Coco Martin believes he is "compatible" with Julia Montes; describes leading lady Ellen Adarna as "beautiful"

Coco Martin will star in the action-comedy film Beauty and The Bestie that is part of the 2015 Metro Manila Film Festival.


Muli na namang magiging abala si Coco Martin bago matapos ang 2015 dahil sunud-sunod ang kanyang proyekto, mapa-pelikula man o telebisyon.

Kasalukuyang ginagawa ni Coco ang upcoming ABS-CBN teleserye na Ang Probinsyano na base sa pelikula ni Fernando Poe Jr.

Bukod dito ay sisimulan na nilang i-shoot ni Vice Ganda ang 2015 Metro Manila Film Festival entry na Beauty and The Bestie. Ginanap ang story conference ng naturang MMFF entry kamakailan sa conference room ng Star Creatives.

Paano mo inihanda yung sarili mo sa pagsasama nyo sa isang proyekto ng kaibigang mong si Vice Ganda?

Coco: “Honestly, siguro naging blessing sa akin yung ginawa namin ni Toni [Gonzaga] na movie [You’re My Boss], at least kahit papaano, nagkaroon ako ng kaunting idea sa paggawa ng comedy. Pero, sa totoo lang sobrang nahirapan talaga ako doon. Talagang hirap na hirap ako dun. May time na umuuwi ako na feeling ko mali yung mga ginawa ko sa eksena. Pero noong nakita ko naman yung resulta ng proyekto, natuwa naman ako kasi kahit papaano, nakasabay ako kay Toni pagdating sa comedy.

“Ngayon napakalaking challenge para sa kin itong movie namin nina Vice at Direk Wenn. Lalo na, na talagang comedy ito. Yung sa amin ni Toni medyo romantic-comedy pa nga yun, e. Nakaka excite lang.”

Ano ang feeling mo na si Ellen Adarna ang magiging leading leady mo sa pelikulang ito?

Coco:
“Siyempre, na-excite ako, kasi hindi pa kami nakakapag-trabaho. Saka, napakaganda ni Ellen, di ba? Napapanuod ko din siya sa Pasion de Amor, ang galing niya! Nakaka-excite! Tapos, siyempre ibang genre ‘to, which is comedy. Isa pa, nakita ko na, na may timing siya, pagdating sa comedy. I’m sure, ako yung hihilahin niya dito sa movie.”

Paano mo nababalanse ang mga bagay bagay sa career mo? On TV, you do drama-action projects, sa pelikula medyo nalilinya ka sa comedy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Coco: “Hindi, kasi, iba-iba naman, e! Like, kunwari sa paggawa ko ng indie film, siyempre doon ako gumagawa ng mga experimental movie na tinatawag nating art movie. Then, iba naman ang mundo pagdating sa telebisyon, para sa akin dahil everyday na akong nakikita sa TV pag may teleserye ako, dapat iba naman ang inihahandog ko pagdating sa mga mainstream movie.”

May ginagawa ka bang indie film ngayon?

Coco: “Yung huling tinapos ko, yung movie namin ni Ate Guy [Nora Aunor] na Padre de Familia, yun nga, medyo ine-edit pa.”

Ang Probinsyano, kamusta naman ang shooting ninyo?

Coco: “Mahirap! Kasi, yun naman talaga, action-drama siya, then family-love story. Gumagawa ako ng action, pero hindi talaga full action. Ang Probinsyano, medyo mataas yung standard ng action dito. Halos everyday, nagte-taping na rin kami, mahirap, sabi ko nga, mataas ang expectation ng mga manonood dito, kasi nanggaling ito sa pelikula ni FPJ. Kahit papaano, sana, magustuhan ng mga tao itong teleserye namin.”

Kamusta ang working relationship ninyo ni Ms. Susan Roces dito sa Ang Probinsyano?

Coco: “Mag-lola kami nun talaga! Kumbaga, sobra yung support na ibinibigay niya sa akin. Siyempre, tuwang tuwa ako noong binigay niya sa amin yung title ng pelikula ni FPJ, then pumayag siya na gawin naming teleserye yun. Nakakatuwa, kasi, sabi ko nga, sa dami ng artista, ako ang gagawa ng Ang Probinsyano. Noong pinaalaman ko sa kanya yun, pinayagan nya ako.”

Nagkakaroon ba ng chance na makakapag kwentuhan kayo tungkol sa original movie ng Ang Probinsyano attungkol sa buhay ni FPJ?

Coco: “Sobra! As in talaga! Lahat kami! Kasi lahat kami interesado na malaman kung ano yung kwento ni FPJ kung ano sya bilang isang tao, bilang isang artista, bilang asawa, kung ano ang love story nila? Nakakatuwa, pag binabalikan mo kung ano sila bilang tao noong time na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta kayo ni Julia Montes? May communication pa ba kayong dalawa?

Coco: “Si Julia, hindi ko naman idine-deny na napaka-special niya para sa akin. Si Julia kasi in terms of acting, sa trabaho, personal man, honestly, compatible kami! Mature kasi ang pag-iisip niya, e, ayaw ko lang madaliin. Ayaw ko namang makipag plastikan, ilang taon na ako, 33 na ako, bakit kailangan kong i-deny.

“Tulad ng sinabi ko, ayaw ko lang nang hindi ako handa. Ayaw ko lang na papasok ako sa isang relasyon and after that maghihiwalay din, kasi nung simula na-excite at nabigla lang.”

Alam ba ni Julia ang mga bagay na ‘yan tungkol sa kanya?

Coco: “Hindi! Pero, I’m sure nararamdaman niya yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN