Aga Muhlach happy about box-office success of "When Love Begins"

by Julie E. Bonifacio
May 4, 2008
Aga Muhlach thanks the moviegoers who watched his movie with Anne Curtis. "I hope they really enjoyed the movie," he says.

Abot hanggang tenga ang ngiti ni Aga Muhlach nang makasalubong namin siya sa ABS-CBN compund kahapon, April 30. Nakarating na kasi agad kay Aga ang magandang balita na successful daw ang nationwide first-day showing ng movie nila ni Anne Curtis na When Love Begins ng Star Cinema at Viva Films.

"Of course, masaya," ngiti ni Aga. "Nagpapasalamat ako sa mga nanonood. I hope they really enjoyed the movie."

Nadagdagan pa ang kasiyahan ni Aga nang malaman niya na nakakuha na rating na "B" ang When Love Begins mula sa Cinema Evaluation Board (CEB).

"Wow, salamat!" nagulat na reaksyon ni Aga.

Tatlong pelikula ang sabay-sabay na ipinalabas kahapon, April 30: When Love Begins, ang Hollywood movie na Iron Man, at ang pelikula ni Judy Ann Santos na Ploning. Ayon sa report ng Star Cinema, ang When Love Begins daw ang pinakamalakas sa mga sinehan dahil naka-P10 million daw ito on its opening day.

Continue reading below ↓

"It's a long weekend. They [moviegoers] have enough time to watch both movies. So, sana suportahan nila parehas ng mga Pinoy ang movie namin [ni Juday] because we're up against an international movie also, di ba?" pahayag ni Aga.

Natuwa rin si Aga nang malaman niya na tinalo raw ang box-receipts dito sa Metro Manila ng When Love Begins sa mga sinehan sa probinsya, kung saan showing din ang pelikula nila ni Anne.

"I really don't know what to say," sabi ni Aga. "The only thing I can say siguro is sana people will continue to support our movie."

Sa ngayon, magpapahinga raw muna si Aga bago harapin ang susunod na pelikulang gagawin niya sa Star Cinema.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach thanks the moviegoers who watched his movie with Anne Curtis. "I hope they really enjoyed the movie," he says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results