Will there be an AlDub movie for Alden and Yaya Dub? Direk Mike Tuviera says, “If the fans want...”

APT Films director Mike Tuviera on the possibility of an AlDub movie soon: “It really all depends on the clamor of the fans. If they want to see it, we will try to make it happen. As of now, of course you guys can imagine the difficulty of having such a movie.”



Apat na taon ang exclusive contract na pinirmahan ng pinakakinakikiligan ngayon na si Alden Richards para sa APT Films.

Sa apat na taon, apat na pelikula ang siguradong gagawin nito, pero depende pa raw at posible pa itong madagdagan.

Ginanap ang pirmahan ng kontrata noong August 6 sa Victorino’s Restaurant, Quezon City kunsaan naroon din sina Jojo Oconer ng APT Entertainment, Gigi Santiago-Lara ng GMA Artist Center, Rams David at sina Alden at Direk Mike Tuviera.

Nilinaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sa apat na taon, sa APT Films lang maaaring gumawa ng pelikula si Alden dahil sa exclusive contract ang pinirmahan nito.

Ayon kay Direk Mike, “Of course, we’re open to do a co-production. Actually, I want to clarify also na of course, we all know, si Alden, super, super hot right now, pinag-uusapan siya.

“Really phenomenal what happened to him, but I want to put into perspective itong signing namin, we have been talking since the beginning of this year and gusto talaga naming ilatag.

“The mandate that came from my father [Antonio P. Tuviera] is when you sign somebody, gusto kong malaman kung ano rin ang gusto nilang gawin.

“You know, I don’t want to just sign anybody because they can’t work anywhere else, no...

“Ang gusto natin, we saw and we all saw a great potential in Alden, not just an actor, we know that Alden is a good actor but I think, that he is a bonafide box-office star in the making and we absolutely see that potential.

“Nang makita ni Tatay, sabi niya, I have a plan for him.

“Let’s offer him a contract kasi, it’s not just about one movie or one hit, what my father and APT Films wants to do is ilatag talaga yung movie career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, as we see in GMA and what’s happening in Eat Bulaga!, his TV career has already taken off.”

Ideally, isang pelikula sa isang taon ang planong gawin ng APT Films kay Alden. Pero depende pa rin daw ito sa clamor ng tao.

Sabi nga ni Direk Mike, “It will depend on Alden’s strength kasi parang ngayon pa lang, with Eat Bulaga! and Sunday PinaSaya, wala na siyang free time, wala na siyang free day.”


FORMER PLANS FOR FOURSOME MOVIE SHELVED? Nilinaw na rin ni Direk Mike ang tungkol sa pelikula talaga ni Alden na noon pa nasusulat at naibabalita na gagawin niyang talaga para sa APT Films kunsaan makakasama ni Alden sina Jasmine Curtis-Smith, Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Posible bang hindi na ito matuloy?

“Well, we want to clarify also kasi, noong pinag-usapan pa lang, just a few months ago, actually may nilatag na kaming several possible options... meron kaming romcom, romantic-drama, kumbaga when we offered to Alden, we already had a long-term plan.

“Fortunately, this phenomenom happened to him and AlDub, now we are in the middle of conflict—happy conflict naman.

“Do we stick with the original plan na napag-usapan namin for how many months or do we accept the phenomenom that is happening right now.”

Nakalatag na raw kasing lahat, pero ayon kay Direk Mike, “May happy surprise kasi na nangyari.”


ALDUB MOVIE SOON? Dahil exclusive contract star na ng APT Films si Alden at si Yaya Dub naman (Maine Mendoza) ay posibleng sumunod na pipirma ng kontrata, posible kayang magkaroon ng pelikula ang AlDub?

“It really all depends on the clamor of the fans. If they want to see it, we will try to make it happen.

“As of now, of course you guys can imagine the difficulty of having such a movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Of course, si Alden is in Eat Bulaga six days a week and he’s in Sunday PinaSaya, not counting all the rehearsals and all that, can he even do that kind of movie?

“Is an AlDub movie possible, pinag-uusapan natin yun. If the fans want, hahanapan namin ng paraan na mangyari siya.”

Inamin naman ni Direk Mike na sa ngayon, hindi pa raw naka-kontrata sa kanila si Yaya Dub.

Biniro naman ng entertainment press si Direk Mike na baka maagaw pa sa kanila si Yaya Dub.

Pabiro rin niya itong sinagot nang, “Magsusumbong po tayo kay Lola Nidora [Wally Bayola], kakampi po natin si Lola. At saka si Frankie [Jose Manalo], kung nakita niyo, kakampi rin po natin siya,” natatawang sabi niya.


ALDUB CONCERT? Naitanong nga rin kay Direk Mike kung posible rin daw kayang magkaroon ng AlDub concert dahil siguradong marami ang susugod at manonood nito.

“Ay, depende!” masayang sabi ni Direk Mike.

“Sa first half ng concert si Alden, sa second half, si Yaya,” natawang sabi niya.



DIRECTING FIRST FLICK. Kung sakali nga raw at magkakaroon ng AlDub na pelikula, hindi raw makapapayag si Direk Mike na hindi siya ang magdi-direk.

Natatawa niyang sabi, “Hindi ako makapapayag na hindi.

“Of course, as you guys know, nagkikita naman tayo sa mga presscons ng pelikula ko, I don’t get to direct as often as I want to, pero kung magkaka-AlDub movie, magkaka-away-away kami kapag hindi ako.

“At the very least nga, gusto ko lang makita, kailan yung first time na magm-meet sila, nandun ako. Kailan ang first holding-hands nila, nandun din ako.”

Dugtong pa ni Direk Mike, “Ang hindi lang alam ng tao nang nag-iinvestigate nga ako sa loveteam na ito, ang nakikita natin sa kuwento, may isang Lola.

“In real-life, maraming Lola. Sa likod ng camera, ay maraming nakabantay. Bawal ang texts, bawal ang calls, bawal man lang sila in the same location ever, it never happened yet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tinanong ko rin si Ryzza Mae [Dizon], si Ryzza nakita na si Yaya kahit hindi sila magka-set, there was an event na nagkita sila, pati si Ryzza na-starstruck kay Yaya.

“Pero sina Yaya at Alden has never been in the same location.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN