Rhian Ramos comments on butt exposure of Piolo Pascual; reveals why she turned down love scenes in the past

Rhian Ramos on having a non-showbiz boyfriend: “We have the freedom to actually have a disagreement without my being afraid that it’s going to end up on Twitter tomorrow, or something like that. Parang it’s not something built-in sa mentality ng non-showbiz people that I found."




Hindi nag-aalala si Rhian Ramos sa magiging reaksyon ng 30-year-old non-showbiz boyfriend na si Jason Choachuy sa maiinit na eksena nila ni Piolo Pascual sa pelikulang Silong, na pinroduce ng Star Cinema at ipapalabas na sa mga sinehan nationwide simula September 16.

Naipalabas na sa Cinemalaya Film Festival ang Silong, ang unang pagtatambal nila Piolo at Rhian sa isang pelikula.

Sa presscon na ginanap sa ELJ Building sa ABS-CBN noong September 13, naikuwento ng Kapuso actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at sa ilang entertainment media kung bakit hindi issue sa kanila ni Jason ang pinag-uusapang love scenes.

“Ako naman kasi, I’m the type of person who would really encourage myself [to reach my] full potential.

“Gusto rin niya [Jason] na, in all of my decision making, inuuna ko yung gusto ko, bago ko siya i-consider.

“He even tells me that.

“So, he’s very supportive in that sense. So kapag napanood niya yung movie, he would even be proud.”

Hindi ba na-insecure si Jason na isang Piolo Pascual ang ka-love scene at kapareha ni Rhian sa pelikula?

Mabilis ang sagot ni Rhian.

“By the time na nalaman ko na ilalabas nga namin ang Silong, we already shot it.

“By the time that me and Jason got together, we have already shot everything, so there was no time for him to think about that part.”


MORE PRIVACY. Mas maganda ba para kay Rhian na non-showbiz ang boyfriend, lalo na sa mga ganitong sitwasyon na pwedeng malagay sa alanganin ang kanyang relasyon dahil sa sizzling scenes niya kay Piolo?

“I personally think na it’s a good thing, kasi mas may chance ako to have privacy in the relationship.

“And I found out na, when you are sanay with so much attention, parang it’s an option to use it as a weapon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“The relationship that we have now, we have the freedom to argue about things.

“And, it’s normal.

“We have the freedom to actually have a disagreement without my being afraid that it’s going to end up on Twitter tomorrow, or something like that.

“Parang it’s not something built-in sa mentality ng non-showbiz people that I found.

“Na parang, 'If we have a disagreement, I’m gonna tweet about it.'”

Sa kabilang banda, marami ang nagsasabi na mas subjective ang tingin ng non-showbiz guys sa mga eksenang ganito, kung kaya mas malaki ang possibility na mauwi ang relasyon sa hiwalayan.

Ano ang tingin ni Rhian dito?

“I was really worried about that part, kasi ang tingin ko din na kapag may non-showbiz relationship, e, naku naman, paano naman niya iintindihin ang trabaho ko?

“Pero, he’s just really mature about it.”


NOT STARSTRUCK. Na-starstruck ba si Rhian kay Piolo sa unang araw ng pagsasasama nila sa set?

Salungat dito ang naging sagot ni Rhian.

“I seldom watch TV shows, even when it’s myself [who stars in it].

“So, building up to that moment, hindi naman.

“And, I didn’t feel anything, any kind of excitement.

“But when you meet him [Piolo], you can really feel that kind of…whatever it is, he got it.

“So, you know, when you meet him, you can tell na he’s really a different kind of human [being]; he’s alien at nakakapangiti siya [ng tao].”

Sang-ayon si Rhian na kakaiba ang appeal ni Piolo sa mga artista natin ngayon.

“A, yeah.

“You can really say na he has that X-factor, na when you meet him, there’s just something disarming about him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN