Felix Manalo will have advance ticket selling in cinemas

Felix Manalo will have its premiere on October 4 at Philippine Arena.


Sa October 7 ang playdate sa mga sinehan ng pelikulang Felix Manalo, pero nagkasundo ang Viva Films at ang cinema partners nito na magkaroon ng advance ticket selling simula sa Lunes, September 28, para maiwasan ang mahabang pila sa mga sinehan.

Ang Felix Manalo ang biographical historical drama tungkol sa buhay ng first executive minister ng Iglesia Ni Cristo at mapapanood ito sa mahigit na 300 theaters nationwide.

Nagdesisyon ang Viva Films at ang theater owners na mag-alok ng advance ticket selling dahil sa mga request na natatanggap nila, kabilang ang mga kahilingan na magbukas ng 8 A.M. ang mga sinehan sa opening day ng Felix Manalo.

Kinumpirma ni Viva Films producer Vincent del Rosario na ubos na ang tickets para sa premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena sa October 4.

Dadaluhan ito ng Guinness Records officials mula sa United Kingdom dahil susubukan ng kanilang kumpanya na makuha ng pelikula ang Guinness world record ng largest attendance at a film screening.

Dalawang oras at limampu’t anim na minuto ang running time ng Felix Manalo na pitong oras ang haba ng unedited material.

Ayon kay Viva Films senior vice president at executive assistant to the CEO for Broadcast & Films June Rufino, maganda ang kuwento, magaling ang direksiyon ng multi-awarded director na si Joel Lamangan sa Felix Manalo at mahuhusay ang mga artista, lalo na si Dennis Trillo, kaya hindi mapapansin ng moviegoers na halos tatlong oras ang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN