Vilma Santos, Cherie Gil, Sheena McBride earn nominations in 2015 Madrid International Film Festival

The 2015 Madrid International Film Fest Best Lead Actress nominees are (L-R) Vilma Santos Ekstra (The Bit Player), Cherie Gil (Mana), and Sheena McBride (Gemini).


Nakakuha ng nominations ang ilang Filipino films sa 2015 Madrid International Film Fest na gaganapin sa Spain this July.

Ang opening ng Madrid IFF ay ngayong July 2 samantalang nakatakdang gawin ang awards night sa July 11, 2015.

Nagulat at natuwa ang GMA-7 actress na si Sunshine Dizon dahil sa nakarating sa kanyang balita na nakakuha siya ng acting nomination mula sa naturang international film festival.

Nominated si Sunshine for Best Supporting Actress in a Foreign Film sa 2015 Madrid IFF.

Ito ay para sa pelikulang Kamkam (Greed) na dinirek ni Joel Lamangan kunsaan gumanap si Sunshine Dizon bilang isang maybahay na sabik sa atensyon ng kanyang asawa.

Pinalabas last year ang indie film na Kamkam at kasama rito si Sunshine ay sina Allen Dizon, Jean Garcia, Kerbie Zamora at Jackie Rice.

Nag-post si Sunshine sa kanyang Instagram account last June 24 ng kanyang pasasalamat sa sa mga taong nasa likod ng pelikula.

Heto ang kanyang caption posted sa Instagram account niya (@shinedizontan):

“Just got word yesterday that I got nominated for Best Supporting Actress for an international film festival. Thank you for this wonderful blessing. Thank you for the opportunity to be part of #Kamkam.

“To Heaven's Best Entertainment and GMA Films @gmanetwork Ms. Harlene, Ms. Annette, Tito Joey Abacan, Kuya Ferdie Lapuz Kuya@dennisevangelista888, Direk Joel Lamangan. Salamat po To God be the glory #MADRIDINTERNATIONALFILMFESTIVAL #MIFF2015.”

Ang mga foreign actresses na kalaban ni Sunshine sa naturang category ay sina Delphine Theodore (Scratch); Rachid El Ghazaoui (The Intruder); Athina Papa (The Sentimentalists); Karla Rico (Adrenaline); Maryuri Sanchez (Sweet and Vicious); Eva Holzapfel Wegler (Mania) and Jisoo Han (Oh! My Princess).




Nominated rin ang aktres na si Cherie Gil sa Best Lead Actress category ng naturang international film festival para sa indie film na Mana (The Inheritance).

Mga kalaban ni Cherie sa category na ito ay sina Susie Porter (Is This The Real World); Rachel Hurd-Wood (Highway To Dhampus); Tilda Cobham-Hervey (One Eyed Girl); Lily Rabe (Redemption Trail); Mary Krohnert (Nocturne); Ira Dubey (M Cream) and Carlotta Elektra Bosch (The Amateur).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nominated din si Cherie sa category na Best Lead Actress in a Foreign Language Film at co-nominee niya rito ay sina Vilma Santos for Ekstra (The Bit Player) at Sheena McBride (Gemini).

Mga kalaban nila rito ay sina Natasha Dematra (From Seoul To Jakarta); Vivian Law (Once Upon A Time in a Cinema); Ilkem Ulugun (Sundown); Gwendolyn Gourvenec (WAX: We Are the X); Jenny Lampa (The Break-in); Mahie Gill (Buddha in a Traffice Jam); Alma Morales (Rebeldia); Eftihia Giakoumi (The Sentimentalists); Anne Sobero (Adrenaline); Faimida Shaikh (Jaya); and Carolina Guerra (The Firefly).

Ang iba pang Pinoy actors na nakakuha ng nomination ay sina: Mon Confiado (Best Lead Actor in a Foreign Language Film for Gemini) at Lance Raymundo (Best Supporting Actor in a Foreign Language Film for Gemini).

Nominated naman sa category na Best Director of a Foreign Language Film ang mga Pinoy film directors na sina Joel Lamangan (Kamkam); Jeffrey Jeturian (Ekstra) at Ato Bautista (Gemini).

Sa Best Foreign Language Feature Film, nominated ang Pinoy films na Kamkam (Greed) at Ekstra (The Bit Player).

Tinuturing na Philippine entry rin ang documentary ni Andrea Capranico na lumaki sa Italy ngunit naka-base na ngayon sa Manila. Titled The Undertaker, ito ay nominated sa Best Foreign Language Documentary at umani rin ng nomination para sa Best Producer of a Foreign Language Film (Bianca Balbuena).

Si Ferdinand “Ferdy” Lapuz ay twice nominated para sa category na Best Producer of a Foreign Language Film: isa para sa Kamkam (Greed) at isa para sa Ekstra (The Bit Player).





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN