Vilma Santos on confrontation scene with Angel Locsin: "Hindi ko alam yung execution, e, kung sasampalin ko siya or sasabunutan."

by Julie E. Bonifacio
Sep 12, 2015


Inamin ni Governor Vilma Santos na may pagka-bitchy ang role niya sa latest movie na ginagawa niya with Angel Locsin and Xian Lim under Star Cinema.

First time para kay Vilma ang ganoong uri ng role sa loob ng mahigit limang dekada niya sa showbusiness.

“Bida-kontrabida ako [sa movie], parang ganoon. Pero may redeeming factor. Iba, e. Na-excite ako, e. Makikita ninyo kapag pinakita, at least, nag-trailer na,” pagmamalaki ni Vilma.

In a way, inspired sa role ni Meryll Streep sa pelikulang The Devil Wears Prada ang karakter na ginagampanan ni Gov. Vilma kaya may pagka-bitchy daw siya sa movie.

“Mukhang mas [bitchy pa sa role ni Meryll], e. Mas pa, e,” lahad ng Star for All Season.

Nae-enjoy ba niya ang pagiging bitchy while doing the role sa mga eksena niya sa shooting?

“Something new. Actually, I’m enjoying it,” pag-amin ni Gov. Vi.

“‘Tsaka yung red lipstick, yung mga ayos. Hindi pa ‘to, kasi yung mga salamin ko rito, magmo-model ako ng mga salamin. Yung salamin na may mga gold, may kakaibang design.”

Hindi kaya yung pagiging bitchy ng role niya ay defense mechanism lang dahil may tinatago siyang sikreto?

“Yes,” mabilis niyang sagot. “Parte yun ng istorya. Kaya siya ganoon, may dahilan. Hindi lang basta gusto niyang magpaka-bitchy, may dahilan."

Sa totoong buhay naging bitchy na ba siya?

“That’s not the word, bitchy, pero naging ano ako pilya, hahaha!

"Ayoko ng bitchy pero naging pilya na rin ako. Kaya siguro kaya ko ring gawin. Hahaha!”

Ano na ang official title ng movie?

“Wala pa, sa totoo lang. Basta kami kapag nagbibigay ng ano... palaging Vilma-Angel-Xian.

"Maski sa call time yun na muna. Parang #VilmaAngelXian, ganoon ang nakagalay. Wala pa talagang title.”

May-ari ng isang malaking building ang role ni Governor Vi sa movie. Sa totoong buhay meron na ba siyang pag-aari na malaking building?

“Wala...hahaha! Sira!” natatawa niyang sagot.

Pangarap ba niya ang magkaroon ng malaking building?

“Oo, someday. Tapos yun palang iniisip ko ‘yung Kapitolyo [sa Batangas]," natatawang sabi niya ulit.

Since super rich ang role niya sa movie, nagamit ba niya lahat ng personal na expensive jewelries, bags and shoes niya sa shooting?

“Hahaha! Aba! May ex-deal din kami rito.

“May stylist na in-assign sa akin.

“Ibig ko’ng sabihin ang mga suot ko rito ini-istaylan talaga na maiba sa pagka-Governor. Maiba rin doon sa mga pelikula ko noong araw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


May heavy scenes ba siya sa movie?

“Meron din, hindi ko kasi ma-reveal yung istorya kaya nahirapan ako. Basta’t alam ko talagang mayaman ako, may-ari ako ng isang malaking building. Empleyado ko si Angel. Tapos anak ko si Xian.”

Nakunan na yung mga heavy scenes niya?

“Hindi pa lahat. Yung isang nakuna yung medyo matagal din kaming hindi nagkita ni Xian, mag-ina. Nakunan yung balik niya [Xian].”

May mga confrontation scenes ba sila ni Angel sa movie?

“Meron pero hindi ko alam kung paano ie-execute ni Direk, e.

“Si Direk din ang nage-execute kasi ayaw naman naming ‘tong palabasin doon na pinaka-wahhh!

“Ayaw naman namin ng ganoon. Ayaw, ayaw.

“Parang light-drama pero kamukha ng role ko ngayon parang it’s been a while na nagkaroon ako ngn ganito kayaman [na role].

“Ibang galaw, it’s been a while. And even yung last ko na kontrabida ko na ginampanan, e, 'Sinasamba’ pa. E kalian pa yun? '81 or '82?

“Sa ‘Kapag Langit Ang Humatol,’ yumaman ako doon, oo. Pero eto’ng bago naming film, ibang klase.

“Pero hindi naman from the start mayaman ako rito. Medyo, kumbaga yung character ko rito mayaman pero yung character first time.”

Kumusta ang mga eksena nila ni Xian?

“Alam mo magaling si Direk [Joyce Bernal]. Kasi hindi siya [Xian] pinapabayaan ni Direk. Ang ibig ko’ng sabihin hindi siya pinapabayaan ni Direk Joyce.”

“First time ko with Direk Joyce.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Magaling, very meticulous. Yes, she is.

“Pero wala siyang ano, cool lang siya. She’s good. Ako napapa, even yung mga shots niya. And then, we always shoot with two cameras.”

Ang last movie na ginawa ni Gov. Vi ay ang indie film na Ekstra two years ago.

“Nami-miss ko ‘to. Miss ko ‘to... miss ko talaga showbiz,” may halong saya at lungkot na sambit niya.

Ano ang pagkakaiba ng mayaman na role niya rito sa mga nagdaang roles niya of the same character?

“Mas iba ang taray dito. It’s not even taray, e. It’s, power. Ang yaman niya rito hindi taray, e. Ang character niya rito ay is more of power. She’s very powerful.

“Corporate ang dating because ito yung ano, e, real-estate ako. So, ang dating niya parang, ‘I own this.’’

“Ah, yung Sinasamba (Kita). Hindi ba? Ano pa?

“Ako yung may mga corporate-corporate na nagpre-preside ng meeting, e. Alam ko ‘Sinasamba’ ‘yun, e.””

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumusta naman ang muling pagtatrabaho nila ni Angel sa pelikula?

“Hindi ko lang ma-ano, gusto ko si Direk magsabi kasi may way si Direk, e.

“Ah... yun ang gusto ko na ginawa Direk, e. Like nu’ng first time namin ni Angel na magka-eksena. Kasi empleyado ko lang siya, hindi kami talaga pinag-uusap.
Alam mo yung ganoong klaseng motivation?

“But let Direk explain it. Hindi niya kami talaga pinag-uusap ni Angel, so, that when we meet sa, sa tension naming dalawa na, ‘Who are you? What’s your name?’

“Parang nandoon, and then, even with Xian na naiwan ko siya. I think he was seven years old, or five years old?

“Nu’ng bumalik siya, binata na. Kaya noong first day din naming ni Xian, hindi rin kami pinagkita ni Direk. Ni-rehearse siya ng solo, ni-rehearse ako ng solo.

“Noong take lang kami [nagkita]... kaya yung tingin naming dalawa pareho, ano, e, you will feel it, e. Ganoon mag-motivate si Direk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo kaya nga siguro hindi kami pinagkikita ni Direk kasi in a way, in a way, we’re comfortable with each other, e, alam mo yung ibig ko’ng sabihin?

“Kaya ayaw niya nu’ng ganyang ambience na kapag nagkita kami beso-beso, ayaw niya [Direk Joyce]. Gusto niya nandoon yung detachment, yun ang characters.
Kaya hindi niya kami pinagusap.

“Kaya maski noong nagkita kami ni ‘Gel, ‘Sorry, Tita.’ Sabi ko, ‘No, no, just don’t talk, sige, ano,’ ganoon.

“Wala kaming ‘familiarity’ workshop nina Angel at Xian. Hindi kami kailangang maging pamilyar sa isa’t isa especially with my character parang wala ako’ng kaibigan.

“Si Michael [de Mesa] lang ang nakakaalam ng buhay ko.”

“Pahihirapan ko si Angel sa movie pero hindi ko alam yung execution, e, kung sasampalin ko siya or sasabunutan.

“Ayoko’ng ibigay, e, hahaha! Ayoko’ng magbigay.”

Makagawa pa kaya siya ng dalawang pelikula bago matapos ang term niya bilang Governor ng Batangas?

“I think,” nangingising pahayag ni Gov. Vi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I hope. I may run for Congress kasi hindi naman siya ganoon kahigpit, 24-7, seven days a week. Hindi ko kaya yun. Peron eto legislative not as heavy, that’s part of my learning too, pero hindi kanoon kabigat ang load.”

RESTORING VILMA'S FILMS. Samantala, sa huling presscon para sa ABS-CBN Film Restoration isa sa mga nabanggit na pelikulang inaantabayan para malinis ang print at muling mapanood ng bagong henerasyon ay ang pelikulang prinodyus niya, ang “Pagputi ng Uwak” sa direksyon ng yumaong si Celso Ad Castillo.

“Alam ko ang na-restore na sa akin, ‘Bata, Bata’ ‘T-Bird at Ako,’ may isa pa.

“Oo, dahil yung pinalabas sa UP dalawa na yun, e.

“Tatlo na yung na-restore sa akin.

“’Yung ‘Pagputi’ baka nasa Malaysia na.

“Hindi ba pinalabas pa yun? Baka nasa Channel 13 pa ata.

“Hindi ko na nahawakan, e. Yun yung isa sa mga naging kalokohan ng buhay ko noong araw. Hindi, na-mismanage ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko naman alam ang mangyayari na dapat lima ang pelikulang ginawa ko sa VS Films. Hindi ko nahawakan. Ewan ko nga kung nasaan na yung mga master’s nila.

“Pero I’m sure baka nand’yan yung master’s copy, I hope. Kasi grabe ‘yun, three years in the making ‘yun, at Celso Ad yun.”

This time, nire-require ba niya na bawat pelikula na gagawin niya ay may kasama ng ‘rights’ para sa kanya gaya nang ginagawa ng ibang legendary stars?

“Not necessarily,” sagot niya.

“If I produce, just in case I produce a movie that’s the time na pwede sa akin ang rights. Pero eto, sa Star Cinema,” pagtatapos ni Vilma Santos.

Read Next
Read More Stories About
vilma santos, Angel Locsin
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results