Krista Ranillo, Jay Manalo, and Allen Dizon topbill "Paupahan"


(From left) Jay Manalo, Krista Ranillo, and Allen Dizon topbill the sexy flick Paupahan. This indie film will have its premiere night at SM Megamall on June 22 while its regular run is slated to begin on July 2.



Nang kasagsagan ng mga sexy films, kung ilang beses daw inalok ni Mother Lily Monteverde ng Regal Films at Vincent del Rosario ng Viva Films na magpa-sexy si Krista Ranillo.

"Also before college, I was being offered to pose for a men's magazine but I felt like hindi ko pa kaya. So I asked for a sign that if I get accepted into Ateneo de Manila, I'll pursue my studies first," kuwento ni Krista sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Nagtapos si Krista ng Interdisciplinary Studies with tracks in Communications and Psychology at consistent siya bilang Dean's Lister. Now she's back and giving acting another try and surprisingly, it was ATD Entertainment's first venture into movies that she accepted—the bold film Paupahan.

"When Paupahan was offered, I got scared a bit because it was daring. But I saw that it was an acting piece, maganda ang script and impressive ang all-star cast. Kumbaga, being daring was part of the role. It was a good comeback project. Depende naman sa script and character yung pagiging daring," paliwanag ng anak na dalaga ng aktor na si Mat Ranillo III.

Isang trying hard na bit player sa pelikula ang papel ni Krista sa Paupahan. Para makakuha siya ng raket ay pinapatulan niya kahit mga lower production staff kagaya ng legman at caretaker ng catering, being played respectively as cameo performances by Justin de Leon and Mon Confiado.

In one scene, topless at nagtanggal si Krista ng panty. May sexy scene din sila ni Allen Dizon playing a hunk-bugaw.

"Si Daddy [Mat], hindi niya nabasa yung script. Hindi niya pa rin napapanood ang movie, but I'm confident naman na magugustuhan niya ito. Pero siguro sa una mabibigla siya kasi hindi siya sanay na ganoon yung role ko and yung dialogues. But I know he will be supportive pa rin," pahayag ni Krista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

From the pictorial of the movie pa lang, takaw-pansin na ang pagiging daring ni Krista. Nag-pictorial na rin si Krista sa FHM magazine kung saan cover girl of the month siya in connection with the promotion of the movie.

Already, pinuri na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) members ang Paupahan kaya nabigyan ito ng R-13 rating without cuts. Sa parte naman ng Cinema Evaluation Board, the movie was awarded a grade of "B."

Kasama ni Krista sa Paupahan ang mga award-winning actors and actresses headed by Ms. Gloria Romero, Snooky Serna, Jay Manalo, Angelu de Leon, and Allen; with Joseph Bitangcol, Kirby de Jesus, and German Moreno. May special participation din sina Richard Quan, Dexter Doria, Michelle Estevez, Lou Veloso, Benjie Felipe, Lito "Shalala" Reyes.

Paupahan is written by Dennis Evangelista, cinematography by Romy Vitug, and direction by Joven Tan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN