Dawn Zulueta had no reservations when Richard Gomez touched her breast for movie scene

Dawn Zulueta had no reservations when Richard Gomez touched her breast in a scene for The Love Affair: “As long as I understand the scene and I’m comfortable with what I’m doing and I believe in the scene why it is needed, then I will do it.”



Kakaibang Dawn Zulueta ang mapapanood ng mga tao sa bago nilang pelikula sa Star Cinema, ang The Love Affair na ipapalabas na ngayong August 12.

Si Dawn ang lumalabas na legal na asawa ni Richard Gomez dito, pero, kung pagbabasehan ang trailer, tila siya rin ang nagkaroon ng kasalanan kung kaya’t nagkaroon din ng relasyon si Richard kay Bea Alonzo.

Hindi naman daw nagdalawang-isip si Dawn na tanggapin ang pelikula at yakapin ang kanyang karakter.

Ayon kay Dawn, “Hindi naman, dahil noong binasa naman namin ang script, noong nag-story conference kami, inexplain naman sa amin more or less ang magiging takbo ng istorya, nagandahan na ko.

“Maganda… actually, it’s nice to put it together, it’s collaborated also. Nag-meeting pa kaming lahat about our characters. How our characters developed.”

NO RESERVATIONS. Marami ang nagulat sa eksenang hinawakan ni Richard ang dibdib ni Dawn sa isang eksena habang galit na galit ito sa kanya.

Ito ay sa kabila ng alam ng lahat na happily married si Dawn kay Congressman Anton Lagdameo at napapayag daw siya na gawin ang eksenang yun.

Sabi ni Dawn, “As an actor kasi, you usually take everything in context and you have to understand what the scene is really all about.

“Of course, you as the audience, watching it on a trailer, you don’t understand what’s happening on the scene.

“But if you read the script the way we do as an actor, then you’ll understand what was the scene prior to this and where it’s going, you begin to appreciate what happens to the character, bakit sila nagkaganun?

“So, we don’t really need much convincing.”

Humirit naman si Richard na, na-shock daw siya run.

Kaya natatawang sinagot din ito ni Dawn ng, “Na-shock ka rin, ‘di ba? Ako rin, na-shock!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang banda, wala naman daw naging reservation si Dawn nang gawin yun.

“No, none for me, as long as I understand the scene and I’m comfortable with what I’m doing and I believe in the scene why it is needed, then I will do it.”


NERVOUS BEA. Inamin ni Bea na kinakabahan siya talaga na ang mga ka-eksena niya ay isang Dawn Zulueta at Richard Gomez na parehong mga award-winning actors.

Pero, nagpapasalamat daw ito dahil generous actors sila.

Paano naman ma-aassess ni Dawn is Bea bilang isang aktres?

“Well, I only have one scene with Bea unfortunately, but the one whole night na shinoot namin yung one scene na yun together, natuwa naman ako sa kanya kasi, she’s such a dedicated actress.

“I can understand what she feels like, kasi, once upon a time, ako rin yung younger who was working with the senior stars, ‘di ba?

“Ako kasi, I’m really generous as an actress. Kasi I’d like to help the younger ones get involved and be comfortable.

“Kasi, I’m working at getting the scene real. E, napaka-intense ng eksena na sinu-shoot natin so, bina-block pa lang namin, I just wanted her to feel lang na, we’ll gonna do this together.

“Sabi ko, ‘Bea, halika, tara na, let’s do this.’ Tapos siya naman, ‘Game!’

“I like that, I like that about her. Sana this is not the last time that I’ll work with her.

“She’s a very competent actress and I think, she will reach much further and I hope I will still be there along the way and work with more projects with her.”


CHARDAWN MAGIC. Mula sa pagiging reel and real loveteam noon, inaabangan pa rin palagi ang tambalan ni Richard at Dawn.

Ito ay sa kabila ng pareho na nga silang masaya sa kanya-kanyang pamilya nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dawn, “Nakakatuwa nga kasi, hindi ko rin ine-expect. Nagpapasalamat kami.”

May nabago ba sa working relationship nilang dalawa?

“Oo, konti… I think, mas nag-improve kami as co-actors. Mas malalim na tayo ngayon,” natawang sabi ni Dawn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN