Bea Alonzo and John Lloyd Cruz support ABS-CBN's Film Restoration Project headed by Leo Katigbak

(L-R) Bea Alonzo, Leo Katigbak, John Lloyd Cruz, Direk Cathy Garcia Molina and Bea Saw graced the recent screening of Karnal. This digitally restored and re-mastered movie is included in the "REELive the Classics” restored films exhibition ongoing at Rockwell Powerplant Cinema 5.




Pagmamahal sa mga pelikulang Pilipino ang inspirasyon ni Mr. Leo Katigbak upang i-restore ang ilan sa mga Filipino classic films.

Bilang ABS-CBN Head of Content Management Group, Film Archives and Special Projects, aminado si Mr. Katigbak na maraming challenges ang hinaharap nila para lang ipagpatuloy ang kanilang adhikain.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV executive sa presscon ng Reelive the Classics film screening ng ABS-CBN Restoration Project na gaganapin sa Powerplant Rockwell Cinema 5 hanggang September 1, 2015.

“Basically, when we set up the Philippine archives ni [Ms. Charo Santos] Concio that is always part of the plan pero at that time it’s very, very expensive.

“Ultimately, I think it also stems from the fact na mahal namin ang pelikula. She grew up watching movies, I grew up watching movies at sa akin yung mga nagawa nila [Ishmael] Bernal, nila [Lino] Brocka, Mike de Leon, ihahanay ko ‘yan sa mga nagawa nila Alfred Hitchcock saka nila [Ingmar] Bergman pero ngayon nawawala na, nakakalimutan na ng mga tao na once upon a time ang galing-galing natin kahit sa pinakamagaling sa buong mundo, lumalaban tayo.

“To me it’s really more than that. I think that’s the greatest tragedy: great, great movies that’s been forgotten.”

“Unang-una pinakamalaking challenge mo yung mga materyal, are they surviving? Pag nakuha mo yung materyal the rights, nandun yung music rights, andun yung rights of ownership but more of it’s not really the technical [aspect] kasi minsan isang tingin mo, malalaman mo kung restorable siya o hindi.

“Minsan pag binuksan mo dun mo makikita mo ay mas marami pala siyang problema, mas malaki pala ang gugugulin mo palang panahon at pera para maayos ito.”

Marami sa mga old Filipino classic films ang hinihintay din ng iba na ma-restore para mapanood muli ng publiko, lalo na ng bagong henerasyon. Ayon kay Mr. Katigbak, gustuhin man nila ay hindi lahat ng pelikula ay kaya nilang isailalim ng proseso ng restoration dahil sa maraming kadahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We cannot restore everything, resources wise. But I think a lot of the producers and the owners should try doing it themselves but the main problem is, it is a costly investment. If they do not see a return, will they spend on it kaya lang yun nga lang ang nangyari na it reached the point na maraming pelikula na nasira na.

“In fact, halimbawa, we’ve been trying to negotiate with the Nepomuceno Productions for Dahil Sa Isang Bulaklak and Igorota of Charito Solis. Nung ultimately they were considering it, nawawala na yung negatives. Hindi na mahanap so wala na. The negatives were not even here in the country but apparently archive or the vault it was restored have changed ownership and maybe that material was di na nila ma-track. Tragedy yung ganun.”

Nakakalungkot rin isipin na ang mga black-and-white films mula sa Sampaguita Pictures and LVN, na na-establish bago ang World War II, ay hindi na rin naitago. Ang mga naturang pelikula ay ginawa noong 1950s, ang panahon na tinaguriang Golden Age of Philippine Cinema.

“Most of the LVN are not restorable, Sampaguita and Leah Productions wala na ang mga ‘yan. Kung ano yung kopya ninyo sa Video 48 or whatever pirated sites, yun na lang yun.”

Agad naming tinanong si Mr. Katigbak kung bukas din ba sila na i-restore ang ilang sumikat na pelikula din ng ibang film outfits gaya ng Regal, Viva Films o kahit ng GMA Films.

“Okay lang but they also have to agree, pero they have to come to terms and the rights. Parang yung sa kanila, feeling naman nila they are not in agreement, prerogative din naman, they can restore rin it naman,” paliwanag niya.

“Mayroong cooperative, mayroong hindi. I think in some producers also, puwedeng halimbawa it’s a prestige project, feeling nila, ‘pag binitawan ko na ito, hindi na ito akin.’ Iba kasi yung nandun ang pangalan mo, iba yung physically pag-aari mo pa rin siya. Minsan may sentimental reason, sometimes it will also be financial. Kung sentimental ka, ‘oo nandun ang pangalan ko pero hindi ko na pag-aari ‘yan.’ May ganun ang attitude, e.”


MORE DIGITALLY REMASTERED MOVIES. Masayang binalita ni Mr. Katigbak na sa ngayon ay may mga Filipino classic films ang nasa proseso na ng restoration.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, ang mga pelikula na sumasailalim ng digital restoration ay ang sumusunod: “Kakaba-kaba, Mangarap Ka At Magising, Cain at Abel, Haplos, Karma, Pedro Penduko, at Misteryo sa Tuwa.”

Ilan din sa pelikulang na-restore ay ang One More Chance, Sarah, Ang Munting Prinsesa, Got To Believe in Magic, kasama sa mga ilang classic Filipino films gaya ng Karnal, Oro, Plata, Mata, T-bird at Ako, Hindi Nahahati ang Langit.

Ang mga movies na ito ay mapapanood sa film exhibition ng restoration project, ang Reelive The Classics na ongoing ngayon sa Rockwell Powerplant Mall sa Makati.

Marami lang nagtaanong kung bakit nire-restore na ang mga hindi pa naman kalumaang pelikula.

Paliwanag ni Mr. Katigbak, “Unang-una aside from restoration there are also a lot of platforms right now and they require digital so kung gagawin mo na siyang digital dapat itama mo na yung quality level niya.

“For example, yung mga pelikulang yun, sure may lumatic ka pero kung kailangan mo ng HD dapat ire-rescan mo uli. E, pag ni-rescan mo yung HD lalabas, ‘Ay, mali-mali pala yung kulay,’� ‘Ay, may gasgas pala.’

“Itatama mo ulit yun. Lumalabas na even the newer movies we really do have to start working on them. The cost is also lower, the older the movie, the more expensive it becomes. Mas mabuti na mas maaga pa, agapan mo, ma-prepare mo na siya for a new platforms.”


SCREENINGS AT ROCKWELL. Magkakaroon ng pagkakataon ang publiko na mapanood ang ilan sa digitally remastered movies tulad ng Sarah Ang Munting Prinsesa, Got To Believe, Sana Maulit Muli, One More Chance, Oro Plata Mata, T-Bird at Ako, Karnal, Hindi Nahahati Ang Langit, at Tanging Yaman in full HD.

Ani Mr. Katigbak, “At the end of the month August 26-September 1, Cinema 5 will be devoted to Rockwell. We have about eight films that will be shown on a rotating schedule, they just have to identify the time again. Rockwell already approved the titles. We’re also hoping that it will be restored for the second time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa hirap na pagdaraan sa pagre-restore ng isang classic film, hindi rin biro-birong pera ang kailangan para sa prosesong ito.

Paano kumikita at nakaka-survive ang restoration project dito?

“That’s why part of our commitment really is taking the films back to the audience. That’s why may tie up kami sa UP [University of the Philippines], may tie up kami sa Rockwell, may bayad naman yun pero kumbaga tanggap din ng management na hindi siya immediate babalik na pera pero at the same time you have mobile, you have cable so hopefully overtime mababawi agad yung cost niya.”

Labis din ang pasasalamat nila Mr. Katigbak sa ilang artista na sumsuuporta sa kanilang adhikain. Kuwento niya, isa nga raw sa nagbigay ng malaking tulong sa kanila ay ang aktor na si Piolo Pascual.

“Si Piolo is really a joy to work to with kasi siya talaga made it easier for us. In fact when we won the Award of Excellence in Toronto, it was the Piolo campaign. Award of Excellence, International Gold Quill in Toronto. There were only 40 winners from all over the world and from the Philippines, dalawa lang ang nakapasok sa Award of Excellence.”


BEA, JOHN LLOYD SUPPORT PROJECT. Noong August 27, pinalabas muli ang Karnal, ang 1983 Marilou Diaz-Abaya drama film na pinagbidahan ni Joel Torre.

Dumalo sina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Direk Cathy Garcia Molina, at Bea Saw sa naturang screening na ginanap noong Thursday afternoon.

Sa Facebook account ng head ng ABS-CBN Film Archives at Restoration na si Mr. Leo Katigbak, ipinost nito ang kanilang group picture na may caption na “Salamat sa suporta sa restoration efforts namin. Glad you enjoyed Direk Marilou Diaz-Abaya’s KARNAL.”







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN