang an issue sa commercials.

“Since medyo wholesome, then ganito.

“But then sabi ni Tito Noel, maganda naman yung story, magaling yung director.

“And hindi naman siya cheap na pelikula because it was shot in three countries—Thailand, Cambodia, and the Philippines.

“So, tinanggap ko po since may tiwala naman ako kay Tito Noel.”

Paano iniarte ni CJ ang pagiging discreet gay?

“We had a workshop with Direk Bebs, so nagkaroon naman kami ng bonding before namin shinoot para maiwasan yung ilangan.”

Naligawan na ba siya ng bading?

Continue reading below ↓

“Hindi pa naman, mga friendly gays lang.”

Hindi raw siya homophobic.

“Hindi naman po, in this industry wherein pinapalibutan ka ng gays?”

Kung papalarin na magkaroon ng launching project, si Sarah Geronimo ang nais maging leading lady ni CJ.

“Crush ko po siya since nag-start siya,” pahayag pa ng guwapong male star.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
CJ Reyes is one of those quiet showbiz denizens who crisscross movie and television in not a few projects and wants to achieve more like the established artists in the stable of his manager Noel Ferrer. He says, “Siyempre gusto ko ring ma-reach yung narating nila, di ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results