Dawn Zulueta, Richard Gomez on CharDawn vs. KathNiel: She says, "Nakakahiya." He says, "Hindi, it's interesting."

On the reaction of their spouses to their love team, Dawn Zulueta says her husband, Congressman Anton Lagdameo, "Naintindihan naman niya." As for Lucy Torres, according to Richard Gomez, "She understands the things that I do... nag-i-enjoy naman siya." The biggest hit of the tandem now known as CharDawn as on- and off-screen partner was Hihintayin Kita sa Langit in 1991.



Espesyal na panauhin ni Boy Abunda sa kanyang The Bottomline nitong Sabado, August 8, ang dating magkasintahan na sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Ang dalawa rin ang bida sa nalalapit nang ipalabas na Star Cinema movie, ang The Love Affair, kung saan kasama nila ang ABS-CBN actress na si Bea Alonzo.

Ang CharDawn loveteam ang isa sa pinakasikat na loveteams noong 1990s na patuloy pa ring tinatangkilik ng mga manonood sa kasalukuyang henerasyon.

Sa unang tanong ni Boy, inalam nito kung na-imagine ba ng dalawa na makikipag-compete ang kanilang tambalan sa mga sikat na teen love teams ngayon katulad ng LizQuen (Liza Soberano-Enrique Gil) at KathNiel (Kathryn Bernardo-Daniel Padilla)?

Sagot ni Dawn na natatawa, "Nakakahiya, 'di ba?"

Sabad naman ni Richard, "Hindi, it's interesting…

“It’s funny, after all these years, people are still interested in the Dawn-Richard loveteam."

Dugtong naman ng Kapamilya actress, "And I also think that we deliver a different flavor naman as far as love team is concerned.

"If everyone is used to the teeny-bopper, at least meron naman silang mature version."

Maraming pelikula na ginawa ang dalawa noon, pero ang pinakasikat dito ay ang Hihintayin Kita sa Langit noong 1991.

Samantala, sa isang panayam ay nabanggit ng Kapamilya actor, na kung silang dalawa raw ni Dawn ang nagkatuluyan, baka raw nawala ang "spark" sa kanilang love team na hinahangaan pa rin hanggang ngayon.

Inalam ng TV host, kung ano ang ibig niyang sabihin nito.

Ani Goma, "I think, it's the fantasy, we thrive in fantasies, e.

"We like the mystique of, 'Ano ba ito, magkakatotoo ba ito?'

"Siguro, kung nagkatuluyan kami ni Dawn, that's it, that’s done.

"Baka sa iba kami nagka-love team, baka sa iba ako nagka-love team."

Sa kabila ng spark, mystique at mystery ng kanilang tambalan, saan ba nanggagaling yun?

Si Dawn ang unang sumagot, "Well, when we do our part, the audience is coming along, joining the ride with us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, in their minds, dahil we have a past, there's a history.

"Mas madali para sa kanila ang i-imagine na it's real… hindi ko rin alam."

Paliwanag naman ng dating matinee idol, "Siguro, it's also the power of media, television, Cinema One [cable channel].

“That up to now ay napapanood pa rin nila ang Hihintayin Kita Sa Langit… and it's such a beautiful film.

"And dun pa rin nagku-continue ang thinking nila na, 'Wow, such a beautiful partnership.'"


UNDERSTANDING SPOUSES. Napag-usapan naman ang tungkol sa intimate scenes nila sa pelikulang The Love Affair.

Ang tanong ni Boy ay kung paano nila ginawa ito?

Ayon sa maybahay ni Congressman Anton Lagdameo, "Well, if you have to compare the intimate scenes we've done in this movie from what we used to do, it's very different."

Sabi naman ng asawa ni Lucy Torres, "What we're doing is very difficult for other people to understand.

“Lalo na kung yung mga artista ay hindi sanay sa mga trabaho namin.

"It could be my wife or it could be the husband of Dawn na parehong hindi nag-aartista.

"Pero marami, hindi lang kami, a lot of us in the industry.

"Hindi maintindihan ng mga asawa kung ba't kailangan mong makipagyakapan sa ibang tao.

"Bakit kailangan mong makipaghalikan... It's difficult, but it's part of our job that we do."

Dugtong ni Dawn, "We also hope that we portray our character so convincingly that people can look beyond the 'Hoy, ganun ba talaga sila?'

"Dapat nasi-separate nila yung actor sa the real person."

Sinabi din ni Richard na silang dalawa ni Dawn ay nag-uusap kung ano ang gagawin nila.

At maging sa mga asawa nila ay ipinapaalam nila.

Ano naman daw ang reaksiyon ni Congressman Anton?

Saad ni Dawn, "Ano naman siya, he understands.

"I made him to understand this is the way the story goes, this is what's going to happen, naintindihan naman niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parte naman ni Lucy Torres, very vocal nga raw ito na siya ay fan ng CharDawn tandem.

Sabi ni Goma, “She understands the things that I do, she watches on TV, and onscreen, nag-i-enjoy naman siya."

RELATABLE. Tungkol naman sa pelikulang The Love Affair, na ipapalabas na sa August 12, naitanong ni Boy sa dalawa kung bakit kailangan itong panoorin ng mga tao?

Tugon ni Dawn, "You know, its really interesting, it's a family drama, it's a very mature… it's for the mature audience.

"It's a very now kind of story… what happens in a marriage of a couple who are already in their midlife."

Para naman kay Goma, "Ako naman, there's a possibility that when you watch this film, you can see yourself in it.

"One way or another, your personality as an audience... 'Nangyari ito sa buhay ko, parang nangyayari sa buhay ko 'to ngayon.'

“You can really relate to it, part of the movie will show that there's really danger in being too busy with your work.

"When you're so focused in your career... sometimes, you leave behind what's important in your life, which is our family."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN