Sylvia Sanchez ecstatic over her FAMAS win as Best Supporting Actress: "Iba pa rin ang dating niya... movie ito, bihira lang ito sa buhay ko."

by Glenn Regondola
Sep 23, 2015
Sylvia Sanchez relates being in friendly competition with her actor son Arjo Atayde, "Nagbu-bulihan kaming dalawa niyan. Sasabihin niyan, 'Mommy, bago 'yan, meron na ako... mas marami akong awards sa iyo.' Ako rin, bawat award na nakukuha ko... sinasabihan ko siya, 'Waley ka, waley.'"


Tuwang-tuwa si Sylvia Sanchez matapos nitong tanggapin ang Best Supporting Actress para sa pelikulang The Trial sa 63rd FAMAS Awards Night.

Ginanap ito sa Resorts World noong Linggo, September 20.

Kauna-unang acting recognition ito ni Sylvia mula sa award-giving body at pangalawang Best Supporting trophy niya sa pelikula.

Nanalo na ang aktres ng parehong award sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Takbo, Talon, Tili noong 1992.

Para naman sa role niya bilang isang lesbian sa The Trial, ito na ang pangatlong award na kanyang kinopo sa taong ito. Ang una ay mula sa 31st Star Awards for Movies at ang pangalawa ay mula sa Gawad Amerika Awards na kung saan ay tutulak siya sa Amerika sa November para tanggapin ito ng personal.

Pahayag ni Sylvia,"First time ko sa FAMAS, kasi lagi akong sa TV, di ba?

"Hindi naman ako nabibigyan na mabigat na role sa movie, at mabigyan man ako, nanay ako ng bida, o guest lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mabigat na role, ngayon lang dumating, well, dumating na rin noong bata ako pero ngayon, wala.

"Kaya nang ibinigay sa akin ang role na ito, sinabi ko talaga na pagbubutihan ko.

"Hindi man ako manalo, ma-nominate man lang ako, pinag-aralan ko talaga yung role ng isang lesbian.

"Kaya, pinasalamatan ko talaga si Aiza [Seguerra], kasi tinulungan niya talaga ako na buuhin yung character.

"Yun, nadali ko!" halos mapasigaw pang pagmamalaki niya.


DREAM COME TRUE. Nakausap si Sylvia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang awards night.

Ibinahagi niya na ang FAMAS trophy ay isa sa pinangarap niyang matanggap mula noong magsimula bilang isang artista ang Kapamilya actress.

Kaya nang umakyat siya sa stage, ay halatang ninerbiyos siya, at excited.

Aniya, "Alam mo yung utak ko, yung parang blanko ako, kasi fist time na FAMAS.

"Kaya parang sobra akong naging mahinhin sa speech ko, na para akong naiiyak na ewan, kasi nga, FAMAS, e.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Siyempre, lahat [ng artista], gustong magka-FAMAS, magka-Urian, at ngayon lang dumating sa akin.

"Hindi naman darating sa akin ang mga yun, kasi nasa TV ako, e.

"Ngayon lang ako nagka-pelikula na mabigat talaga yung role, at pinagkatiwalaan ako ni Direk Chito [Rono], kaya nadali ko."

Sabi pa ni Ibyang (palayaw ni Sylvia), "Handa akong matalo. Sabi ko nga, manalo man ako o matalo, darating ako, kasi nga FAMAS 'yan.

"Matagal kong hinintay ang FAMAS, iba pa rin ang dating niya.

"At saka, movie ito, bihira lang ito sa buhay ko kasi, kung may darating man sa akin na roles sa movies, hindi naman panlaban.

"Kaya nang dumating sa akin ang lesbian role na ito, pinag-aralan ko talaga, plinano ko.

"Sinabi ko sa sarili ko na, 'A, kukuha ako ng award dito.'"


PROUD FAMILY. Isang malaking inspirasyon siya ngayon sa dalawa niyang anak na mga artista na rin, na sina Arjo Atayde at Ria Atayde.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero si Arjo ay nakailang beses na ring tumanggap ng acting awards sa mga papel nito sa telebisyon.

Natatawang pahayag ng award-winning actress, "Ay, ipapam-bully na naman ako sa anak. Ha-ha-ha!

"Kami kasi ni Arjo, nagbu-bulihan kaming dalawa niyan, e.

"Sasabihin niyan, 'Mommy, bago 'yan, meron na ako. Mommy, mas marami akong awards sa iyo.'

"Yun ganunan kaming mag-nanay, at normal na usapan ito sa amin.

"Sasabihin pa niyan, 'Mommy, three years pa lang ako, pero ikaw, ilang years ka na sa industriyang ito, habulin mo yun.'

"Ako rin, bawat award na nakukuha ko, binu-bully ko siya, sinasabihan ko siya, 'Waley ka, waley.'"

Para naman kay Ria na sa unang sabak nito sa TV, ay nakakitaan na rin ng potensiyal sa ABS-CBN show na Ningning bilang si Titser Hope.

Saad ni Sylvia, "A, si Ria, bago pa lang siya, so gusto ko pang matuto siya bago ko siya isalang nang husto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Basta sabi ko sa kanya, mag-enjoy siya, matuto siya, mag-aral siya nang sarili niya at ayaw ko siyang diktahan.

"Ang lagi ko lang dinidikta sa kanya, 'respeto sa co-actors, sa mga boss, sa mga taga-utility, lagi 'yan.

"'Maging professional, at 'wag mamimili ng tao,' kung ano ang itinuro ko kay Arjo, yun din ang itinuro ko sa kanya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sylvia Sanchez relates being in friendly competition with her actor son Arjo Atayde, "Nagbu-bulihan kaming dalawa niyan. Sasabihin niyan, 'Mommy, bago 'yan, meron na ako... mas marami akong awards sa iyo.' Ako rin, bawat award na nakukuha ko... sinasabihan ko siya, 'Waley ka, waley.'"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results