Inamin ni Bing Pimentel na nahirapan siya sa una niyang sabak sa historical film na Heneral Luna, na pinagbibidahan ni John Arcilla sa direksiyon ni Jerrold Tarog.
Bilang ina ni Heneral Antonio Luna, na lumaban sa mga Amerikano noong panahon ng digmaan, nilagyan si Bing ng prosthetics at maraming oras siyang nakaupo lamang.
Kuwento ng fashion model-turned-actress sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matapos ang presscon proper ng pelikula noong August 27, “Mahirap, kasi nga six hours ako on the chair.
"Tapos kukunan ako, 30 minutes lang.
"Ang appearance ko, less than five minutes.
“In fact, in one day, I was sitting on the chair for 12 hours. Kasi they have to re-do my makeup kasi hindi maganda.
“I was sick pa nga that time. Dala-dala ko pa yung lounge chair ko.
"Buti na lang, madali for the make-up artist to do my makeup kasi nakahiga lang ako.
“Kasi si Heneral Luna is in his 30s.
"John [who plays Heneral Luna] is already in his 40s.
"So, they have to make me look like someone in her 80s.
“Sabi ko nga, ‘Excuse me, ang nanay ko, nasa 80s na, pero wala siyang kulubot.’
"Hindi naman nagpapaganda ang nanay ko, pero wala talaga siyang kulubot.
“Sabi nga nila, ‘Okay, we’ll just make you look like someone in her 70s.’
"Sabi ko naman, ‘I’m already 54. How old is 70, di ba?’”
Hindi na raw lumayo pa si Bing sa kung sino ang peg ng pinu-portray niyang karakter. Ang kanyang ina ang ginawa niyang inspirasyon.
Pahayag niya, “Kasi they wanted somebody na regal at the same time iron hand.
"My mother is like that. She’s very soft-spoken, pero pag nagalit, nambabato ng chair.
“The way they describe Doña Lauriana [Heneral Luna’s mother], parang ganun, e.
"I also based it sa grandmother ko, yung pagtanda."
Hindi ba nahirapan si Bing sa portrayal ng karakter niya?
“Hindi. Kasi I usually use a specific person. Naghahanap talaga ako ng peg to treat a character.”
PREFERENCE FOR FILMS. Mahal ni Bing ang pag-arte. Yun nga lang, pasulpot-sulpot siya sa projects na gusto niyang gawin.
Nagpahinga si Bing ng maraming taon sa pag-arte.
Ang anak niyang si Sid Lucero ang nagkumbinsi sa kanyang bumalik sa larangang ito.
Maraming taon na ang nakararaan mula nang gawin ni Bing ang teleseryeng Maging Sino Ka Man, ang kanyang huling project bago ang Heneral Luna.
Mas type na lang daw ni Bing na gumawa ng pelikula kaysa teleserye.
“Hindi ko na kaya yung puyatan, yung waiting, and all that.
"Sa indie film, although tuluy-tuloy, two weeks lang.
“Ang teleserye, umaabot ng thirty hours ang taping.
"So, physically, hindi kaya talaga and I also have a 14-year-old son.
"Siyempre, naghahanap pa ng atensiyon 'yon sa akin."