Ai-Ai delas Alas starts filming for "Ang Tanging Ina Ninyong Lahat"

by Julie E. Bonifacio
May 19, 2008
Comedienne Ai-Ai delas Alas is now busy with the shooting of the sequel of her hit 2003 movie Ang Tanging Ina. She will then fly to the United States for a series of shows where she will meet with singer Miguel Vera, who is the father of her first child.

Nagsimula nang mag-shooting ang tinaguriang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, na idinidirek ni Wenn Deramas. Sequel ito ng box-office hit movie noong 2003, Ang Tanging Ina ng Star Cinema.

Binista ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat last May 14 sa Magnatech sa Scout Borromeo, Quezon City. Naabutan namin si Ai-Ai in her cute purple outfit from head to foot habang naghihintay ang very close friend niyang si Direk Malu Sevilla. Last sequence na rin ni Ai-Ai ang eksenang kukunan nang datnan namin siya sa set.

"Hindi pa ako presidente dito, maid pa lang ako ng presidente dito," kuwento ni Ai-Ai tungkol sa naturang eksena.

Two to three shooting days pa si Ai-Ai para sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat bago siya umalis paalis ng bansa para sa series of shows niya abroad. Kasamang aalis ng bansa ni Ai-Ai ang kanyang anak na si Nicolo.

Continue reading below ↓

"Bale graduation gift ko sa kanya ‘to," sabi ni Ai-Ai. "Tsaka kasi gusto niyang makasama yung best friend niya na nasa U.S. na. At the same time, magkikita sila doon ng tatay niya, si Miguel [Vera]. Magge-guest din si Miguel sa show ko doon. Ang talent fee na hiningi lang niya, yung accommodation sa hotel para makasama niya ang bagets [Nicolo] sa kuwarto kahit ilang gabi lang."

Nakatakdang bumalik si Ai-Ai sa bansa on June 2 para tapusin ang bago niyang pelikula sa Star Cinema. Dahil sequel ito ng Ang Tanging Ina, kasama pa rin sa cast ang mga gumanap niyang anak na sina Marvin Agustin, Alwyn Uytingco, Jiro Manio, Shaina Magdayao, Yuki Kadooka, at ang nagbabalik-showbiz na si Serena Darlymple. Ongoing naman ang search para sa kambal na babaeng anak ni Ai-Ai for the sequel.

Out na sa Ang Tanging Ina Ninyong Lahat ang iba pang gumanap na anak ni Ai-Ai sa original movie na sina Marc Acueza at Heart Evangelista. Hindi na raw kinuha si Marc dahil wala na ito sa showbiz habang si Heart naman ay sadyang hindi na raw kinuha. Nasaktan daw kasi ang ABS-CBN management sa ginawang paglipat ni Heart sa GMA-7.

Continue reading below ↓

Mabuti pa si Marvin, na kahit matagal nang nasa GMA-7, ay kinuha pa rin ng Star Cinema upang gampanan muli ang papel ng panganay na anak ni Ai-Ai sa movie. Maayos naman daw kasi ang pag-alis ni Marvin sa ABS-CBN kaya very much welcome pa rin siya sa Kapamilya network.

Wala namang plano ang Star Cinema na kumuha pa ng kapalit nina Heart at Marc for their respective roles. Gagawan na lang daw ng kuwento kung bakit wala ang dalawang anak ni Ai-Ai sa movie.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Ai-Ai delas Alas is now busy with the shooting of the sequel of her hit 2003 movie Ang Tanging Ina. She will then fly to the United States for a series of shows where she will meet with singer Miguel Vera, who is the father of her first child.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results