Ogie Alcasid narrates the musical making of "Urduja"


"Nung makita namin finally sa telebisyon na ini-air na, pareho kaming naiiyak kasi ang galing," Ogie Alcasid said of the TV trailer for Urduja, which he saw with girlfriend Regine Velasquez, who dubbed her voice for the film's heroine.



Isa si Ogie Alcasid sa maituturing na kaibigan ng yumaong action star na si Rudy Fernandez. Kaya sa presscon kagabi, June 7, ng animated movie na Urduja ng ATP Productions at ng Regal Films ay kinunan ng mga pahayag si Ogie tungkol kay Daboy.

Nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Rudy noong gumawa sila ng pelikula, kasama si Gelli de Belen.

"Well, wala ka naman din masasabi except that our prayers are with them with the whole family. This is a very, very difficult time for all of them, for Lorna [Tolentino], for Mark [Anthony Fernandez], and the two boys [Ralph and Renz]. Ano pa ba ang magagawa mo, ‘di ba? But just to pray for them," simula ni Ogie.

REMEMBERING DABOY. Ano ang isang mahalagang bagay na naaalala niya kay Daboy?

"Alam mo si Daboy, kasi ano siya, lahat importante sa kanya. Lahat ng mga tao. I'm sure alam ninyo yun, e.

Siyempre ako, when I started working with a major action star, parang hindi niya ako itinuring na iba. In fact, naging kaibigan ko siya, naging barkada ko pa siya for a while and mas komedyante pa siya kesa sa amin. So, I will always cherish those times na kasama siya."

Meron ba siyang natatandaang masayang ginawa ni Daboy na nakamarka sa isipan niya?

"Well, one time nagkasama kami sa Makati. Niloloko-loko niya kami ni Regine. Wala lang, tinututuksu-tukso lang kami. ‘Tapos after a while, yun, we started, nag-bonding kami. Kaya siya nagustuhan din ni Regine, e. Kasi hindi naman talaga niya kilala si Daboy. Sabi niya, ‘Ibang kalse ang taong ‘to, ‘no?' Tawang-tawa siya kay Daboy."

Alam ba niya na nakipag-inuman si Regine kay Daboy noong nabubuhay pa ang action star?

"Well, oo, pero hindi naman yung nagpakalango," mabilis na depensa ni Ogie kay Regine.

"Yung ano lang, casual ano. But yeah, it's true. Sa Bubble Gang Toppings yun. Doon kami nagsama-sama lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
DOING URDUJA. Malaking karangalan naman para kay Ogie na mapasama sa first digital full-length animation movie in the history of Filipino filmmaking, ang Urduja. Si Ogie ang gumawa ng theme song ng Urduja, "Babae Ako,"na kinanta ni Regine, na siya ring nagbigay-tinig sa heroine ng pelikula.

"Ah, nung binigay sa akin ang original lyrics, siguro mahigit isang buwan [ginawa yung mga kanta]. Pero yung isang song, natapos ko agad ng mga ilang araw.

"I did ‘Babae Ako,' yung duet nila ni Cesar [Montano] and the rest...teka, tumatanda na ‘ata ako. Hindi ko maalala. Basta, I think four songs lahat yung ginawa ko."

Pinagsama-sama na raw lahat ng magagaling na artista sa Urduja, pati na ang mga bihasa sa paggawa sa technical aspects ng pelikula.

"Well, yes, pero si Joey de Leon talaga, ang galing niya gumawa ng lyrics. Hindi na ako nahirapan masyado. Nahirapan lang ako sa isang kanta dahil yung isang duweto nila, ah, ang haba-haba. Until inedit-edit namin and until we came up with the song.

"Parang part na rin talaga kami nung main cast, e. We've always...noon pa lang, big secret ito nung araw, e. Gusto naming ipagyabang pero hindi puwede kasi yun nga, malaking top secret ni Mr. [Tony] Tuviera ito.

"Pero ngayon siguro tinatago lang namin ang excitement namin but we've been waiting for this moment, for this movie to be shown. So, we're very, very happy for him. He's a very soft-spoken man. Not very...actually, kenkoy din 'yan, e. ‘Pag kayu-kayo lang. But we love him dearly. So, we‘re very, very excited."

Bakit hindi na lang siya ang nag-boses sa leading man ng Urduja na si Limhang na nilapatan naman ng tinig ni Cesar?

"Ay, e, hindi naman bagay sa akin. Si Cesar talaga. Actually, I was very, very happy with Cesar's voice. Cesar is a very good actor. Kumakanta rin siya. Yung pagkanta niya, basta kapag narinig mo, iba yung ‘pag aktor ang kumanta, e. Bagay talaga sa kanya."

Gaano siya na-impress sa Uruduja?

"Hindi ko pa nakikita ang kabuuan. As far as I've seen, I'm very impressed already. Pero sabi nila yung detalye raw talagang malinis, napakalinis."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May soundtrack din ang Urduja mula sa Indie Music recording company nina Ogie at Regine.

"Yes, it will be out kung hindi Tuesday, Thursday. Medyo na-delay kami dahil, alam mo na, mahabang proseso ‘yan, e. Sponsors, ganito, ganyan and tapos, ah, proud kami dahil sa mga boss namin, si Ma'am Wilma [Galvante] is playing flute in one of the songs. Kasama ng wife ni Mr. T, yung babae meron silang flute version. Isa kaming pamilya dito. Lahat kami tulung-tulong."

Close daw kay Regine ang character ni Urduja dahil sa father-daughter relationship nila ng ama niyang si Mang Gerry. Close din ba ang istorya ng Urduja sa istorya nilang dalawa ni Regine dahil ipinaglaban ang pag-ibig nila?

"Siguro, hindi ko alam, Ha-ha-ha!

"But she's been very excited about it. Nung makita namin finally sa telebisyon na ini-air na [ang trailer], pareho kaming naiiyak kasi ang galing. Actually, kinikilabutan ako. Yeah, ah, sana, tangkilikin," dasal ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN