Joel Lamangan proud of Felix Manalo biopic: "Hindi po madali ang gumawa ng talambuhay ng isang dakilang tao."

Ginagampanan ni Dennis Trillo ang papel ng founder at kauna-unahang excutive minister ng Iglesia Ni Cristo sa biopic na Felix Manalo, na idinirehe ni Joel Lamangan.


Ipinagmamalaki ng multi-awarded director na si Joel Lamangan ang bagong pelikula niya sa Viva Films, ang Felix Manalo.


Ang Felix Manalo ay tumatalakay sa buhay ni Ka Felix Manalo, ang founder at kauna-unahang executive minister ng Iglesia Ni Cristo (INC).


Ang Kapuso actor na si Dennis Trillo ang gumaganap bilang Ka Felix.


Ayon kay Direk Joel, ngayon lamang siya nagkaroon ng movie project na organisadong-organisado ang shooting at ibinigay ng producer ang lahat ng kailangan niya.

Nagpapasalamat ang batikang direktor dahil mahuhusay at talented daw ang production team na binuo ng Viva Films kaya naging madali para sa kanya ang pagbuo ng isang epic movie.

Saad ni Direk Joel, “Hindi nagdalawang-isip ang Viva Films na bumuo ng mahusay na production team na kinabibilangan ng cinematographer na si Rody Lacap; production designers na sina Edgar Littaua, Raymond Red, at Joel Bilbao; editor na si John Wong; at ang musical director na si Von de Guzman.”

Nilinaw rin niyang hindi lamang mga miyembro ng INC ang makaka-appreciate ng pelikula kundi ang buong sambayanang Pilipino dahil na rin sa mga makabuluhang mensahe nito.

Saad ni Direk Joel, “Hindi po madali ang gumawa ng talambuhay ng isang dakilang tao...

“Isang Pilipino na bumuo ng kanyang sariling relihiyon sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsisikhay upang matagpuan niya ang tunay na paniniwala na nakabatay sa Bibliya na kanyang pinanghahawakan...

“Kung paano niya ito ginawa, kung paano siya nakapag-aral upang mabuo ito, kung papaano niya nabuo ang Iglesia Ni Cristo dito sa Pilipinas hanggang sa ibang bansa.

“Ito po ay napakalaking tagumpay ng isang Pilipino na si Felix Manalo na dapat panoorin, hindi lamang ng mga Iglesia kundi pati na rin ng mga Katoliko at ng iba’t ibang relihiyon.

"Maraming makukuhang leksiyon sa mapapanood ninyo."

Idiniin din ni Direk Joel na kakaiba ang Felix Manalo sa mga dati niyang pelikula, at sinisiguro niyang magugustuhan ito ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahabol niya, “Sana po, sabihin ninyo sa mga kakilala ninyo, sabihin ninyo sa mga kaibigan ninyo at sa mga hindi ninyo masyadong kaibigan na panoorin ang pelikulang ito.

“Hindi masasayang ang oras ninyo. Hindi masasayang ang pera ninyo.

“Magandang pelikula ito. Ngayon lang po ako nagsasabi ng totoo.

"Yung ibang pelikula ko, hindi ko sinasabi na, 'Magandang pelikula ito.'

“Ito, masasabi ko, taas-noo, maipagmamalaki ko ito, hindi lamang dito kundi sa ibang dako ng mundo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN