Piolo Pascual to play Crisostomo Ibarra; says about working with John Lloyd Cruz: "Di dapat ini-isyu kung sino ang mas magaling, kung sino ang mas sikat..."

In their Lav Diaz film titled Hele sa Hiwagang Hapis, Piolo Pascual is cast as Crisostomo Ibarra while John Lloyd Cruz plays Isagani. They will be portraying characters from Jose Rizal's novel El Filibusterismo.



Magsasama sa kauna-unahang pagkakataon sa isang indie film ang mga aktor na sina Piolo Pascual at John Lloyd.

Gagampanan ni Piolo ang karakter ni Crisostomo Ibarra samantalang si John Lloyd naman ay si Isagani, ilan sa mga karakter sa librong El Filibusterismo na ang may akda ay ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Titled Hele sa Hiwagang Hapis, ito ay sa ilalim ng direksiyon ng internationally recognized filmmaker na si Lav Diaz.

Nalalagyan ng intriga ang proyekto na ito dahil dalawang pinaka in demand at mahuhusay na aktor ng kasalukuyang henerasyon ang tampok dito. Hindi kaya magkaroon ng billing issue sa dalawa o magkasapawan sila sa mga eksena?

Ayon naman kay Piolo sa interview sa kanya ng PEP.ph at Cinema News nung nakaraang Linggo sa ASAP XX, siniguro ng aktor na hindi kahit kailan magiging issue sa kaniya ang billing o kung sino ba ang mas magaling sa kanila ni John Lloyd. Para sa kanya, ang mahalaga ay maibigay nila ng buong-buo kung ano ang dapat nilang ibigay para sa nasabing pelikula.

“At the end of the day it’s not about that, it’s all about giving all your best because it’s your obligation as an actor.

"Di dapat ini-isyu kung sino ang mas magaling, kung sino ang mas sikat because ang requirement namin, ang trabaho namin ay ibigay ang the best namin. Pag nakita namin na maganda ang chemistry, na maganda yung binigay namin pareho, di aabot sa iisipin kung sino ang mas magaling.

“Billing? It’s not about us, we’re part of a project, this time it’s a big project, it’s Lav Diaz film, ang sarap lang na mabigyan ka ng oportunidad to work with him sa isang napakagandang proyekto na I grew up reading. Ang surreal lang talaga, sobrang surreal.”

Ang mga eksena na kinunan sa Lake Bulusan sa Sorsogon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Ito naman ang description ng pelikula: "It is a sorrowful mystery that marries Literature (the missing chapters of El Filibusterismo), Mythology (tikbalangs), and History (Oryang's 30-day search for the lost body of Andres Bonifacio)."

Ayon kay Piolo, sa sunod-sunod na mga proyektong ginagawa at gagawin pa lang niya ngayon, masarap sa pakiramdam niya ang patuloy na tiwala sa kanya ng tao at ng kanyang network.

“It’s very surreal kasi nagpunta kami sa Sorsogon, two days pa lang pinapalabas yung Break Up [Playlist, his movie with Sarah Geronimo], I was still on a high.

"Nag-fly kami sa Sorsogon for one week for Direk Lav Diaz film, Elias sa Hele sa Hiwagang Hapis, iba naman yung take, it’s an indie film with John Lloyd.

"Sabi ko talaga nakaka-overwhelm, ang surreal ng pakiramdam na galing ka lang sa pagiging rock star, ang role ko naman si Crisostomo Ibarra sa El Filibusterismo. Then mag-start na ako ng bagong soap next week so ang sarap, panalo.”

Si Paul Soriano ang nagsisilbing producer ng Hele sa Hiwagang Hapis at siya ang nag-share ng photo na ito sa kanyang Instagram account.





(To learn more about Hele sa Hiwagang Hapis, read: John Lloyd Cruz and Piolo Pascual to star in Lav Diaz film)



Labis-labis din ang pasasalamat ni Piolo sa tagumpay ng pelikula nila ni Sarah, ang The Breakup Playlist na kumita na ng lagpas P100 million sa box-office.

Nagkaroon ito kamakailan ng international screening sa Hong Kong na dinaluhan mismo ng aktor.

“Sobrang saya siyempre, it’s beyond words, ibang klase, nakakatuwa na worth it lahat ng pagod, puyat saka ang sarap.

"We are thrilled as well coz the sound track is also doing so good, in line of course with OPM week.

"We got come up with someone original which is the sound track. Ang sarap aksi even abroad, like I was in Hong Kong last week, ang ganda, sold out lahat ng shows and it’s like premiere night. Lahat ng tao talagang they were so into it, lahat ng tao nakikita mo yung excitement.

"You know what is good on releasing Pinoy films abroad especially mga Kapamilya natin na nakakapanood ng regular theaters. Ang sarap ng pakiramdam when you see them get involved, na nakikita mo na naa-appreciate nila and they really line up to watch the film. Nakaka-boost ng morale especially for us na ang hirap gumawa ng pelikula, our medium is TV now.

"Pero siyempre pag may support na nakikita mo na palaki ng palaki ang market natin especially sa international scene, mas mae-excite ka, of course, challenge to come up with more relevant films.”

Sobrang excited din ang aktor sa pagsisimula naman ng taping ng Kapamilya teleserye na Written in Our Stars kung saan makakasama niya sina Toni Gonzaga, Jolina Magdangal at Sam Milby.

“I'm so excited to be reunited with Tin, and of course with Samuel na nakakabatang kapatid ko and, of course, kay Jolina. Ang sarap, ang sarap lang ng panibagong family, panibagong grupo, panibagong soap, wala lang, I’m so speechless.”





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN