Ronnie Liang bares it all in Esoterika Maynila; replaces Hayden Kho Jr. in this Elwood Perez movie

Ronnie Liang (left) on nudity in filmmaking: "Natutunan ko sa isang acting workshop, kahit na anong role, kasama ang nudity, nandoon dapat ang concentration mo. Kaya natanggal lahat ng inhibitions ko... Tuwing sasabihin sa akin na kailangan kong maghubad, tanggal lahat at walang tanong-tanong pa.” He stars in Esoterika: Maynila, which is directed by Elwood Perez (right). It is being screened at Shangri-La Mall EDSA until September 29, 2015.



Hindi nagdalawang-isip ang singer-turned-actor na si Ronnie Liang nang sabihin sa kanya na kailangan niyang magpakita ng hubad na katawan sa pelikula ni Elwood Perez na Esoterika: Maynila.

Ayon pa sa 22-year-old singer-actor, kung magpapakita raw siya ng katawan, maganda na yung siya na ang bida ng pelikula.

“Noong sabihin po sa akin ni Direk Elwood na very bold and daring ang role ko sa movie, tinanong niya kung ready ba ako?

“Nasabi ko naman before na kung maghuhubad din lang ako sa pelikula, kailangan ako na po ang bida.

“Noong mabasa ko ang script, iba siya... yung character ko as Mario/Galogo, nag-iiba siya habang pinapanood mo ang movie.

“Mula sa isang inosenteng probinsyano hanggang sa mamulat ang mga mata niya sa kakaibang mundo na nakita niya sa Manila.

“Very complex ang role at nagpapasalamat ako na ako ang napili ni Direk Elwood,” pahayag pa ni Ronnie nang makapanayam namin siya noong nakaraang September 22 sa Limbaga 77 sa Quezon City.

Produced by the Film Development Council of the Philippines and T-Rex Productions, ang Esoterika: Maynila ay tungkol sa “voyage of self-discovery ng isang graphic novelist.”

Nakatanggap ito ng glowing reviews mula sa maraming film critics here and abroad matapos ang gala screening nito sa 11th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival noong 2014.

Nag-world premiere rin ito sa 39th Hong Kong International Film Festival last March 2015. Ngayong October, ito ang opening film ng 22nd Filipino Arts and Cinema International Film Festival (FACINE) sa San Francisco, California.

Sa 63rd FAMAS Awards, natanggap ng pelikula ang Film Critics’ Choice Award.

May limited screening ang Esoterika: Maynila sa Shang Cineplex at Shangri-La Mall EDSA hanggang Tuesday, September 29.



Ronnie Liang holds up the award from FAMAS



SECOND CHOICE. Hindi si Ronnie ang first choice ni Direk Elwood para sa movie kundi ang kontrobersyal na si Hayden Kho Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong hindi raw tinanggap ni Hayden ang movie, pinahanap ni Direk Elwood si Ronnie pagkatapos nitong makita ang tarpaulin billboard nito along EDSA.

“Nakita ni Direk Elwood yung billboard ko for Aficionado.

“Hindi raw natanggal sa isipan niya ang mukha ko, tamang-tama lang daw sa role.

“When we met in person, nagulat siya kasi mas mukha raw akong bata at ang tangkad ko raw pala.

“‘Tapos mukha pa raw akong K-Pop kaya ini-offer niya agad ang movie.

“Minsan lang dumating ang ganitong opportunity sa career ko kaya tinanggap ko siya.”

Ang kinakatuwa pa ni Ronnie sa paggawa ng pelikula ay nakatrabaho niya ang mga batikang mga artista sa pelikula at entablado.

“Ako lang po ang masasabing walang experience pa na artista sa movie.

“Pero yun daw ang gusto ni Direk Elwood, yung bago, fresh at walang masyadong exposure sa big screen.

“Nakakatuwang makatrabaho ko sina Ms. Boots Anson-Roa, Ms. Snooky Serna, Carlos Celdran, Vince Tanada, Cecile Guidote-Alvarez, at Lance Raymundo."

Nakasama rin dito ang kilalang photographer na si Wig Tysmans, ang popular na columnist na si Jessica Zafra, at ang socialite na si Tessa Prieto-Valdez.

Sabi pa ni Ronnie, “Alam ko pong mas marami silang alam sa akin when it comes to doing movies.

“Natuto akong mag-observe at makinig sa mga ginagawa nila.”


ALL THE WAY. Gaano ka-bold si Ronnie sa movie?

“All the way, kung ano ang naiisip ninyong all the way na paghububad, gano’n po iyon!” sabay tawa niya.

“Pinagbawal ni Direk Elwood ang may plaster... ako naman, ready na ako sa first scene pa lang.

“Noong sinabi sa akin na maghubad na ako, mabilis akong naghubad talaga, wala ni isang saplot.

“Natutunan ko sa isang acting workshop, kahit na anong role, kasama ang nudity, nandoon dapat ang concentration mo.

“Kailangang wala kang hiya dahil acting ito, e, ipinapakita mo ang character mo at hindi ang katawan mo lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya natanggal lahat ng inhibitions ko when I did this movie.

“Tuwing sasabihin sa akin na kailangan kong maghubad, tanggal lahat at walang tanong-tanong pa.”

Natuto nga raw i-control ni Ronnie ang sarili kapag may naramdaman siya sa sex scenes.

“Okay naman po, under control naman siya!” tawa pa niya.

“May time na may nararamdaman ka… pero kapag may tamang concentration ka, mako-control mo naman, e.

“‘Saka nakakahiya rin dahil may mga tao kahit na closed set siya.

“May at least five to six people pa rin na nasa paligid namin.

“Lalake lang naman ako para may maramdaman na gano’n, but I want to be professional about it.

“Ayokong sabihin ng partner ko na may malisya ako, e, trabaho lang naman lahat ito.”

Naghanda raw nang husto si Ronnie para sa kanyang mga maseselang eksena sa pelikula.

Physically ay kailangang maganda ang katawan niya dahil maraming eksena sa pelikula na nakahubad siya.

“Yung character ko po kasi, makaka-experience siya ng iba’t ibang bagay na may kinalaman sa sex.

“Magkakaroon siya ng sexual experience with women at sa isang transgender.

“Before mag-shoot, nag-diet na po ako, hindi ako nag-carbs at puro protein lang ang kinakain ko.

“Gusto ni Direk Elwood na lean at hindi masyadong maskulado ang katawan ko.

“Kaya noong mag-start na kami, nasa kondisyon na ako.

“Hindi na ako nahihiyang ipakita ang katawan ko kahit na nakahubad ako,” diin niya.

Hindi naman daw maapektuhan ng pagiging bold and daring ni Ronnie ang kanyang ibang trabaho sa showbiz.

Kasama si Ronnie sa musical na Bituing Walang Ningning at nagkaroon ng re-packaging ang album niyang Songs Of Love under Universal Records.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN