LJ Reyes bags first international Best Actress award at 13th Pacific Meridian Film Festival

LJ Reyes doesn't regret not being able to personally accept her Best Actress award at the recently-concluded 13th Pacific Meridian International Film Festival: "Walang panghihinayang dun. Yung ma-appreciate ng viewers ang movie namin is already a reward. Pero para ma-recognize pa, icing on the cake na yun."



Itinanghal na Best Actress si LJ Reyes sa 13th Pacific Meridian International Film Festival para sa pagganap niya sa indie film na Anino Sa Likod Ng Buwan.

Ginanap ang 13th Pacific Meridian International Film Festival sa Vladivostok, Russia simula noong September 12 hanggang September 18.

Kagabi, September 18, ginanap ang awarding ceremony at ang Anino Sa Likod Ng Buwan ang itinanghal na "big winner" sa mga kalahok na pelikula.

Bukod kay LJ, nanalo rin bilang Best Director si Jun Robles Lana at nakatanggap pa ito ng dalawang Critic prizes.

Best Director 13th Pacific Meridian Film Festival

Look what I found on youtube, Ferdinand Dizon Lapuz! A clip of our big moment in Russia! :-D Haha for once naunahan kita! :-D video credit to the Public Television of Primorye Vladivostok, Russia.

Posted by Jun Robles Lana on Sunday, September 20, 2015

Bagamat hindi nakadalo si LJ sa naturang festival, personal namang natanggap ni Direk Jun ang kanyang tropeo.


VINDICATED. Ang natanggap na tropeo ni LJ ay ang kauna-unahan niyang international award bilang Best Actress.

Sa pamamagitan ng telepono ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ.

Ayon dito, nalaman daw niyang nanalo siya sa pamamagitan ng ipinadalang text message sa kanya ni Direk Jun Lana.

"I got a text last night from Direk Jun Lana. 'Tapos nun nabasa ko, naiyak na lang ako," natawa niyang sabi.

Noon pa man ay naikukuwento na ni LJ kung gaano naging sobrang challenging sa kanya ang pagkakagawa niya sa Anino sa Likod ng Buwan.

Sabi nga niya, "God knows how hard I worked for that film kaya sobrang sarap ng feeling.

"It is such a good blessing from God. He is so kind to me."


LJ'S REACTION. Nang tanungin namin siya kung ano ang eksaktong naramdaman niya nang malaman niyang nanalo siya sa naturang festival, sinabi nitong, "Medyo hindi ko pa rin ma-express in words exactly until now.

"Sabi mo nga, tuwing nananalo ako, wala ako dun. Kaya hindi na ako a-attend ng awards night," natatawang sabi niya sabay hirit ng, "Joke lang!"

Kahit hindi raw niya personal na natanggap ang Best Actress trophy niya ay wala siyang nararamdamang panghihinayang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay LJ, "Walang panghihinayang dun.

''Yung ma-appreciate ng viewers ang movie namin is already a reward. Pero para ma-recognize pa, icing on the cake na yun."

Kaya ngayon, mas nae-excite na raw siya na maipalabas na nga sa bansa ang Anino Sa Likod Ng Buwan at mapanood din ng mga Pinoy.

"I'm looking forward to that day na ma-appreciate din dito yung film namin," masayang pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN