Felix Manalo attempts to break world record during its October 4 grand premiere at Philippine Arena

by Jojo Gabinete
Sep 14, 2015
Felix Manalo, the Iglesia Ni Cristo biofilm, will attempt to break the World Record for "Largest Attendance at a Film Screening" during its grand premiere at the Philippine Arena on October 4.


Kumpirmadong dadalo sa grand premiere ng pelikulang Felix Manalo sa Philippine Arena, sa October 4, ang official representative ng Guinness World Records mula sa United Kingdom.

Ang Felix Manalo ang epic movie ng Viva Films tungkol sa buhay ng first Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Bida rito ang GMA-7 actor na si Dennis Trillo.

Darating sa Pilipinas ang adjudicator ng Guinness World Records dahil susubukan ng Viva Films na malampasan ang “Largest Attendance at a Film Screening” record na hawak ng documentary film na Honor Flight mula pa noong 2012.

Ginanap ang world premiere ng Honor Flight sa Miller Park Stadium, Milwaukee, Wisconsin, USA, noong August 11, 2012; 28,442 ang bilang ng mga tao na dumalo.

Ayon sa isang Viva Films insider, ubos na ang tickets na inilabas para sa world premiere ng Felix Manalo na magaganap sa 55,000-seater na Philippine Arena.


NOT PROPAGANDA. May paglilinaw rin na hindi isang propaganda movie at walang halong pulitika ang pagsasapelikula sa Felix Manalo, kaya puwedeng-puwede itong panoorin ng mga miyembro ng ibang relihiyon.

Continue reading below ↓

“Marami ngayon sa henerasyon ang hindi na inabot si Ka Felix Manalo.

"So, the only way na makakakuha ng kahit na katiting na impormasyon tungkol kay Ka Felix, aside na siya yung sugo ng Diyos sa huling araw, is kapag nanood ng sine.

“The sine was a first-person point of view, si Felix Manalo mismo, hindi galing sa labas.

"Kung ano ang experience niya as he went along para sa Iglesia.

“Excited ang mga Iglesia ni Cristo para ma-witness nang first-hand kung ano yung mga pinagdaanan niya,” paliwanag ng isang production insider.

Read Next
Read More Stories About
Viva Films
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Felix Manalo, the Iglesia Ni Cristo biofilm, will attempt to break the World Record for "Largest Attendance at a Film Screening" during its grand premiere at the Philippine Arena on October 4.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results