Iglesia Ni Cristo official explains why Janice de Belen and Kathryn Bernardo are not part of Felix Manalo movie

Ipinaliwanag ng isang opisyal ng Iglesia Ni Cristo kung bakit wala sa Felix Manalop biopic ang INC members na sina Janice de Belen at Kathryn Bernardo. Lumalabas na conflict sa schedule ang dahilan kung bakit gusto man ng dalawang aktres na makasama sa pelikula tungkol sa buhay ng first executive minister ng INC ay hindi maaari.


Itinanggi ng isang opisyal ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang balitang hindi na miyembro ng kanilang simbahan ang aktres na si Janice de Belen kaya hindi ito kasama sa cast ng Felix Manalo, ang life storyng kauna-unahang executive minister ng INC na si Felix Manalo na isinapelikula ng Viva Films at mapapanood sa mga sinehan sa October 7.

Pahayag ng INC official, “Si Janice ay mananampalataya ng Iglesia Ni Cristo.

“Siya ay mahigit sampung taon nang Iglesia Ni Cristo member.

“Ang Iglesia naman, hindi sinasabi para sumikat.

“Si Janice ay nakipagkaisa. Ang problema lang ay yung schedule.

“Yung role ni Janice ay dapat na maganda.

“Ang problema, nung nag-shooting na yung pelikula,nagkaroon siya ng soap.

“So, siya mismo ang nagsabi sa Iglesia na, ‘Hindi po ako makaka-comply sa schedule, pero gustung-gusto ko.’”

Patuloy niya tungkol kay Janice, “In fact, last year, sa stageplay version ng Ka Felix Manalo, nandoon siya.

“Siya mismo ang nagdispensa kasi nga nakapirma na siya ng kontrata bago siya sinabihan na, ‘O, ikaw ang gaganap na ganito.’

So torn siya between complying with her contract na naintindihan naman ng Iglesia.

“Mananampalataya si Janice. Sumasamba pa nga mga anak niyan, e.

“Isa sana si Janice sa may malaking role, just like Snooky, just like

Gabby Concepcion, just like Jaclyn Jose.”


KATHRYN BERNARDO. Ipinaliwanag din ng PEP source ang tunay na dahilan kaya hindi kasali sa epic movie ng Viva Films ng Kapamilya young actress na si Kathryn Bernardo, na miyembro rin ng Iglesia Ni Cristo.

Saad niya, “Same din po ang explanation kay Kathryn Bernardo.

“Kathryn Bernardo was offered a role just like dun sa stageplay, nagkaroon ng conflict sa schedule niya.

“Dapat kasi nasa stageplay din siya.

“So the same principle applies sa movie nung binigyan siya ng role, which is significant din yung role dapat, yung scheduling problems na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She was I think in South Africa; with Janice, it was a soap.

“Yung kay Kathryn, I think yung mga commitment na out of town, pero kapag halimbawa, ininterbyu niyo sila, sasabihin nila yung totoo, ‘Hinayang na hinayang kami dahil hindi kami nakasama,’ dahil sa mga prior commitments na hindi naman nila matakasan.”

Dagdag pa ng INC official, “Gustung-gusto nilang sumali.

“Naku, dyusko, gustung-gusto nila na sumali.

“Ang problema, yung availability.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN