Bea Alonzo jokes about love scene with Richard Gomez: "Nag-take advantage ako sa kanya!"

Bea Alonzo (left) on Richard Gomez (right) and Dawn Zulueta: "Parang hindi naman nila ko itinuturing na mas bago kesa kanila." Bea was brought to the emergency room several times while studying sailing for The Love Affair.



Aminado si Bea Alonzo na kinabahan siya na ang mga kaeksena siya sa bago nilang pelikula, ang The Love Affair ng Star Cinema, ay ang mga mahuhusay na artistang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

“Siyempre, kinakabahan ako,” pag-amin ni Bea sa presscon ng pelikula noong Lunes ng gabi sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Sabi pa ni Bea, “Buti na lang silang dalawa, they’re very approachable and parang hindi naman nila ko itinuturing na mas bago kesa kanila. Parang pare-pareho lang ang turing nila sa bawat tao.

“So, nakatulong yun and maganda ang collaboration namin kasi, we talked about the characters and they’re very generous actors. Ibinibigay nila sa akin ang acting na kailangan ko para maibigay ko yung tama.”

Nag-e-effort ba siya talaga na pagdating niya sa set, kailangan handa na siya agad?

“Sa tingin ko naman po, sa bawat pelikulang tinatanggap ko, 100% naman yung binibigay ko kasi, that’s how much I love my job at napakasuwerte ko na nasa industriya ko na mahal na mahal ko at hindi ako naliligaw,” saad ni Bea.


WORKING WITH RICHARD GOMEZ. Sa The Love Affair, si Richard at Dawn ay married couple na may problema sa kanilang relasyon. Si Bea ay isang lawyer na tutulong sa karakter ni Richard dahil gusto na niyang hiwalayan ang kanyang asawa.


Paano mailalarawan ni Bea ang pakikipag-trabaho sa kauna-unahang pagkakataon kina Richard and Dawn?

“Masaya silang katrabaho sa totoo lang, kasi, napaka-light lang nilang kasama.

"Si Kuya Goma [Richard], palagi lang siyang nagpapatawa sa set, hindi siya seryoso. Tapos ang dami niyang kinukuwento sa akin.

“Hindi siya seryoso sa buhay,” lahad ni Bea na nagkatawanan lahat.

Kaya napatanong ito, “Mali ba ‘ko? Ire-rephrase ko yun. Kasi, yun ang bagay sa sarili ko na hindi ko gusto. Kasi sometimes, I get too serious about life that I don’t get to enjoy life anymore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang nagagandahan ako sa personality niya, nag-e-enjoy siya sa buhay at mas masaya siya sa buhay niya.

"So, gusto kong makuha yun, nai-inspire ako sa pagiging ganun niya.”

Hindi ba siya masaya sa buhay niya?

“Masaya ako, ang saya ko nga, e,” natawang sabi pa ni Bea.



DAWN ZULUETA FAN. Si Dawn naman?

“Si Ms. Dawn naman, grabe, fan ako!

"Di ba, nakikita mo naman ang ganda niya? I always tell her, grabe, gandang-ganda ako.

"Kahit hindi nga niya alam, sinasabi ko kay Kuya Goms, 'Ang ganda niya, ‘no?'

“Sabi ni Kuya Goms, sobrang ganda-ganda ng taste ko.

"Hindi, sobra si Ms. Dawn, sobrang graceful niya sa bawat galaw niya and she’s such a good actress.

"Talagang nabibilib ako kung paano niya naha-handle ang personal life niya at yung career niya.

“Gusto kong maging siya one day, yung kagaya niya. Gusto kong maging ganyan.

"Ms. Dawn, i-workshop mo ako."


BUWIS-BUHAY. Ang orihinal na title ng movie nila ay Crossroads. Kaya naman may eksena run na nagse-sailing sila at naaksidente siya.

Sabi nga ni Bea, ang pelikula raw nilang ito ang pinaka-buwis-buhay na nagawa niya.

Nakatakdang ipalabas ang The Love Affair simula August 12.

“Ganun ko kamahal ang trabaho ko, buwis-buhay talaga.

"Ito talaga ang pinaka-emotionally and physically challenging role na ginawa ko.

"Kasi, hindi naman talaga ko athletic, hindi ako sporty, ganyan…

“Yung sailing kasi, competitive siya. Nagre-require siya ng ganung klaseng tao.

"Kailangan kaya mo, malakas ang katawan mo.

"E, ‘di ba, lalamya-lamya ako. Una, natama yung katawan ko sa bakal na part kaya nagkaroon ako ng maraming pasa. Na-ER [emergency room] ako.

“Sumunod, nag-capsize, yung head naman ang tinamaan.

"Talagang accident-prone rin naman kasi ako. Yung mga kasama ko, hindi naman.

"Yung pangalawa, ulo ko naman, so ER ulit. Kaya naging suki ako ng ER for a while,” natawang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong din ni Bea, “Pero parte siya ng training talaga.”

Magaling na ba siyang mag-sailing ngayon?

“Sobrang galing ko na!

"Sobrang galing ko nang umarte na mag-sailing. Hindi totoong mag-sailing!” natatawa niyang sabi.

Sampung araw rin daw ang naging training ni Bea sa pagsi-sailing. Kaya sabi ni Richard, tamang panahon lang daw para matuto.

May pagkakataon pa nga raw na hinayaan siya ni Richard na magpatakbo habang tulog ito.

“Tinulugan niya ako! Ako naman, kabang-kaba dun sa boat,” sabi niya.

Nagkataon naman kasi nang dalawang beses maaksidente si Bea, wala si Richard sa mga naturang eksena.


LOVE SCENE WITH GOMA. Naitanong rin kay Bea kung may love scene sila ni Richard.

Nasusulat din naman kasi na may mainit silang eksena.

“Mainit? Kasi maraaw kaya mainit,” biro niya.

“Meron kaming mga scenes na intimate dahil ano siya, e, nagkaroon kami ng relasyon dun sa pelikula. So, may mga ganun.

"Pero hindi niyo naman kailangan na doon lang magbase. Kasi maraming sangay yung pelikula.”

Paano niya ilalarawan yung eksenang yun bilang unang pagkakataon silang magtambal ni Richard?

“Siyempre, ano siya, gentleman naman siya.

"Hindi ko naman na feel na nahiya ako or ano, he’s very professional.”

Nang tanungin naman si Richard tungkol sa love scene nila ng 27-year-old actress, sagot ni Richard: “Nahiya ako, sinara ko yung mata ko.”

Hirit naman ni Bea tungkol sa intimate scene nila: “Nag-take advantage ako sa kanya! Hahaha!”

Dagdag pa ni Richard, “It was a very gentle scene and siyempre, this is a family drama movie na may maturity rin, kaya may mga eksena talaga na ganun.”


(Read: Richard Gomez touches sensitive part of Dawn Zulueta and asks her, "Alam ba ito ng asawa mo?")




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN