Gabby Eigenmann on Best Supporting Actor win at FAMAS: "Muntik na akong maiyak kasi nomination for me is winner ka na."

Gabby Eigenmann remembers late dad: "Lahat naman ng parangal na ibinibigay sa akin I always dedicate it to my dad [the late actor Mark Gil]."



Itinuturing na blessing ni Gabby Eigenmann ang pagwagi niya bilang Best Supporting Actor sa 63rd FAMAS Awards noong linggo, September 20 sa Performing Arts Theater ng Resorts World.

Nanalo si Gabby para sa pelikulang Asintado.

Ito ang kauna-unahan niyang acting award sa pelikula.

Pigil raw ang emosyon ni Gabby nang marinig ang pangalan at habang sinasabi niya ang kanyang acceptance speech.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby backstage pagkatapos ng awards rites.

“I just want to say the right words kasi. In reality ang dami kong gustong pasalamatan.

“Muntik na akong maiyak kasi..nomination for me is winner ka na, e. Pag nanalo ka na talaga, icing on the cake na ‘yun.

“And lahat naman ng parangal na ibinibigay sa akin I always dedicate it to my dad [the late actor Mark Gil].

“Because growing up in this industry, siyempre may mga frustrations, may expectations.

“But as years go by, I make it a point to learn.

“Kumbaga, nag-mature naman ako, naging patient ako. Yun ang pinaka-importante.”


OPENING DOORS. Gaano ka-espesyal kay Gabby ang award na ito?

“It’s different. It opens doors. I hardly do movies kasi.

“That’s why I’m very thankful kaya binanggit ko si direk Louie [Ignacio of Asintado] kasi siya yung parang nagbigay sa akin ng opportunity to do a movie.

“Tapos first Cinemalaya movie ko pa.

“Tapos hindi naman ako bida. But I was playing the bad guy, the kontrabida.

“Natutuwa ako. Pag ganyan naman talaga hindi ako nag-i-expect.

“Siyempre, deep inside your heart gusto mong manalo ka, gusto mong ma-recognize ka.

“Bago lang ako sa larangan na ito, lalo na pagdating sa pelikula. Yun ang sabi ko, I hardly do movies, e.

“At ngayon, nabigyan ako ng opportunity na gumawa tapos napansin.

“Tapos FAMAS pa.”


NO NEED TO BOAST. May konti bang yabang dahil mahuhusay din ang co-nominees niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Gabby, “Wala namang yabang. Ayokong isipin na may yabang factor. I would always keep in mind na everyone did their best naman.

“Hindi ko inaalam kung sino ang nagdya-judge nyan. Bahala na. I just leave it to them.

“Siyempre, I’m sure everyone naman can keep to themselves na 'Ako ginawa ko lahat, ginawa ko ito.'

“Kumbaga, pangsarili na lang yun.”

Bakit ang huhusay umarte ng mga Eigenmanns?

Napangiti si Gabby.

“Hindi ko alam, e. I can speak in behalf of them na it’s a God-given talent.

“We’re given good genes kumbaga.”

Inamin ni Gabby na nag-i-effort rin silang magkakamag-anak na mapagbuti ang trabaho nila para hindi mapulaan at makumpara sa mga mas nakatatandang mga Eigenmanns, lalo sa yumao nitong ama na isang award-winning actor.

“Siyempre, hindi naman mawawala yun. At the end of the day, you don’t perform because you want to be recognized.

“You perform because it’s your passion. You have to be passionate in what you’re doing lalo na sa generation namin.

“Yung pressure namin na dapat kasing galing namin yung mga magulang namin or lolo at lola namin, given na yun.

“Pero yung hindi dapat mawala yung passion na yun na you have to do the best that you can, hindi dahil gusto mong manalo.

“Ginagawa mo lang talaga dahil ito ang nasa puso mo, at gustung-gusto mong gawin.”

Hindi na raw iniisip ni Gabby na lumamang pa sa iba pagdating sa acting.

“Wala na. I’m not getting any younger. I only compete with myself.

“I always have to kumbaga, look at myself in the mirror and say,’Kaya ko pa ba?’

“Ang dami kasing nagsasabi na when you do mainstream, ang daming money. When you do indie, less money.

“It’s not about that. It’s about the passion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful ako at mas nakikilala ako sa telebisyon.

“Natutuwa naman ako dahil the doors are opening unti-unti for me to do movies at natutuwa ako na kinu-kunsider nila ako.

“That is why I give praise and thanks sa producer namin, kay Direk Louie, kasi sila yung nagtiwala for me to play the role.”


ON JAKE EJERCITO. Samantala, tikom ang bibig ni Gabby tungkol sa DNA test sa pamangkin niyang si Ellie, anak ni Andi Eigenmann na half sister ng aktor.

Wala siyang alam tungkol sa isyu, at nakiusap na huwag nang pag-usapan ito dahil masaya na si Andi at proud siya sa pagiging mabuti niyang ina.

Ano ang komento ni Gabby sa pahayag ni Andi sa isang interview na hindi na ayaw na niyang makipagbalikan sa ex niyang si Jake Ejercito?

“We take it day by day. Kung anuman ang ano niya, never say never.

“Alam mo naman ang ihip ng hangin. I’m not saying na umaasa pa rin ako na maging sila.

“It’s just that at least they remain friends and Jake has been good to the family. We’ve been good to him.

“Wala namang problema sa amin.”

Hindi itinatanggi ni Gabby na pabor siya kay Jake para kay Andi.

“Yeah. But we cannot decide whoever my sister wants to fall in love with or kung sino ang lalaki para sa kanya. Kami nakikita lang namin ang mga magaganda at kabutihang ipinapakita niya [Jake] sa amin.

“I have nothing more to say kundi thank you. Yun lang.”

Inamin ni Gabby na lumalabas pa rin sila ni Jake.

Ayon kay Gabby, buo pa rin ang friendship sa pagitan ng mga Eigenmann at ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN