Liza Soberano open to working with other partners aside from Enrique Gil

Liza Soberano on being paired with other leading men aside from Enrique Gil (right): “Siyempre as an actor you have to be open on that kind of thing. Di puwedeng naka-stick to one ka lang."



Ang Everyday I Love You ay ang ikalawang movie project nina Liza Soberano at Enrique Gil pagkatapos nilang gawin ang blockbuster movie nila na Just The Way You Are.

Ibang Liza raw ang mapapanood sa Everyday I Love You.

Aniya, “This movie will teach you how to love, not just today, but every day.

"And to love like there’s no other day.

"It's about this girl who just has to choose the person she loves and her dreams and what she wants to pursue in life.

“I play the character of Audrey Lacson. Taga-Bacolod ako. Lumaki ako with my mom and mga lola and Tristan, played by Gerald Anderson.

“Siya ang love of Audrey’s life pero medyo maguguluhan si Audrey nang dumating na si Ethan [played by Enrique], a guy na taga-Manila. He’s in a kind of career path na gustong i-pursue ni Audrey.

“Twenty one years old na si Audrey dito. Nakatapos na ng college saka may boyfriend na. Medyo mahirap kasi coming from Just The Way You Are. Bagets. Okay lang kahit ano, I act the way I am.

“Dito sa Everyday I Love You, I always have to think. Di naman nababawasan yung kakulitan ni Audrey but in decision making, you have to know how old she is, she’s 21.”


WORKING WITH GERALD ANDERSON. Madaling nakasundo ni Liza si Gerald.

“Nung una, parang naninibago ako kasi di ako sanay na ako yung may dalawang partner dito. Masayang kasama si Gerald, sobrang kulit niya.

“Marami na kaming na-shoot na kaming dalawa lang so mas nakikilala na namin ang isa’t-isa.

“Marami na siyang naituturo sa aking tips on acting and also tips on career, business mga ganun. We talked about things we both enjoy like mga hobbies niya.”

Karamihan sa mga love teams sa ABS-CBN ay sinusubukang ipareha sa iba nilang mga artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas sa ganitong konsepto si Liza, kahit tutol dito si Enrique.

Ani Liza, “Siyempre as an actor you have to be open on that kind of thing. Di puwedeng naka-stick to one ka lang.

"That’s why you’re acting, you’re supposed to be versatile when it comes to emotions, to experiencing different things.

“Ayoko naman na parang ang tingin ng tao, iisa lang ang kaya kong gawin. Siyempre if the management gives me another project na may bagong partner, bagong genre, why not?

“Kahit naman ako, gusto ko magkasama pa rin kami [referring to Enrique] sa show or movie pero siyempre whatever the management gives, if maganda yung story, maganda yung project, siyempre tatanggapin ko rin.”


JOSEPHINE BRACKEN ROLE. Dahil blockbuster ang pelikulang Heneral Luna, may bali-balitang gusto ring gawin ang movie tungkol sa buhay ni Josephine Bracken, ang kasintahan ng national hero na si Jose Rizal.

At ang napipisil daw na gumanap na Josephine ay si Liza.

“Oo naman. Gusto ko yun pero mahirap yun kasi siyempre mas lalong ibang level ang maturity nun. Siguro they have to prepare me first for that pero I’m always open,” komento ni Liza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN