Kid Kulafu star Buboy Villar earns acting nomination in Guam International Film Festival

Buboy Villar shares his excitement when he first heard about his very first acting nomination in a foreign film festival: “Nagulat nga po ako noong binalita sa akin ‘yon. Nakakatuwa po na napansin po nila ang acting ko. Hindi po ako umaasa na manalo. Tama na po yung napansin nila ako at sinama nila ako sa nominations.”



Inuulan ngayon ng maraming trabaho ang former child actor na si Robert “Buboy” Villar pagkatapos ng kanyang mahusay na pagganap bilang batang Manny Pacquiao sa pelikulang Kid Kulafu.

Naikuwento ng 17-year-old teen actor na malaki ang nagawa ng pelikulang Kid Kulafu para sa kanya dahil iyon daw ang sumalba sa kanya noong kasalukuyang walang napupuntahan ang kanyang career.

Dumaan kasi sa tinatawag na “awkward stage” si Buboy noong dumating siya sa edad na 12. Hindi raw siya mabigyan ng mga malalaking projects dahil alangan na raw siyang bata at hindi pa raw siya matatawag na teenager.

Kaya ilang taon din daw na puro guest roles ang ginagawa niya.

“May mga guestings pa rin naman po ako noon. Pero siyempre, iba po yung may regular show ka at hindi yung ilang episodes ka lang lalabas.

“Kaya nagpapasalamat ako kay Kuya Germs [German Moreno], kasi noong mga panahon na wala akong regular na show, nasa Walang Tulugan With the Master Showman po ako.

“Kumbaga, doon po muna ako nag-concentrate.

“Binalik ko yung pagiging singer ko.

“Sa mga hindi po nakakaalam, una ko pong gusto ay ang maging singer kaya sumali po ako sa Little Big Star ng ABS-CBN.

“Pero ngayon po dahil sa nagawa ng Kid Kulafu sa akin, dumating po ulit ang mga blessings.

“Kaya panay po ang pasasalamat ko kay God kasi busy na po ulit tayo,” pahayag pa ni Buboy nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Regular na napapanood si Buboy sa GMA afternoon teleserye na The Half Sisters at may ilang indie films siyang ginagawa.

Natapos na niya ang indie film titled Old Skool kasama si Tessie Tomas at sisimulan na niya ang isang advocacy indie film tungkol sa human trafficking titled Pipamyalungan (Playground) na mula sa direksyon ni Ronald Rafer.


TOKYO FILM FEST. Marami ring gagawing pagbiyahe sa ibang bansa si Buboy dahil sa pelikulang Kid Kulafu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa October ay bibiyahe si Buboy patungong Japan kasama si Direk Paul Soriano dahil imbitado ang Kid Kulafu sa 28th Tokyo International Film Festival.

“Nakaka-excite po kasi makakabiyahe na rin po ako.

“Marami pong imbitasyon ang Kid Kulafu at sila Direk Paul ang nakikipag-usap sa kanila.

“Very proud kami sa movie dahil pinaghirapan naming gawin iyon.

“Pinaghahanda nga po ako ni Direk Paul dahil kakausapin daw po ako ng foreign media.

“Baka ma-nose bleed ako!” sabay tawa pa ni Buboy.


ACTING NOMINATION. Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Buboy sa Guam International Film Festival dahil nominated siya sa acting category nito para sa Kid Kulafu.

“Nagulat nga po ako noong binalita sa akin ‘yon.

“Nakakatuwa po na napansin po nila ang acting ko.

“Hindi po ako umaasa na manalo. Tama na po yung napansin nila ako at sinama nila ako sa nominations,” mapagkumbaba niyang pahayag.


LOVELIFE CAN WAIT. Hindi raw priority ni Buboy ang magkaroon ng girlfriend ngayon.

Kung ang mga kaedad niya ay nanliligaw na, mas gusto raw niyang ibuhos ang kanyang oras sa trabaho.

Paglinaw niya, “Hindi naman po sa ayaw kong magkaroon ng girlfriend.

“Marami po akong mga crushes ngayon.

“Pero ngayon lang po ako nakakabawi sa career ko.

“Ilang taon din po ako naghintay na dumating ang mga trabahong ito.

“Ayoko pong pabayaan ang mga 'to dahil mas inuna ko ang magkaroon ng girlfriend.

“Darating din po ang girlfriend sa akin. Bata pa naman po tayo.

“Naniniwala ako na may tamang panahon ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN