Maryo J. de los Reyes spearheads film festival dedicated to farmers

Maryo de los Reyes says the film festival TOFARM is close to his heart as it encompasses both his creative skill as a director and his advocacy to raise the quality of life of the impoverished farmers. (In this photo: Direk Maryo with UHI Executive Vice President Dr. Milagros How and TOFARM Program Director Rommel Cunanan)


Aminado ang award-winning director na si Maryo J. de los Reyes na bilang may-ari ng isang farm sa Bohol, malapit sa kanyang puso ang bagong tatag na TOFARM Film Festival.

Isa ito mga proyekto at advocacy programs ng Universal Harvester Inc. (UHI), isang institusyong tumutulong sa mga magsasakang Pinoy at ayon nga sa tagline nito ay “Kabalikat ng Magsasaka.”

Si Direk Maryo ang tumatayong director at adviser ng naturang film festival na dedicated sa mga magsasaka.

Ang tema raw ng film festival sa una nitong taon ay “The Plight of the Farmer: His Trials and Triumphs.”

Paliwanag nga ni Direk Maryo, “Oo, naaaliw ako. Balik farm na ako, enjoy.

“Actually, marami na rin sa mga taga-showbiz ang nagpa-farming kagaya nina Lorna [Tolentino], si Albert [Martinez].

“Si Joey Marquez, ‘di ba nag-e-export na siya ng dragonfruit… sina Christopher de Leon, ‘di ba nagpa-farming na rin.

“Yung showbiz pwede namang i-integrate e, pwedeng gamitin yung idea.

“At the same time nase-share ko iyong knowledge ko bilang direktor dito sa pagbubuo ng festival na ito.

“Yung organization, yung pagtulong sa paghanap ng materyales, at the same time answered prayer.

“Dahil mayroon akong producer [UHI] na gagawa ng ganitong film festival… nakakatulong ka pa sa maraming tao, ‘di ba?

“Nadi-disturb ako noong bumalik ako sa farm [sa Bohol] nang mamatay ang aking parents.

“Nakita ko yung farmers laging nagdarahop, laging hirap, ’tapos laging pupunta sa bahay, siyempre aabutan mo nang kaunti.

“Kaya lang hindi sustainable, nagdo-dole out ka… bukas ano naman ang kakainin, saan na naman sila hihingi.

“So, I think this is a very good way of assisting and teaching how farming can be a business enterprise.

“How it could be a profession na pwedeng sustainable.”

POSITIVE OUTLOOK. Nabanggit ng direktor si Desiree Duran, ang Woman Farmer Gold Awardee 2014.

Sabi niya, “Yung taga-San Jose del Monte [Bulacan], na ang ganda raw ng bahay niya, naka-SUV na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So ibig kong sabihin, hindi siya yung tipikal na nagdarahop na yung mga anak pinapadala sa Maynila ginagawang katulong.

“‘Tapos ang ending nabuntis or what, laging iyon ang topic natin sa ating mga teleserye, sa ating mga pelikula.”

Ang gusto raw ni Direk Maryo ay maiba ang pananaw ng mga farmers sa kanilang situwasyon.

Lahad niya, “Positive, iyon ang gusto kong idea.

"Kasi lately nalilinya ako sa mga inspirational topic tulad ng Niño, Pari Koy, at Bamboo Flowers, yung Magnifico.

“Ibig kong sabihin, ilinya ko na ang sarili ko, paghusayan ko na rito para nakakatulong at nakaka-inspire ka pa ng maraming tao.

"Nagiging positive yung outlook ng mga tao, hindi masama ang paningin sa buhay, nagiging maganda yung pananaw nila.

"Iyon na siguro yung nagiging linya mo, at the same time iyon na ang nagiging paninindigan mo as an artist-director.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Direk Maryo sa press launch ng 1st TOFARM Film Festival, na ginanap kahapon, Miyerkules, Hulyo 16, sa Annabel’s restaurant sa Quezon City.

Nakasama ni Direk Maryo sa pagpapaliwanag sa mga press ang organizers ng film festival sa pangunguna nina UHI Executive Vice President Dr. Milagros How, at TOFARM Program Director Rommel Cunanan.


ANSWERED PRAYER. Para nga kay Direk Maryo, sagot sa kanyang dasal na makilala ang mga taga-UHI at maging bahagi ng TOFORM Film Festival.

“This is an answered prayer e, kasi from doing films for the past how many years, ilang dekada na rin akong nagdidirek...

"At biglang mayroon din naiwang farm mula sa aking mga magulang sa Bohol.

“Ipinagkatiwala ito ng aking mga ninuno, na hindi ko naman alam kung paano rin ang gagawin ko.

“I don’t know, this is a marriage between my profession and another inheritance na napagsasama ko ngayon.

"At sa tulong nga ng Universal Harvester at ni Mrs. How, I hope to become a farmer later on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To make use of the farm we inherited in Bohol at the same time nae-exercise ko yung aking creative process as direktor.

“And noong nilapitan ako para hingan ng tulong para i-form itong festival, I gladly accepted it with open arms.”


INSPIRED. Nabanggit pa ni Direk Maryo ang isang lumang pelikula na tila naging inspirasyon niya para sa TOFARM Film Festival.

“Ang advocacy ni Mrs. How is on farming and agriculture, sabi ko lagi naman itong topic sa ating mga pelikula, e.

“At siguro, baka later on makagawa tayo ng isang Biyaya ng Lupa done in 1958.

"Isang classic film na ginawa ni Yoyong Fernandez starring Rosa Rosal, Tony Santos Sr. and Leroy Salvador, black and white pa.

“Yung pelikulang iyon ang laki-laki ng dating sa akin, ang lakas ng impresyon.

"Hanggang ngayon, tandang-tanda ko pa yung mga eksena roon nang dinedepensa nila yung kanilang mga lanzones.

“Nagpupukpok sila ng mga kawayan para makipaglaban sila doon sa mga tulisan at umaagaw ng kanilang mga harvest.

“This is a beautiful film na pwedeng example, gawing peg sa mga gagawin nating pelikula na ating ipo-produce.”


DETAILS. Inihayag din ni Direk Maryo detalye tungkol sa pagsali sa TOFARM Film Festival.

“We came up with the idea of coming up with six films for the festival and these six films will be chosen by a committee.

“They will be given a grant of one million and five hundred thousand pesos (P1.5M) each.

“They may get other support or counterpart from sponsors and benefactors, tulad ng ginagawa sa pagpo-produce ng mga indie.

“Sa Cinemalaya, they’re giving five hundred thousand pesos (P500K), sa Cinemabuhay is one million, and sa Quezon City Film Festival, two million or one million.”

Magkakaloob ang film festival ng cash prizes at trophies sa mga magwawagi. Ang Best Film ay magkakamit ng P500,000; 2nd Best Film, P400,000; 3rd Best Film, P300,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May Special Jury Award din na bibigyan ng P100,000.

Lahat ng winners sa acting at technical categories ay pagkakalooban ng TOFARM trophy.

Bukas daw ang film festival na ito sa lahat ng amateur at professional writers at filmmakers. Ang deadline ng submission para sa full-length feature screenplay ay sa October 16, 2015.

I-submit ang entries sa TOFARM Secretariat Office, 10th Floor, Harvester Corporate Center, 158 P. Tuazon corner 7th and 8th Avenue, Cubao, Quezon City.

Sa November 27, 2015 magaganap ang announcement ng anim na award-winning screenplays na gagawing pelikula at magiging kalahok sa TOFARM Film Festival.

Nakatakda namang ganapin ang festival proper at pagpapalabas ng anim na pelikula mula July 13 hanggang July 16, 2016. Ang awards night ay sa July 16, 2016.

Tumatanggap din ang TOFARM ng entries para sa kanilang 2nd Photo and Infomercial contests na may temang “TOFARM: Farmers at Work.”

Para sa iba pang detalye, bisitahin lang ang official website nila na www.tofarm.org.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN