Barbie Forteza personally handpicked by Direk Louie Ignacio to star in indie film about Badjao community

Barbie Forteza is ecstatic about being personally chosen by Direk Louie Ignacio for the indie film Laut (formerly called Mga Isda Sa Tuyong Lupa): “Flattered po ako talaga noong sabihin sa akin na ako ang napili raw ni Direk Louie. Nakakakaba lang kasi parang ang laki ng expectations niya sa akin.”



Nagsimula na ang shooting ni Barbie Forteza para sa kanyang bagong pagbibidahang indie film titled Laut (formerly called Mga Isda Sa Tuyong Lupa).

Ito ay advocacy film ni Direk Louie Ignacio tungkol sa mga katutubong Badjao sa Mindanao.

Si Barbie ang one and only choice ni Direk Louie para gumanap sa isa sa lead roles ng naturang indie film.


FLATTERED. Labis naman ang pasasalamat ng 18-year old young actress dahil pinili raw siya ni Direk Louie pagkatapos nitong mapanood ang indie film na Mariquina kunsaan nanalo ang tween actress ng Best Supporting Actress award sa Cinemalaya Film Festival noong nakaraang taon.

“Flattered po ako talaga noong sabihin sa akin na ako ang napili raw ni Direk Louie.

“Nakakakaba lang kasi parang ang laki ng expectations niya sa akin.

“First time ko pong makakatrabaho si Direk Louie sa isang movie at gusto kong makapagbigay ng magandang impression sa kanya.

“Nasabi ko naman na I will give it my best.

“Kung ano ang gusto ni Direk Louie na gawin ko, buong-puso ko po iyon gagawin.

“Sa lahat naman po ng mga ginagawa ko ay sinusigurado ko na binibigay ko ang lahat ng makakaya ko,” pahayag pa ni Barbie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


SHOOT LOCATIONS. Dalawa raw ang magiging locations ng Laut (Mga Isda Sa Tuyong Lupa). Ito ay sa Mindanao at Pampanga.

“Ilang scenes lang daw po ang isu-shoot namin sa Zamboanga.

“Kailangan daw pong ma-establish yung pinanggalingan ng characters namin.

“Mas marami po kaming kukunan sa Pampanga kunsaan may Badjao community,” ayon pa kay Barbie.


RESEARCH. Noong matanggap ni Barbie ang script para sa pelikula, mabilis niyang ni-research ang tungkol sa mga Badjao.

“Bago po kami mag-shoot ay nag-research muna ako tungkol sa mga Badjao.

“Para mas maintindihan ko kung paano sila mabuhay at yung language nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto ko rin pong makita kung ano ang mga hitsura nila para kapag nag-shoot na kami, mailalagay ko ang sarili ko sa katauhan ng isang Badjao,” diin pa niya.

Ang iba pang makakasama ni Barbie sa pelikula ay sina Gabbi Garcia, Jak Roberto, Rodjun Cruz, Kim Rodriguez, Ronwaldo Martin (kapatid ni Coco Martin), Ana Capri, Roi Vinzon and Ms. Gina Pareno.


NO CONFLICT WITH TV SHOW SKEDS. Hindi raw makakagulo sa hectic na schedule ni Barbie ang pag-shoot niya ng pelikula.

Sinigurado ng GMA Artist Center na walang magiging conflict sa dalawang shows niya na The Half Sisters at Sunday PinaSaya kapag nagsimula na silang mag-shoot para sa Laut (Mga Isda Sa Tuyong Lupa).

“Nagbigay naman po sila ng seven to eight shooting days.

“Gusto raw po ni Direk Louie na as much as possible, masunod ang shooting schedule para tuluy-tuloy hanggang sa matapos.

“Wala pa naman pong magiging conflict with The Half Sisters kasi umeere na yung mga kinunan namin sa Japan. Mga two weeks po iyon ipapalabas.

“Yung Sunday PinaSaya naman po, live naman kami every Sunday.

“Bago sana mag-August 9, hopefully ay tapos na kami mag-shoot ng ilang days para sa movie. Unahin po namin kasi mag-shoot sa Zamboanga.

“Excited po ako sa movie na ito kasi ibang experience ito para sa akin,” ngiti pa niya.


INTERNATIONAL FILM FESTIVAL PARTICIPATION. May plano raw si Direk Louie na ipasok ang pelikula sa iba’t ibang film festivals abroad.

Tulad ng indie film ni Barbie na Mariquina, nag-compete ito sa Pusan International Film Festival in South Korea at sa Osaka Asian Film Festival in Japan.

“Yun naman po ang maganda.

“Dream ko rin po na maka-attend ng mga international film festivals. Para siyempre, maipagmalaki natin ang mga pelikula natin sa ibang bansa.

“Kaya ipagdarasal ko po na maganda lumabas ang Mga Isda Sa Tuyong Lupa para makarating ito sa maraming film festivals abroad at makasama kaming lahat na nasa pelikula,” panalangin ni Barbie.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN