Will Claudine Barretto make TV comeback on ABS-CBN?

Claudine Barretto on making a TV comeback on ABS-CBN: "Usually po kasi, kapag may mga ganyang plano, medyo inaantay mo talaga kapag malapit na mag-taping. Minsan, hindi natutuloy, nasi-shelve. So, ang focus ko ngayon is doing a movie after this."



“Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakabalik na rin ako. Parang ang tagal-tagal ko kasi na simple lang ang buhay. Mother lang ako ng anak ko. Pero, yung ngayon, talagang haping-hapi ako dahil nakabalik na ako.”

Ito ang pahayag ni Claudine Barretto tungkol sa pagbabalik showbiz niya via Star Cinema’s Etiquette for Mistresses, kung saan ginagampanan niya ang role na isa sa limang kabit na babae.

Matagal nang hindi napanood si Claudine lalo na sa pelikula at inamin nitong na-miss niya umarte at maging isang Kapamilya.

Kaya masaya raw siya sa pagbabalik niya.

“Sobrang happy, sobrang overwhelmed and excited. Yung last ko is In Your Eyes. That was 2011. So, ang tagal, ang tagal.

“At saka, napakaganda ng project na ito para makapasok ako after how many years,” saad ni Claudine sa grand presscon ng Etiquette for Mistresses sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN.


MISTRESS ROLE. Malayo ang role ngayon ni Claudine sa mga nakaraan niyang karakter sa pelikula.

Pero enjoy daw siya dito.

“Actually, parang dalawang pelikula lang po ang nagawa ko na medyo out-of-the-box ako. Medyo parang naughty, pero ito yung talagang eskandalosa, grabeng magdamit.

“Kapag pumasok si Chloe [karakter ni Claudine sa Etiquette for Mistresses], mapi-feel mo yung presence niya.

“Na-enjoy ko siyang talaga kasi in real-life, mahiyain talaga ko. Hindi mo makikita yung ganyan ganyan.”

Natatawa siyang bumaling kay Direk Chito Rono at nagtanong, “’Di ba, Direk?

Dagdag ni Claudine, “At saka si Chloe, yung role niya, mahilig tumawa, parang ngayon ko lang nagawa yun. Parang ito na ang pinaka-extreme na role na nagawa ko na challenge talaga.”



WITHHOLDING JUDGMENT. Sa totoong buhay, dumating ba siya sa puntong kaya niyang tanggapin ang label na “kabit” para sa lalaking mahal niya?

Sabi ni Claudine, “Alam niyo po, this really exists. Marami po tayong mga kakilala na piniling tahaking buhay ay yung ganung buhay. Hindi dahil sa pera lang, iba-iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kagaya sa mga babae rito kung bakit sila nagmamahal kahit na may nagma-may-ari nang iba [sa puso ng lalaki].

“Ako po, hindi ko masasabi. Mahirap, e.

“Mahirap mag-judge ng tao. Alam naman po natin kung ano yung tama. Hindi naman po namin ginu-glorify, pero hindi rin namin sila kinu-condemn o dyina-judge.

“I think dapat, ganun na lang ang paningin ng lahat para wala na lang tayong nasasaktan na tao. Kasi, mahirap talaga, gaya nga sa sinabi sa trailer, it’s really hard to teach the heart to obey kung kaya ba natin.”

Dugtong ni Claudine, “I think, ito yung kung kaya ba natin na may tinatapakan o kaya ba nating magbigay?”


WORKING WITH ABS-CBN AGAIN. Posible kayang mag-trabaho na rin siya sa ABS-CBN?

“Yes, actually, working with Star Cinema is working in ABS,” sagot ni Claudine.

Yung TV show talaga?

“Yes, yes po,” lahad niya.

Pero, hindi pa raw masasabi ni Claudine kung ano ang mga naka-line-up sa kanya.

“Usually po kasi, kapag may mga ganyang plano, medyo inaantay mo talaga kapag malapit na mag-taping. Minsan, hindi natutuloy, nasi-shelve. So, ang focus ko ngayon is doing a movie after this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN