Cristina Gonzales returns to acting via indie film about typhoon Yolanda

Cristina Gonzales is doing a movie that might be construed as a political move, "The movie is good, and merong values na ipinapakita ang story... dun nga ako naengganyo." As for her political plans, "Pinag-uusapan, pero hindi pa ganun kaseryoso."


Nagbabalik-pelikula ang dating aktres na si Cristina Gonzales pagkalipas ng 18 taong pamamahinga sa showbiz.

Ito ay sa pamamagitan ng indie movie na Yolanda.

Mula sa direksiyon ni Gorio Vicuna, magsisimula itong kunan ngayong Hulyo.

Si Cristina—na unang nakilala bilang si Kring Kring Gonzales—ay nanungungkulan ngayong bilang councilor ng Tacloban City, kung saan mayor ang mister niyang si Alfred Romualdez.

Hindi kaya mabigyan ng ibang kulay ang pagbabalik niya sa pelikula, lalo na't magaganap sa susunod na taon ang eleksiyon?

Paglilinaw ni Cristina, "Ours is not political, it's about the lives of people.

"Napanood niyo yung God's Not Dead? Kaya nga pumayag ako, kasi parang ganun siya, pero 'di naman siya religious.

"It's about nga yung mga tao na naayos ang buhay nila after ng bagyo."

Senyales na ba ito na muli siyang magiging aktibo sa showbiz?

Nag-aalangang sagot ni Cristina, "Siguro, for now, heto muna.

"Kasi the movie is good, and merong values na ipinapakita ang story, so yun.

"Actually, hindi ako ang nagplano, si Direk Gorio talaga.

"Parang hindi pa nga ako ano... kasi busy naman ako.

"But when I was in Manila, I went to his office, and he was planning with his team, then he showed me his works.

"He's very good, he worked in Hollywood.

"Then, dun nga ako naengganyo nung sabihin na niya yung kuwento and all that."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang miyembro ng media si Cristina sa bahay ng California-based businessman na si Al Chu sa Tacloban City, noong June 28.


THE MOVIE. Ibinahagi rin ni Cristina ang istorya ng Yolanda.

“It’s not totally about the storm lang, kasama yung sa storm, but it's about the lives of the people in Tacloban.

"That would be before and after the storm.

"It's being directed by Direk Gorio, he's actually here now, and nag-take na siya ng drone of the city.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanina ipinakita niya sa akin ang drone, ang ganda!"

Dugtong pa niya, "It's not totally about the disaster, it's actually about three lives of three different women.

"Parang ang location is supposedly in Tacloban.

"Parang before the storm, ito ang buhay nila, it's more about their lives na parang nag-change ang buhay.

"Dati ganito ang buhay, tapos biglang nagbago."


MOTHER ROLE. Ano ang preparasyon na ginagawa niya lalo na't matagal na siyang hindi umaarte?

Nangingiting saad ni Cristina, "Magwu-workshop daw kami, sabi ni Direk.

"Excited naman ako kasi hindi naman siya masyadong heavy.

"Like, less than ten days naman yung shoot, hindi naman siya ganun kaano."

Mother na ang role niya sa nasabing pelikula na malayo sa kanyang ginagampanan noon. Pero wala raw problema ito sa kanya.

“Ang role ko is a mother na ang anak ay retarded.

"Inaalagaan ko siya at nang mangyari ang Yolanda, nawala ang bata, teenager na siya nun... then, babalik.

"The other two [mothers], actually, hindi naman sila actresses, sina Councilor Kate Coseteng at saka si Gwen Tan.

"So it's something different."


POLITICAL PLANS? Nasa huling term na ang kanyang asawa bilang alkalde ng Tacloban. Tatakbo ba ito sa mas mataaas na posisyon sa 2016 elections?

Ayon kay Cristina, "Wala pang definite plan, pinag-uusapan, pero hindi pa ganun kaseryoso.

"I think he wants na magpahinga muna sa politics, but he will continue kung ano ang mga nagawa niya as a private person.

"Wala pa talaga."

Marami ring nang-eengganyo na si Cristina ang pumalit sa kanyang asawa.

Pahayag ng dating aktres tungkol dito, "We don't know yet, right now, naka-concentrate ako sa livelihood projects at sa tourism.

"Kaya nga this year, we have a bigger Sangyaw Festival na almost month-long na siyang sini-celebrate.

"Last year, we have this also, pero hindi ganito kaingay or big kasi nga katatapos pa lang ng Yolanda [typhoon]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN