Jaclyn Jose fulfills dream of being part of Felix Manalo biopic

In Felix Manalo, Jaclyn Jose is cast as Tiya Victorina, aunt of the founder of Iglesia ni Cristo.



Inamin ni Jaclyn Jose na sa mula’t mula pa, nais na niyang maging bahagi ng Felix Manalo, ang pelikula tungkol sa buhay ng founder ng relihiyong Iglesia Ni Cristo (INC).

Kaya ipinagmamalaki ni Jaclyn na bilang miyembro ng INC, natupad ang pangarap niyang makasali sa pelikula, kung saan siya ang gumaganap bilang Tiya Victorina, tiyahin ni Ka Felix.

Matagal na sa INC si Jaclyn.

“Matagal na, 1986, natiwalag na, bumalik-loob.”

Pinaliwanag ng aktres na tumiwalag siya sa Iglesia noong nagkaroon siya ng relasyon sa yumaong aktor na si Mark Gil, ama ni Andi.

Pero ayon kay Jaclyn, “Hindi ka talaga magkakaroon ng peace of mind, e.”

Hindi daw niya pipilitin ang dalawang anak na yakapin ang Iglesia bilang relihiyon.

“Yung dalawa, free-spirit. I guide them with my spiritual belief, but I want them to—siyempre, kaluluwa mo ‘yan.”

Nasasama raw dati ni Jaclyn si Andi at ang kapatid nito sa pagsamba.

“Noong malilit pa sila, isinasama ko, noong kaya ko pa. Yung bunso ko, naisasama ko rin naman, nakikinig. Okay lang naman,” kuwento ni Jaclyn.

Nagulat kami sa aktres dahil hinahayaan niya ang mga anak magdesisyon pagdating sa usaping relihiyon.

Karaniwan kasi sa mga miyembro ng Iglesia ni Kristo ay naniniwalang dapat kasapi ang buong pamilya sa nasabing relihiyon.

“Kasi, puro kami artista, mahirap mag-dictate,” paliwanag ni Jaclyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN