Gladys Reyes, Heart Evangelista, Gabby Concepcion join all-star cast of Felix Manalo

Gladys Reyes and Gabby Concepcion are just two of the biggest names in the industry who have special participation in the epic film Felix Manalo, which tells the story of the founder and first executive minister of Iglesia Ni Cristo.


Sina Gladys Reyes, Heart Evangelista, at Gabby Concepcion ang ilan sa maraming artista na may special participation sa Felix Manalo, ang epic movie ng Viva Films tungkol sa buhay ng founder at first executive minister ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ginampanan ni Gladys sa pelikula ang role ni Avelina, ang pangalawang anak ni Ka Felix.

Si Heart ay gumanap bilang Ka Tenny, ang biyuda ni INC second Executive Minister Eraño Manalo.

Si Gabby naman ay si Eduardo Manalo, ang current executive minister ng INC.

Si Gladys ay miyembro ng Iglesia Ni Cristo mula pa noong isilang siya.

Tapat daw ang pamilya niya sa relihiyon nila dahil sa tuwing bumibiyahe sila sa ibang probinsiya o ibang bansa, ang lugar na kinaroroonan ng simbahan ng INC ang kanilang unang hinahanap para sumamba.

Pahayag ng aktres, “I am so proud of this movie, honored that I was chosen to portray an important role.

“Since birth, I’m a member of Iglesia Ni Cristo.

"Hindi ko makakalimutan ang paghubog sa aming spiritual ng mga magulang namin, lalo na sa kabila ng kaabalahan ko sa aking propesyon, na huwag pababayaan ang pagsamba."

Paglilinaw rin ni Gladys, "Hindi totoo ang 10 percent tithing na sinasabi ng iba.

"Ang kinalakihan ko ay magbigay nang ayon sa pasya ng puso.

"At nakikita naman namin ang mga kapilya na well-maintained at walang napapabayaan dahil ito ay bahay-sambahan at dito nakikipagtipan sa Panginoong Diyos.

"Sana panoorin ang pelikula, hindi lang ng mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo.

"Dahil ang layunin namin ay ilahad ang buhay ng Ka Felix at para makita nila kung papaano nag-umpisang magpalaganap ng doktrina ang Ka Felix na unang executive minister ng Iglesia Ni Cristo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN