Kris Aquino keeps followers guessing about her leading man in Etiquette for Mistresses



Sino kaya itong aktor na makakasama ni Kris Aquino sa pelikulang Etiquette for Mistresses?

Sa kanyang Instagram account kagabi, September 9, nag-post siya ng larawan kung saan kausap niya at ni Direk Chito Rono ang isang lalaking nakatalikod sa set ng Etiquette for Mistresses.

Sa caption nito, sinabi ni Kris, “Para may konting mystery.”


Para may konting mystery. Still shooting #EtiquetteForMistresses #September302015

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onSep 9, 2015 at 5:48am PDT



Ilan sa mga pangalang nabanggit sa hula ng kanyang followers ay sina Richard Yap, Gabby Concepcion, Edu Manzano, at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Siya kaya ang pinasalamatan ni Kris sa episode ng Kris TV noong Lunes, September 7, na ayaw niyang pangalanan?

Sabi ni Kris sa naturang episode, “Hindi ko pwedeng sabihin pero thank you sa 'yo. Bukas kasi ang shooting pero bawal sabihin.”

Nabanggit din niya ang ilang celebrities na may special guest appearance sa upcoming drama film.

Kabilang dito sina Helen Gamboa-Sotto, Pilar Pilapil, Cherry Pie Picache, Aiko Melendez, Zoren Legaspi, at Arci Munoz.

Ayon kay Kris, tapos na silang mag-shooting ng Etiquette for Mistresses, na ipalalabas simula September 30.

Bukod kay Kris, bida rin sina Claudine Barretto, Iza Calzado, Cheena Crab, at Kim Chiu bilang mga "kabit" na dadanas ng iba't ibang problema sa kanilang buhay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN