Eugene Domingo to do solo movie under Viva Films, "Demetria (MD)"

by Nora Calderon
May 21, 2008
"Matagal na rin akong naghintay para sa solo movie na iyan," sabi ni Eugene. "Kaya nagpapasalamat ako kay Boss Vic at sa Viva Films. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung sinu-sino ang makakasama ko sa movie, pero hihilingin naming mag-cameo role si Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos] at sana mapagbigyan niya kami. Napakalaking honor sa akin kapag pumayag siya," says Eugene Domingo.

Nakita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, May 20, na magkakasama sa Viva Films office sa Tektite, Pasig City, sina Eugene Domingo, Direk Wenn Deramas, at scriptwriter Mel Mendoza-del Rosario. Biro namin kina Eugene at Direk Wenn, bati na pala sila.

"Naku, ewan ko nga ba kung bakit kami naiintriga ni Uge [nickname ni Eugene]," natatawang wika ni Direk Wenn. "Hindi naman talaga kami nag-away, kaya hindi siya nakasama sa ilang projects ko. Nagkataon lang na mas pinili namin yung offer ng GMA Films na isama siya sa movie nilang I.T.A.L.Y. (I Trust And Love You) at saka sa comedy-drama soap nilang My Name is Kim Sam Soon."

"Totoo iyon," sabi ni Uge. "Nang dumating iyong offer ng GMA Films, siyempre hindi ko iyon tatanggihan. Nagpaalam naman ako kay Direk Wenn, na isang magandang chance sa akin iyon at ayokong pakawalan. Biro mo, makararating ako ng ibang lugar sa Asia, sa Europe, and Africa na sakay ng isang luxury liner. Libre na yung biyahe, may talent fee pa ako. Wala pa naman ako talagang gagawin sa ABS-CBN at Star Cinema, kaya tinanggap na rin namin ng manager ko ang offer ng GMA-7 para naman sa My Name is Kim Sam Soon. Alam lahat iyon ni Direk Wenn, kaya hindi na lang namin pinapansin ang intriga.

Continue reading below ↓

"Isa pa, wala rin naman akong exclusive contract sa ABS-CBN at Star Cinema, kaya naisip ng manager ko na tama namang makipagtrabaho ako sa ibang artista sa ibang network at ibang production company. Maliban kay Jolina [Magdangal] at Rufa Mae Quinto, iyong mga nakasama ko sa I.T.A.L.Y., first time ko lang silang nakasama. Ganun din sa My Name is Kim Sam Soon, marami sa kanila, ngayon ko lang nakakasama."

BACK TO STAR CINEMA. But now, balik na si Uge sa paggawa ng movie sa Star Cinema. Nagsimula na silang mag-shooting ni Ai-Ai delas Alas ng Ang Tanging Ina Ninyong Lahat, sequel ng Ang Tanging Ina noon. Naitanong ng PEP kay Direk Wenn kung nakapagpatayo na ba siya ng replica ng Malacañang Palace sa bakanteng lote na dating kinatatayuan ng Star Cinema office, tulad ng naikuwento niya noon dahil magiging presidente ng Pilipinas si Ai Ai sa story.

"Hindi pa, kasi gusto ni Ms. Malou [Santos, head ng Star Cinema] na totoong sa Malacañang kami mag-shooting. Ewan ko kung makakakuha kami ng permit to shoot there, kahit sa isa lang office doon."

Continue reading below ↓

UGE'S SOLO. Natawa kami sa comment ni Mel na "goodluck na lang," na hindi na namin isinulat ang kasunod niyang sinabi dahil nagkatawanan kaming lahat. Pero bakit nga ba sila nasa Viva Films?

"Nakipag-meeting na kami kay Boss Vic del Rosario para sa solo movie ni Uge. Long-overdue na iyon. Dapat noon pa iyon nasimulan pero naging busy nga kaming lahat," nakangiting wika ni Direk Wenn.

"This time, tuloy na ang Demetria (MD). Sige, ang ibig sabihin ng MD ay matandang dalaga. Hindi pa muna namin ikukuwento, although susulatin na ni Mel ang script."

Hindi ba matagal na talaga siya dapat nabigyan ng solo movie?

"Matagal na rin akong naghintay para sa solo movie na iyan," sabi ni Eugene. "Kaya nagpapasalamat ako kay Boss Vic at sa Viva Films. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung sinu-sino ang makakasama ko sa movie, pero hihilingin naming mag-cameo role si Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos] at sana mapagbigyan niya kami. Napakalaking honor sa akin kapag pumayag siya," nakangiting patapos ni Eugene.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matagal na rin akong naghintay para sa solo movie na iyan," sabi ni Eugene. "Kaya nagpapasalamat ako kay Boss Vic at sa Viva Films. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung sinu-sino ang makakasama ko sa movie, pero hihilingin naming mag-cameo role si Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos] at sana mapagbigyan niya kami. Napakalaking honor sa akin kapag pumayag siya," says Eugene Domingo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results