Mainstream stars topbill indie film "Fuschia"

by Rose Garcia
Jun 13, 2008
Cast members of the indie film Fuschia include (from left) Tony Mabesa, Gina Alajar, Gloria Romero, Armida Siguion-Reyna, Raquel Villavicencio, Iza Calzado, and Richard Quan.


Si Richard Quan ang isa sa pinagkakatiwalang supporting actor sa bansa. Nakilala ang husay niya sa pagganap sa kanyang role noon sa Saan Ka Man Naroroon ng Reyna Films, ang pelikulang pinagbidahan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Ayon kay Richard nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), kuntento naman daw siya sa naging takbo ng kanyang career for 15 years. Hindi man masasabing naging sikat na sikat siya, sa loob naman daw ng 15 years ay hindi siya nababakante ng trabaho.

True enough, nang ipa-enumerate namin ang ilan sa mga pelikulang nagawa na niya ay masasabing markado naman ang mga ito pati na ang role na ginampanan niya. Gayundin sa ilang soap operas at TV guestings niya.

Pero kung may nakakapagpa-excite man kay Richard ngayon ay ang katatapos niyang gawing independent/digital film na Fuschia. Kahit ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ay nagulat sa casting dahil kung casting ang pagbabasehan, hindi mo masasabing pang-indie/digital film ang cast dahil majority of them ay mga mainstream actors. Isama pa ang director ng Fuschia na si Direk Joel Lamangan.

Continue reading below ↓

Ayon kay Richard, ang Fuschia ay tungkol sa mag-asawang sina Gloria Romero at Robert Arevalo. Pero makikita ang twist ng kuwento sa dalawang yun sa pagpasok sa eksena ni Eddie Garcia na nagba-balikbayan for the longest time at kung bakit na-excite si Gloria sa pagdating ni Eddie.

Asawa naman ni Richard sa movie si Iza Calzado. Armida Siguion-Reyna will play as Iza's mother. Magkapatid naman dito sina Armida at Gloria.

Ayon kay Richard, "Maganda yung kuwento. Yung lahat ng cast, magagaling. May pagka-comedy yung approach sa movie kaya siguradong matutuwa yung manonood."

Kuwento pa niya, may pagka-bum daw ang character niya rito as Iza's husband kung kaya't may conflict sila sa nanay ni Iza, si Armida, na very rare tumanggap ng acting jobs.

Ayaw nang ikuwento pa ni Richard ang mga conflict sa movie, pero sigurado raw na magugustuhan ng mga manonood. Malaking factor pa na napagsama-sama sa isang movie ang mga beterano at batikang artista under Direk Joel's direction.

Continue reading below ↓

Puring-puri rin ni Richard ang ka-partner na si Iza sa pelikula. Aniya, "Fifteen years na rin ako sa industry, pero ngayon lang ako nakatrabaho na...Grabe si Iza! Siguro masasabi kong siya na ang pinakamagaan na nakatrabaho ko!"

Dahil sa dami ng mga artistang dati at baguhan na nakasama ni Richard, hindi raw niya maitatanggi na kapag medyo may pangalan, lalo na ang isang baguhang artista, mas madalas na mas may attitude pa ang mga ito kesa sa mga betarano na talaga at masasabing professional on their work. Pero ayon kay sa aktor, iba si Iza.

"Iniisip ko nga, may nakatrabaho na ba ko na ganoon? Sobrang gaan niyang katrabaho. Siya pa ang magri-reach out. Professionally, magaan talaga. In a way, she reminds me of Maricel Soriano kapag kasama mo sa isang project," lahad niya.

Anytime soon ay ipapalabas na ang Fuschia since nasa post-production na raw ang movie.

Aside from Fuschia, kaka-last shooting day lang din daw nila ng indie-digital film din na Sisa, kung saan si Jodi Sta. Maria ang bida and Richard plays the character of Elias.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cast members of the indie film Fuschia include (from left) Tony Mabesa, Gina Alajar, Gloria Romero, Armida Siguion-Reyna, Raquel Villavicencio, Iza Calzado, and Richard Quan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results