Direk Jun Lana hopes Anino Sa Likod Ng Buwan will bring awareness about militarization in Mindanao

by Arniel C. Serato
Sep 26, 2015
Masaya si Direk Jun Lana sa nakamit na karangalan ng kanyang pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan sa nakaraang 13th Pacific Meridian Film Festival sa Vladivostok, Russia, kung saan nagwagi itong Best Director. Ang bida naman nitong si LJ Reyes ang nagwaging Best Actress.



Nasa cloud nine pa rin ang pakiramdam ni Jun Lana matapos niyang magwagi bilang Best Director sa nakaraang 13th Pacific Meridian Film Festival sa Vladivostok, Russia.


Umabot sa 300 entries ang isinumite sa naturang film festival at sampu lamang ang napasok sa shorlist kabilang na ang pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan na kanyang isinulat ai dinirek.

Pinagbibidahan ito ni LJ Reyes na nagwagi din bilang Best Actress.

Read: LJ Reyes bags her first international Best Actress award; says 10-minute sex scene was worth it

Bago ang konseptong ginamit ni Direk Jun sa pelikula, ang one-shot film technique. Sa paraang ito, kinunan ang buong pelikula sa iisang lugar at walang cut na ginagawa sa bawat eksena.

Isa din sa kontrobersiyal na eksena ay ang sampung minutong pakikipagtalik ni LJ kay Luis Alandy na isa sa leading men nito.

Ani Direk Jun, “Hindi siya puwedeng dayain kasi one-shot film siya, e. Hindi ako magka-cut, sinusundan ko lang ang camera.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng media si Direk Jun sa pocket presscon nito last September 23 sa Pamana Restaurant, sa Quezon City.


THE 10-MINUTE LOVE SCENE. Very graphic daw ang eksenang pakikipagtalik ni LJ sa isang sundalo, na hango sa mga survivors during the anti-insurgency campaign ng gobyerno noong 1990s sa Marag Valley, Southern Philippines.

Saad ni Direk Jun, “Three months kaming nag-rehearse, e. And then five days lang yung araw ng shooting.

“Nung unang araw, kinakabahan si LJ. So ginawan ko siya ng letter, kunyari letter nung tatay nung character. Aba, nag-transform. Ang galing niya.”

Maselan ang naturang love scene dahil hindi lang daw nagpakita ng dibdib ang StarStruck alumna kundi nilamas-lamas pa daw ng karakter ni Luis ang mga ito.

Dagdag pa ni Direk Jun, “Meron pa siyang eksenang naliligo siya ng hubad. Nagpakita siya ng puwet.”

Kaya daw nakitaan niya ng pagiging natural si LJ bilang aktres dahil wala itong kiyeme sa mga eksenang nakunan.


MTRCB RATING. Excited na rin si Direk Jun na maipalabas na sa Pilipinas ang pelikula during the Quezon City International Film Festival this October.

Dito daw muna ito unang ilabas bago sa mga sinehan para maipakita ng buo ang lahat ng maseselang eksena.

Ano ba ang gusto niyang makuhang rating mula sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB)?

Sagot niya, “I don’t mind R-18. Sana ma-appreciate na necessary yung love scene dun sa film.

“We’ll see.”

Ano ang inaasahan niya kapag maipalabas na ito sa mga sinehan?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kuwento ni Direk Jun, “Ang hope ko lang, to be very honest, kasi this is an indie film.

"I know the very kind of audience that we have, such a limited market, it’s a niche market, we can’t expect na panoorin siya ng dagsa-dagsang tao.

“Ang hope ko lang is to be able to show it to the students, dito sa festival sana panoorin siya ng festival audiences and start a dialogue about armed conflict.

“That’s really the reason why I did this film.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya si Direk Jun Lana sa nakamit na karangalan ng kanyang pelikulang Anino Sa Likod Ng Buwan sa nakaraang 13th Pacific Meridian Film Festival sa Vladivostok, Russia, kung saan nagwagi itong Best Director. Ang bida naman nitong si LJ Reyes ang nagwaging Best Actress.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results