Will Claudine Barretto be paired with Piolo Pascual in a movie?

Direk Wenn Deramas wants Piolo Pascual (right) to be Claudine Barretto's co-star in his upcoming movie.



Si Wenn Deramas ang direktor ng pelikula na pagsasamahan nina Coco Martin at Vice Ganda na may title na Beauty and The Bestie.

Ito ang isa sa mga entries ng Star Cinema para sa 2015 Metro Manila Film Festival.

Hiningan namin ng kumpirmasyon si Direk Wenn kung totoo bang nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa pagdating sa script ng nasabing MMFF entry?

“Ay hindi, mas gusto nating sabihin na nagko-contribute para sa ikagaganda, kumbaga prinesent ko, kasi nakasaksi ako nun.

“Ako, si Vice, sina Tita Malou [Santos], si Inang [Olivia Lamasan], umupo kami, kinuwento kay Vice.

“Si Vice, nagbibigay ng input ganun din si Coco… pareho silang creative.

"‘Tapos parehong gustong panindigan at gawing tama ang kanilang unang pagsasama.

“Para ngang may pressure sa kanila dahil pareho silang box office, ‘di ba, yung mga ginagawa nila.

“Pasabog ang pagsasama, nasa sa tao 'yan, tayo gagawin lang natin ang unang requirement ng Star Cinema at Viva Films.

“Mag-entertain, magpatawa, pag nagawa mo yun, bahala silang magbenta.”

(To view photos from the story conference of Beauty and the Bestie, CLICK HERE)


CLAUDINE WITH PIOLO? Sa mga past interviews ni Direk Wenn ay nabanggit nito noon na siya ang gagawa ng comeback projects ni Claudine Barretto sa Star Cinema at ABS-CBN.

Marami ang nagtaka kung bakit nauna pang gawin ngayon ng nagbabalik-Kapamilya actress ang pelikulang Etiquette for Mistresses sa ilalim ng direksyon ni Direk Chito Rono.

“Sabay talaga na nangyari yun, yung project ko saka project ni Direk Chito.

“Ang nangyari, si Piolo [Pascual] na gusto kong ka-partner niya sa aking movie with her ay mayroong Sarah Geronimo movie.

“Natapos na, nag-textan kami ni Piolo, hihintayin lang namin na pare-parehong pwede nang maupo at ma-pitch ko sa kanila yung kuwento.

“Dapat talaga kung walang Sarah-Piolo, malamang kung nagustuhan ni Piolo, malamang nauna namin ito sa Etiquette.

"Ang sa akin lang naman, basta magkaroon ng comeback si Clau-Clau, approve na kay Claudine.

"Gandang-ganda si Clau-Clau sa istorya namin, may sequence treatment na rin yun, si Keiko Aquino ang writer."

Matatandaan na naging loveteam partners noon si Claudine at Piolo sa 2004 hit movie na Milan.

Pagpapatuloy ni Direk Wenn tungkol sa mga projects niya, “Dalawa din ang ginagawa ko ngayon, WanFam ni Pokwang at saka itong Coco-Vice, magga-grind na ako sa Huwebes.”



ENDING. Huling apat na linggo na lamang ng Flordeliza sa ere, labis na nagpapasalamat si direk Wenn sa mainit na pagtanggap at suporta na binigay ng publiko sa dinirek na serye kung saan tumagal ito ng pitong buwan sa ere.

“Lahat naman talaga mage-end, kahit ilang taon pa ‘yan, walang forever sa teleserye.

“Ang maganda basta yung friendship hindi matatapos dito, saka may chance pa rin naman kami na magkatrabaho uli.

“Yun nga lang di eksaktong ito yung cast, kasi every time, like kunwari nung pilot, after pilot lang talaga naka-peg.

“After nung first two weeks, sinabihan na agad kami na sixteen weeks, dun pa lamang kasi yung pinanggalingan na rating din nito.

“Nung binuo ito is sadlak talaga, sadlak sa pusali, sa putikan, ganun.

"Kaya sobrang nakaka-ano sa confidence na nagising namin yung hapon.

“Ang ganda ng teamup namin ng Showtime, Flordeliza, Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na nabuhay namin.

“Yung primetime ng Dos, ‘di nila pababayaan, alam mong panalo ‘yan... pero yung hapon, ang laking challenge sa amin.

“Sabi nila, ‘Bakit panghapon?’ ‘Di ninyo alam sundalo ako ng ABS at dito ako nilagay.

“Kailangan mong maiangat at pag naiangat mo, sobrang masarap sa pakiramdam dahil may nagagawa kang tama.”


SMART-ALECK. Kapansin-pansin ang matatapang na mga linya ng isa sa bidang bata sa Flordeliza, si Rhed Bustamante na gumaganap na Liza sa istorya.

Paglilinaw ni Direk Wenn na may pinagbasehan sila sa karakter ni Liza kung saan may mga bata talagang parang matanda kung magsalita.

“May peg kasi kami, may mga batang ganun magsalita, yung batang matanda.

“Isa na si Raffy yung anak ko, napakapilosopo, ‘tapos matatas at five.

“Of course ako, bilang magulang niya puwede ko siyang kutusan.

“Mayroon, kaya naman pinapakita dito, kita mo walang nagrereklamo sa mga manonood.

“As a matter of fact sinasabi nila, ‘Naku may ganyan akong pamangkin, may ganito akong pinsan.’

“Nangyayari at pinapakita natin na mali, ‘di naman natin sinasabi na tama ‘yan.

“Dumarating na lang, kapag alam mong kaya niya, bibigyan mo, kakargahan mo.

“Pero kungdi naman niya kaya ‘yun, ‘di ko naman maiisip din ‘yan.

“So bilib na bilib ako at ang maganda din kay Liza, mabait na bata sa tunay na buhay, ‘di siya maldita.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ashley [Sarmiento] mabait naman talaga,maganda ‘yung na-instill sa utak nila habang ginagawa nila ito.

“Ang po-professional at ang babait ng mga artista.

“Sa kanilang murang edad makikita sa kanila na ganito ang artista, marunong gumalang, sumusunod sa call time.

“Feeling ko tama yung naumpisahan nilang teleserye, first nilang teleseryeng dalawa na kanila talaga yung serye.

“Kahit kina Ma’am Charo sinasabi ko ‘yan na matatalino, mababit na anak at gustong-gusto ang ginagawa.

“Ang panakot ko sa kanila pagka ano, patigilan na ang pag-aartista, hindi pinipilit mo.

‘Itigil na natin ito,’ pag nagagalit na ako. ‘Sige, mag-aral kayo, wag na kayong mag-artista.’

“Dun ko nakikita gusto talaga nito kasi ang panakot mo pagtigil sa pag-aartista nila, e.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN