Direk Wenn Deramas says being gay is the secret behind successful comedy films

by Ricky Calderon
May 12, 2008
"Maraming mga situwasyon sa mga pelikula ko na hango sa experiences ko sa totoong buhay, kaya ito pinagtatawanan kasi hango sa totoong buhay," says director Wenn Deramas.

Showing na sa May 14, Wednesday, ang Ikaw Pa Rin (Bongga Ka Boy), na unang team-up nina Robin Padilla at Ai-Ai de las Alas sa pelikula. Directed by Wenn Deramas, who helmed the blockbuster movie of Ai-Ai, Ang Tanging Ina, marami ang umaasa na magiging blockbuster din sa takilya ang unang pagtatambal nina Binoe at Ai-Ai.

"What makes this movie different from my past movies na idinirek ko, aside from the fact that it stars Robin and Ai-Ai, is the fact na mga totoong tao ang ginagampanan nila sa movie. Kumbaga, hindi sila parang mga cartoon characters, tulad ng mga previous comedy films ko na ipinalabas last year," pahayag ng box-office director sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Patuloy ni Direk Wenn, "Ang mga situwasyon ay nakakatawa talaga. Pinag-usapan namin ni Mel [del Rosario], my writer, na baka naman magsawa ang mga tao kung puro cartoon characters ang gawin namin. Gumawa naman tayo ng love story na may nakakatawang situwasyon. So ‘yon ang ginawa namin. Feel-good movie naman."

Continue reading below ↓

Hindi naman daw ito ginawa ni Direk Wenn para maiba lang kundi sayang naman daw ang tandem nina Robin at Ai-Ai kung isang project na hindi kagandahan ang gagawin nila.

Paliwanag ng direktor, "Puwede naman na ibahin ang kuwento, pero nanghihinayang ako sa kuwento ng utang na loob. Hanggang saan ka magbabayad ng utang na loob? Okay naman ang kuwento kasi Pinoy na Pinoy. Tipong hanggang saan mo kayang magbayad ng utang na loob?

"Kasi si Robin yung tipo ng tao rito na tulong nang tulong. Hero siya sa lugar nila. Hindi na baleng siya ang tulong nang tulong, huwag lang siyang tutulungan. For the first time, nagkaroon siya ng problema. Buhay niya ang at stake, at si Ai-Ai ang tumulong sa kanya. Si Binoe, mayroon siyang sumpa na kahit na ano ibibigay niya.

"E, si Ai-Ai, desperate after mag-break sila ng 15-year-old niyang boyfriend [Allen Dizon]. Tumatanda na siya, gusto na niyang magkaanak so nandiyan ang pressure. Nang makakuha siya ng somebody like Robin na nagsabi kahit na ano ibibigay niya, naisip ni Ai-Ai na hilingin na bigyan siya ng anak ni Robin. Doon nagsimula ang conflict," kuwento ni Direk Wenn.

Continue reading below ↓

Kumusta naman si Robin as a comedian?

"Si Robin? Ako naniniwala, no offense meant sa ibang action stars, pero sila ni Bong [Revilla] yung talagang meron. Yung ang cute nila mag-comedy. Una, may timing talaga sa comedy. Pangalawa, hindi nahihiyang pagawain mo ng kalokohan dahil perhaps secured ang mga lalakeng ito kung sino sila at kung anong meron sila. At hindi sila nangingiming mag-experiment.

"Si Robin, galing siya sa La Visa Loca na hinangaan ko nang husto. Masarap sila katrabaho kasi pinaparamdam nila na sige, hanggang kaya gawin natin."

FUTURE PROJECTS. Kahit na kilala bilang comedy director, wish din ni Direk Wenn na gumawa ng isang drama movie. Pero fully booked siya hanggang 2009 at pulos comedy projects ang nakatakda niyang gawin.

Hopeful si Direk Wenn na magagawa niya ang dream project ni John "Sweet" Lapus titled Pechay, pero ang wish niya ay huwag naman sana ito isang digital or indie film. May storyline na raw si Sweet na gusto niyang gawin at madalas na raw niya itong mapanaginipan. Si Direk Wenn ang gusto niyang magdirek.

Continue reading below ↓

"I started out as a drama director on TV. Kaya ang challenge sa akin ay kailangang maayos din ang paggawa ko ng isang drama film. Kailangan din gumawa ako ng iba-ibang projects kasi kung hindi, ako mismo will be burned out," sabi ni Direk Wenn.

Nakatakdang mag-start ng shooting ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat si Direk Wenn this May, starring Ai-Ai in the title role. May playdate na ito this July. Gusto raw nila na maipalabas ito sa ika-limang taong anibersaryo ng Ang Tanging Ina sa July.

Gagawin din ni Direk Wenn ang launching film ni Eugene Domingo under Viva Films titled Demetria, na sa July rin sisimulan ang filming.

Ayaw nang pag-usapan ni Direk Wenn ang nababalitang gap nila ni Eugene.

"Hindi naman ‘yon totoo. Puwedeng hindi kami magtrabaho together, pero hindi mawawala ang friendship namin dalawa," pahayag niya.

After this project with Eugene, balik-Star Cinema naman siya para gawin ang Ai-Ai-Joseph Estrada movie. Then he will do a project with OctoArts Films. Baka raw sa December na niyang magawa ang Anne Curtis-Luis Manzano movie for Viva.

Continue reading below ↓

DIREK'S SECRET. Sa dami ng mga pelikulang nagawa ni Direk Wenn, naroon ang tatak ng kanyang sense of humor. Ano kaya ang kanyang sikreto?

"Hindi ko rin alam," sagot niya. "Pero siguro una, dahil bakla ako. Bakla na hindi hinigpitan ng mga magulang kaya nae-express ko nang buung-buo ang nararamdaman ko. Pangalawa, napalibutan ako ng mga baliw, like yung mga kasama ko sa Teatro Tomasino before na puro mga artists. Doon ako nagsimula at yung mga experiences ko doon, ginagamit ko sa mga pelikula ko. Maraming mga situwasyon sa mga pelikula ko na hango sa experiences ko sa totoong buhay, kaya ito pinagtatawanan kasi hango sa totoong buhay," kuwento niya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Maraming mga situwasyon sa mga pelikula ko na hango sa experiences ko sa totoong buhay, kaya ito pinagtatawanan kasi hango sa totoong buhay," says director Wenn Deramas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results