It's a sold-out "Caregiver" premiere in Glendale, California


The historic Alex Theater in Glendale, California, hosted the U.S. premiere of Sharon Cuneta's Caregiver.



June 5, reporter Nora Calderon forwarded to PEP (Philippine Entertainment Portal) the email of Mar-g F. Ocampo, one of Sharon Cuneta's personal friends. May mga photos at reports ng Caregiver premiere noong May 31, 3:00 pm and 8:00 pm, at the Alex Theater in Glendale, California.

Sabi ni Mar-g, nangako raw kasi sila ni SK (Shirley Kuan, another friend of Sharon and one of KC Concepcion's managers) sa PEP na bibigyan ng photos of the Caregiver premiere in California. Ipinagpaalam naman daw nila from Shawie's fans, ang Sharonians Online Worldwide, kung puwedeng gamitin ang photos at report. Pumayag naman ang Sharonians kaya click here na lang for the photos. The photos are lifted from the multiply account sharonians.multiply.com.

Ayon sa naka-attach na report ng Sharonians Online Worldwide blogger, punung-puno ang Alex Theater ng fans ni Sharon. Hours before the screening, marami na ang nakapila sa labas ng theater. As in, 11:30 a.m. pa lang, mahaba na ang pila for the 3:00 pm screening. Bandang 2:30 p.m. na nagpapasok ng mga sabik na fans ang theater security.

Kuwento pa ng blogger (published as is), "React na React ang tao sa mga eksena, sabay sabi, ‘tama, tama yan' o kaya ‘hay naku.' Iyak kami nang iyak, halos lahat umiyak, natawa, basta kung ano ang emotion na in-expect siguro from the viewers, they got it."

When the movie ended and the lights turned on, marami na raw naghihintay na fans ni Sharon ang nasa harap ng stage ng theater with their digital cameras. Ilang sandali pa, lumabas na si Sharon at napuno raw ng hiyawan ang buong sinehan. Halos hindi raw maintindihan ni Sharon ang mga sinasabi ng mga tao dahil sabay-sabay sa pagsasalita.

"Ano? Ano? Ang cute-cute niyo. Pero wala akong naiintindihan sa sinabi niyo. Kasi sabay-sabay po kayong nagsasalita," sabi raw ni Sharon sa mga naghihiyawan na fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bandang 5:30 p.m. na natapos ang first screening (kasama na ang pagsasalita ni Sharon onstage) at sa labas daw ng theater, nakakagulat na nakapila na agad ang mga manonood for the 8:00 p.m. screening.

Nakakuwentuhan din ng blogger ang isang babaeng American staff (o head ng staff) ng Alex Theater. Anito sa nag-report, ngayon lang daw siya nakakita ng ganitong karaming tao na napaka-aggressive na makapasok sa sinehan, at ngayon lang daw siya nakakita ng napakaraming tao na may hawak na camera sa isang premiere. Nang malaman daw nito mula sa nag-report na 30 years nang artista si Sharon pero hanggang ngayon ay sikat pa rin, nasabi raw nito na, "She must be beloved."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN