Ana Capri plays lesbian girlfriend of Nora Aunor in indie film

Thirty-something Ana Capri joins the trend of young actresses doing mother roles for teen stars. She has also come up with her own composition titled "Paradise." Ana explains, “The song is about falling in love and finding the one that makes your life worth living."



Mid-30 pa lang ang edad ni Ana Capri, pero gaganap siyang ina ni Yen Santos sa bagong soap ng ABS-CBN na All Of Me kahit parang kapatid lang niya ito sa totoong buhay.

“Well, part of being an actress!” sabay tawa ni Ana. “Kahit gawin pa nila akong 60 years old sa role ko, ‘di ba?

“Ang challenge lang do’n, kasi after the scene, kapag nag-uusap kami, akala mo magbabarkada lang.”

Kung sabagay, kahit nga sina Angelica Panganiban at Jodi Sta. Maria, gumaganap na ring ina ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

“‘Di ba? ‘Yong mga bagets, tumatanda, pero ang mga gumaganap na parents nila, pabata nang pabata.”

She does look younger than her age, ano ba ang sikreto ng pagiging fresh at blooming ni Ana?

“Proper diet at exercise na lang ang isasagot ko,” tawa niya ulit.

“At saka… happy kasi ako ngayon sa buhay ko, happy ako sa takbo ng trabaho ko.”

Kasama rin siya sa pelikulang The Love Affair, which will be shown this August 12.

Thankful daw siya na napasama sa cast ng pelikulang ito ng Star Cinema at nagkaroon ng chance to work with Dawn Zulueta, Richard Gomez, and Bea Alonzo.

Nagti-taping na rin daw sila para All Of Me. Kasama naman niya dito bukod kay Yen sina JM de Guzman, Albert Martinez, Ina Raymundo, Angel Aquino, Aaron Villaflor at Jordan Herrera.


PLAYING MOTHER OF COCO MARTIN'S BROTHER. Ilang beses nang napatunayan ni Ana na magaling siyang aktres. Tatlong beses siyang nanalong best actress sa Cinemanila International Film Festival para sa mga pelikulang Pila Balde, Ala Vida Ala Pobre, at Ala Pobre Al Suerte.

Nanalo rin siyang best actress sa Golden Screen Awards For Movies para pa rin sa pelikulang Ala Vida Ala Pobre.

Kamakailan, muli na naman siyang nakatanggap ng acting recognition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa Buhayani Film Festival na ginanap sa Laguna na pinangasiwaan nina Direk Maryo J. Delos Reyes at mga film critics.

Paliwanag ni Ana, “Film Festival siya para sa mga young filmmakers ng Laguna.

“Nanalo ako bilang best supporting actress do’n sa film na ginawa ko kasama ang mga theater actors ng Calamba.

“Tungkol sa Rizalista ‘yong story, natutuwa ako na ‘yong mga pinaggagagawa ko, hindi lang sila basta movie.

“Parang kahit papano, kapag pinanood ng tao ay meron namang katuturan kaya happy ako sa paggawa ng mga indie movies.

“May isa pa ngang indie film akong gagawin kay Direk Louie Ignacio, ‘yong Mga Isda Sa Tuyong Lupa.

“Mommy naman ako ni Ron Martin, ‘yong kapatid ni Coco Martin. Maganda, may twist.

“Sa story, kami ‘yong mga taong nakatira sa tubig, ‘yong nasa tubig ang mga bahay, ‘tapos nag-migrate kami sa Pampanga.

“Merong goal ‘yong pelikula na ma-open ‘yong awareness ng lahat.

"Na may mga nag-i-exist na gano’ng minority tribe hanggang ngayon.

“Na parang eye-opener kung paano ‘yong ngiging buhay nila.”

DREAM PROJECT. Noon pa man ay pangarap na ni Ana na makatrabaho si Nora Aunor.

Kaya nang may dumating na offer, agad-agad ay walang pagdadalawang-isip na tinanggap niya ang indie film na Pare, Mahal Mo Raw Ako na pinagbibidahan ng Superstar sa direksiyon ni Joven Tan.

Isang lesbian ang role dito ni Nora. Si Ana naman ang gumaganap bilang girlfriend nito.

“Kahit sino naman na maalukan na makatrabaho si Ate Guy, magdadalawang isip pa ba?” sabi ni Ana sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Kaya no’ng in-offer sa akin ito, oo agad ang sagot ko.

“Nagpaalam na ako sa taping ko for All Of Me, nataon na kasabay ang first shooting day nitong movie with Ate Guy.

“Nagpaalam talaga ako na hindi makakapag-taping para makapag-shoot ng movie with Ate Guy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mula sa umpisa pa lang na mag-artista ako, meron na akong bucket list ng mga artistang dream kong makatrabaho.

“At siyempre, kasama nga sa list nito ang nag-iisang Superstar.

“Basta makatrabaho ko si Ate Guy, si Cristopher de Leon, si Maricel Soriano at si Vilma Santos, chikabels na ako!” natawang sabi pa ng aktres.

Hindi raw kaba kundi excitement ang nangibabaw kay Ana nang kunan ang mga eksena nila ni Nora.


HYPER MOTIVATED. Nagsilbing special motivation daw ito for her na parang naging hyper ang kanyang feeling.

“’Yong mga nakunang scenes namin like ‘yong first time na natanggap ako ng anak niya bilang partner nga niya.

“Less ang dialogue ko pero mabigat ‘yong karga.

“Hindi lahat ay nabibigyan ng chance to work with Ate Guy kaya thankful ako.

“Working with her na isang institusyon na sa industriya, may mga matututunan ka, e.”

Aminado si Ana na na-star struck siya at nawala sa sarili no’ng unang beses niyang nakaharap si Nora.

“Umiral ang pagka-fan ko, pero no’ng nagsimula na kaming magtrabaho, hindi ako na-intimidate.

“Napaka-simple kasi niya at ang bait kaya madali akong naging at ease.

“Lahat ng tao sa set, binabati niya. Very polite and down to earth,” nangiting sabi pa ng aktres.”

SONGWRITER. Kuntento na ba si Ana sa pagiging artista o gusto rin niyang i-try ang iba pang linya sa mundo ng pelikula, magsulat ng script o magdirek kaya?

“Kapag minsan, pumapasok ‘yan sa mind ko.

“Actually, mas nauna na naiisip ko ‘yong pagsusulat ng script, e.

“Pero sa ngayon, ang nakakahiligan ko muna ay songwriting.

"Isa sa natapos ko nang composition ay ‘yong may title na 'Paradise.'

“The song is about falling in love and finding the one that makes your life worth living.

“Hopefully, maayos ko na ‘yong lyrics at malagyan ko na ng music,” panghuling nasabi ni Ana.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN