"Serbis" fails to impress Cannes jury; France's "The Class" wins Palme d'Or

by Erwin Santiago
May 26, 2008
Brillante Mendoza's Serbis failed to win an award at the end of the Cannes Film Festival. The movie stars Gina Pareño, Jaclyn Jose, Julio Diaz, Mercedes Cabral, Kristofer King, and Coco Martin (in photo).

Nabigo ang Pilipinas na mag-uwi ng tropeyo mula sa katatapos na Cannes Film Festival. Kabilang sa competing films sa Cannes this year ang pelikulang Serbis na idinirek ni Brillante "Dante" Mendoza at tinatampukan nina Gina Pareño, Jaclyn Jose, Julio Diaz, Coco Martin, Kristofer King, at Mercedes Cabral.

Generally ay hindi maganda ang reviews ng mga kritiko sa Serbis, na naglalaman ng nudity at graphic oral sex. Pero pinuri naman ng ilan ang pagganap ng mga artista rito, partikular na sina Gina, Jaclyn, at Coco—na paboritong isama ni Mendoza sa kanyang mga pelikula, gaya ng Masahista at Tirador.

Ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan, ang Palme d'Or, ay ang French film na The Class (Entre les Murs) mula sa direktor na si Laurent Cantet. The movie is "a frank tale about classroom life using real students and teachers at a junior high school." Ang naturang docu-drama ay kinunan sa pamamagitan ng "raw, improvisational style" para ilahad ang drama na nagaganap sa loob ng isang school year.

Continue reading below ↓

Ayon sa head ng Cannes jury this year na si Sean Penn (Oscar winner for Mystic River) ay unanimous decision ang pagkakapanalo ng The Class.

Pareho namang Italian films ang nanalo ng Grand Prize o second place, at Jury Prize o third place. Ang Gomorrah ni Matteo Garrone, tungkol sa criminal underworld sa Naples, ang nag-uwi ng Grand Prize, samantalang ang Il Divo—tungkol sa buhay ng dating Premier na si Giulio Andreotti—ni Paolo Sorrentino ang nakakuha ng Jury Award.

Itinanghal naman na Best Actor ang Oscar-winner na si Benicio del Toro (Traffic) para sa title role niya sa pelikulang Che. Ang four-hour-plus movie na idinirek ni Steven Soderbergh ay tungkol sa buhay ng Latin American revolutionary na si Che Guevara.

Unanimous din daw ang pagkakapanalo ni Del Toro, ayon kay Penn. Nagkasama ang dalawang Oscar winners sa pelikulang 21 Grams.

Ang Brazilian actress na si Sandra Corveloni ang nanalong Best Actress para sa pagganap niya bilang ina ng apat na magkakapatid na lalake sa pelikulang Linha de Passe. Ito ang kauna-unahang role ng aktres sa isang feature film.

Continue reading below ↓

Ang nagwagi namang Best Director ay ang Turkish filmmaker na si Nuri Bilge Ceylan para sa Three Monkeys, na tungkol sa isang ama na umako sa kasalanan ng kanyang employer, kapalit ng financial support para sa kanyang asawa't anak.

Ang two-time winners na sina Jean-Pierre at Luc Dardenne ng Belgium ang nag-uwi ng premyo for screenplay para sa Lorna's Silence, na tungkol sa isang immigrant woman na pumayag magpakasal para makakuha ng Belgian citizenship.

Ang nakakuha naman ng award para sa first-time director ay ang British filmmaker na si Steve McQueen (not the late Hollywood actor) para sa Hunger.

Ginawaran din ng Cannes Jury ng special prizes ang Hollywood actor-director na si Clint Eastwood at ang French actress na si Catherine Deneuve. Parehong may entries sina Eastwood at Deneuve sa Cannes this year; si Eastwood ang nagdirek ng Changeling habang kasama si Deneuve sa dalawang pelikula.

Bagama't nabigyan siya ng special prize, ang pelikula ni Eastwood na Changeling starring Angelina Jolie ay nabigong manalo ng award. Ito na rin ang ika-limang pagkakataon na nakasama ang pelikula ni Eastwood sa competition category ng Cannes, pero hindi pa niya napapanalunan ang top honors.

Continue reading below ↓

Bukod kay Penn, kasama rin sa Cannes jury this year ang aktres na si Natalie Portman at ang direktor na si Alfonso Cuaron.

Read Next
Read More Stories About
Serbis, Brillante Mendoza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Brillante Mendoza's Serbis failed to win an award at the end of the Cannes Film Festival. The movie stars Gina Pareño, Jaclyn Jose, Julio Diaz, Mercedes Cabral, Kristofer King, and Coco Martin (in photo).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results