Regine Velasquez-Alcasid explains why she doesn't want to continue working on long-delayed Mrs. Recto indie flick

Regine Velasquez-Alcasid explains why she doesn't want to continue completing the long-delayed indie flick Mrs. Recto: “Parang sa akin, sa tagal nung panahon, hindi na ako maka-get into the character. Tapos kung patatandain mo pa yung character, it’s harder, may disconnection na talaga. So sa akin hindi na ako masyadong comfortable to do it.”



Itinanong namin kay Regine Velasquez-Alcasid kung may posibilidad pang matuloy ang shooting para sa Mrs. Recto, ang indie movie na pagbibidahan dapat nila ni Christian Bautista.

Matagal na palang nasimulan ang pelikula, pero sa di-inaasahang pangyayari ay nahinto ang produksyon nito.

Ayon kay Regine, sinimulan ang proyekto bago pa man siya mabuntis sa anak nila ni Ogi Alcasid na si Nate, na mag-aapat na taong gulang na ngayong Nobyembre.

Sabi ni Regine, “Hindi ko alam, pero sa akin, kakasabi lang sa akin ni Cacai [Mitra, her sister and manager], actually kahapon ba o two days ago?

“Pero sa akin, personally, parang hindi na masyadong... what’s the word I’m looking for?

“Feeling ko lang, hindi na masyadong bagay. Although ang sinasabi sa akin is, ‘Hindi, ang kukunan naman yung tumanda ka na.’

“Parang sa akin, sa tagal nung panahon, hindi na ako maka-get into the character.

“Tapos kung patatandain mo pa yung character, it’s harder, may disconnection na talaga.

“So sa akin hindi na ako masyadong comfortable to do it. I’m sorry.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng concert series niyang Regine At The Theater. Ginanap ang presscon sa Luxent Hotel nitong Martes, October 6.

Ang Regine At The Theater ay gaganapin sa Solaire Hotel and Casino on November 6, 7, 20 and 21.


HALFWAY DONE. Halos patapos na nga raw sana ang pelikula, at maraming eksena nang nakunan.

“Madami, almost done na iyon, e.

“Pero madami pa rin kasi akong kailangang i-shoot, na parang feeling ko, kung ngayon niya isu-shoot ulit tapos patatandain na ako, may kulang.

“Merong kulang, may kulang talaga kasi madami siyang hindi masyadong na-tackle na nandun ako,” pahayag pa niya.


LONG WAIT. Bayad naman ba siya for the movie?

Ani Regine, “Wala naman akong bayad dun, e. I did that talaga for Ga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Ga ay ang direktor ng naturang pelikula, si Dante Garcia.

“But unfortunately kasi, it took them a long time to do the...to shoot the whole movie, na inantay ko pa yun. Nabuntis na ako, lahat na,” panghihinayang niya.

Sa katagalan na kanyang paghihintay ay ipinanganak ni Regine ang panganay nila ni Ogie Alcasid na si Nathaniel James o Nate noong November 8, 2011.

“Kaya nga so parang hindi ko na kaya.”


NOT COMFORTABLE WITH ROLE ANYMORE. Paano kung itutuloy nga ang pelikula?

“Kaso magkakaproblema na rin sila with me.

“Kasi parang I feel, I already told my sister na parang hindi na ako comfortable with the role,” paliwanag pa niya.

Tinanong naman daw ni Cacai kung puwede pang ituloy ni Regine ang pelikula.

“She asked me like, I remember some two-three years ago, Sunday, she asked me, ewan ko kung kailan siya tinanong.

“Sa akin siguro, I’m just being honest kasi ako pa naman very into the character ako, I get into the character talaga kasi yun ang acting ko, e.

“That’s how I get my, you know, kailangan makilala ko yung acting,” diin ni Regine.

At nabantilawan na yung project?

Pagsang-ayon niya, “Nabantilawan na yung project so hindi na rin, sa akin hindi na ako talaga comfortable.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN