Marian Rivera bags three awards at 38th Box-Office Entertainment Awards

by Rose Garcia
May 14, 2008
"Ay, utang na loob ko itong lahat sa mga fans ko na nagsusuporta at tumutulong sa akin. Basta ako, iniaalay ko ang award ko sa lahat ng taong naniniwala at nagmamahal sa akin," says a grateful Marian Rivera about the honors she received from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., which sponsors the Box-Office Entertainment Awards.

Bukod sa pagiging Most Promising Female Star at Phenomenal TV Star sa nakaraang 38th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., si Marian Rivera rin ang nahirang na Face of The Night.

Ayon kay Marian, hindi raw talaga niya naisip na makakatanggap siya ng ganitong karaming award nang dahil sa paggawa nga niya ng Marimar. Pero siyempre pa'y ang mga fans niya ang unang dapat na pasalamatan niya.

"Ay, utang na loob ko itong lahat sa mga fans ko na nagsusuporta at tumutulong sa akin. Basta ako, iniaalay ko ang award ko sa lahat ng taong naniniwala at nagmamahal sa akin," panimula ni Marian nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GOOD FORTUNE. Kung ngayong taon ay Most Promising Female Star pa lang siya, posible kaya na next year ay siya naman ang itanghal na Box-Office Queen?

"Ang hirap kasing magsabi na next year, ganito na ‘ko. Siguro kung ano lang ang ibinibigay sa akin. Sa ngayon, sobra-sobra ang ibinibigay sa akin ni Lord. At masaya ‘ko na maraming tao ang nagmamahal sa akin. Yun lang, masayang-masaya na ‘ko."

Continue reading below ↓

Kahit daw ang ratings na tinatamasa ngayon ng Dyesebel ay hindi raw nila ine-expect.

"To be honest, wala, hindi namin iniisip na mataas ang rating namin or whatever. Ang importante sa amin, napapaligaya namin ang mga taong nanonood ng Dyesebel."

Maging sa endorsements, pareho sila ng kapareha niyang Dingdong Dantes na among the most in-demand celebrities ngayon. Ani Marian, kabilang daw ito sa mga bagay na hindi niya inaasahang bigla na lang dumating.

"Nagulat nga ako, e. Salamat talaga sa kanila. Sa lahat ng mga taong kumukuha sa akin. Sa mga commercials, salamat sa kanila dahil nagtitiwala sila sa akin."

"HAYAN NA NAMAN!" Iyan ang paulit-ulit na sabi Marian when PEP asked her about intrigues, kasi lumalabas na ilan sa mga dating endorsements daw ni Angel Locsin ay siya na ngayon ang kinukuhang bagong endorser.

Sabi nga niya, "Ay, hindi ko alam. Bilang isang artista, bilang isang kinukuhang talent para sa isang commercial, ang manager ko ang nakikipag-usap. Wala akong alam sa ganoong bagay. Basta ang importante sa akin, ino-offer sa akin. Ginagawa namin at masaya ako na nagtitiwala sila sa akin."

Continue reading below ↓

PENDING AMNESIA. Samantala, ang manager ni Marian na si Popoy Caritativo ang nagpaunang nagsabi na hindi pa raw niya nai-inform ang alaga na may mga pagbabago sa schedule GMA Films movie sana nila ni Dingdong Dantes at Iza Calzado. Amnesia ang working title ng gagawin nila nina Dingdong at Iza. Clueless nga si Marian nang tanungin ng PEP kung kalian sila magsu-shooting.

"Hindi ko pa po alam. ‘Tsaka siguro, dahil din siguro sa schedule namin. Like ako, ang dami ko ring schedule this month, next month. So, hindi ko rin alam kung paano namin maisisingit lahat. Pero sana , matuloy yun, kasi, isang malaking opportunity rin na makatrabaho ko sa movie sina Dingdong at Ms. Iza Calzado."

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ay, utang na loob ko itong lahat sa mga fans ko na nagsusuporta at tumutulong sa akin. Basta ako, iniaalay ko ang award ko sa lahat ng taong naniniwala at nagmamahal sa akin," says a grateful Marian Rivera about the honors she received from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc., which sponsors the Box-Office Entertainment Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results