Jeffrey Hidalgo dreams of directing Vilma Santos film

Jeffrey Hidalgo, the interpreter of "Alabok," believes he has a good chance of winning Best Interpreter in A Song of Praise Music Festival: "Iyong makapagbigay ka ng inspiration sa mga tao, malaking bagay na sa akin yon. Actually, ngayon pa lang, natutuwa na ako kasi may mga fans ng song na parang lagi akong itina-tag sa Twitter or minemention nila ako sa Facebook."



Ibang klaseng fulfillment ang nararamdaman ni Jeffrey Hidalgo bilang finalist sa Best Interpeter category para sa kantang "Alabok" sa ASOP o A Song of Praise Music Festival ng UNTV.

Ika-fourth year na ngayon ng ASOP, na ginaganap taon-taon.

Blessing para sa kanya ang mag-interpret muli ng kanta para dito.

“It's a song of praise for God and iba yung fulfillment na mabibigay sa iyo. At the same time, I’m so blessed and honored na yung mga songs na ini-interpret ko palagi, sobrang gusto ko talaga.

“Na parang for this season, I really believe I have a chance to win.

"Kaya parang mas na-inspire pa akong kantahin siya lalo,” panimulang saad ni Jeffrey nang solo siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after ng ASOP presscon sa The Elements at Centris, sa Quezon Avenue, Quezon City last October 7.

“Iyong makapagbigay ka ng inspiration sa mga tao, malaking bagay na sa akin yon.

"Actually, ngayon pa lang, natutuwa na ako kasi may mga fans ng song na parang lagi akong itina-tag sa Twitter or minemention nila ako sa Facebook.

“Sobrang nai-inspire raw sila every time naririnig nila yung song.

“When they feel down, papakinggan lang nila yung song ko at gumagaan na raw pakiramdam nila.

“Actually, more than yung pagkapanalo, yung mga ganoong bagay pa lang na maririnig mo, panalo na agad yung song, e,” nakangiting dagdag ni Jeffrey.

Ang ASOP grand finals ay nakatakda sa Tuesday, October 13, ganap na ika-anim ng gabi, sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod sa entry ni Jeffrey, kabilang sa finalists ang Dinggin Mo, Oh Dios na komposisyon ni Cris Bautista (Reymond Sajor-interpreter), Sabik sa’Yo-Joseph Bolinas (Ney Dimaculangan-interpreter), Walang Hanggan-Benedict Sy (Maki Ricafort), Jesus, I Love You-Timothy Joseph Cardona (RJ Buena) at Mahal Mo Ako- Maria Loida Estrada (Sabrina).

Finalists din ang Kung Pag-ibig Mo’y Ulan- Christian Malinias (Leah Patricio), Dakila Ka Ama-Ella Mae Septimo (Ruth Regine Reyno), Ikaw na Lang Mag-drive ng Buhay Ko-Rolan Delfin (Betong Sumaya), Pahintulutan Mo- Leonardo de Jesus III (Philippe Go), Salamat Po, Ama- Dennis Roxas (Jojo Alejar) at Pakamamahalin Din Kita-Dennis Avenido (Nino Alejandro).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tatanghaling Song of the Year ay mananalo ng P500,000.

Ang iba pang mga premyo ay P250,000 para sa first runner-up, P150,000 sa second runner-up at P100,000 sa third runner-up.

Ang composer ng People’s Choice Award, o kantang may pinakamaraming online votes, ay mag-uuwi ng P50,000.

Mag-uuwi rin ng P50,000 each ang mananalo sa magkahiwalay na mga kategoryang Best Interpreter at Best Music Video.

Ang judges ay sina Ryan Cayabyab, Celeste Legaspi, Jungee Marcelo, Mon del Rosario, Jett Pangan, at Lachi Baviera.

Ang ASOP ang tanging lingguhang kompetisyon sa telebisyon para sa mga orihinal na komposisyon na nagbibigay puri sa Diyos.

Ang hosts nito na sina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda, ang anchor ng grand finals.


FRUSTRATED ROCKER. Paano ide-describe ni Jeffrey ang entry "Alabok"?

“Mas gusto ko po yung kanta ko ngayon kasi ibang iba siya sa dati kong ginawa.

"Yung dati kong ginawa kasi, una English siya. Pangalawa, medyo may pagka-R&B, pero ballad pa rin talaga.

“Ito namang entry kong 'Alabok' na komposisyon ni Jesmer Marquez, ballad na medyo Filipino love song ang dating.

“Pero may pagka-alternative kaya nagustuhan ko.

“Kasi, di alam ng karamihan, frustrated rocker po ako, e. Kaya lang mas balladeer ako tingnan,” nakatawang paliwanag ni Jeffrey.


FILM DIRECTING. Dinagdag niya na mas gusto niyang mag-focus sa paggawa ng pelikula, lalo na’t maganda ang resulta ng Silong, ang Piolo Pascual-Rhian Ramos starrer na idinirek ni Jeffrey at Roy Sevilla Ho.

Saad ni Jeffrey, “Actually, mas sa directing ako ngayon, e.

“Nagkataon lang talaga po na pinag-interpret ako dito. Actually, dito [sa ASOP] nga ay nagja-judge na rin ako, e.

“Pinagbigyan ko lang, one last time, kasi bagay daw talaga sa akin yung song, yung i-interpret ko.”

Ano ang next directorial job ni Jeffrey?

“Iyong next project ko po, may dinidirek po kasi ako na sports talk show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, mag-i-start na rin po akong magdirek ng episode sa Wagas. At saka may gagawin din po akong mini-series for Viva.

“Sa pelikula, may mga dine-develop, pero wala pang sure na naka-line up. Pero hopefully by next year, gusto ko na talagang mag-shoot ng bagong pelikula.”

Natuwa ba si Jeffrey sa naging feedback sa Silong?

“Opo, kasi di ko ine-expect na magiging ganoon yung effect niya sa mga tao, na maraming sobrang nagandahan.

“So talagang parang siyempre, na-enjoy ko yun.”|


DREAM OF DIRECTING VILMA SANTOS. Aminado rin si Jeffrey na isa sa mga artistang pinapangarap niyang mai-direk ay si Batangas Governor Vilma Santos.

“Kasi growing up, Vilmanian ako, e. Hahaha!" nakatawang sabi ni Jeffrey.

Dugtong niya, “Well, gusto ko rin naman si Ms. Nora Aunor, pero lumaki ako na na parang gustong-gusto ko yung acting ni Gov. Vi.

“’At saka up to now, she's still very current, e. Parang yung mga movies na ginagawa niya, I really enjoy.

“At saka up to now, she's still very current, e. Parang yung mga movies na ginagawa niya, I really enjoy.

“Yung kay John Lloyd [Cruz, In My Life]. Tapos I really enjoyed yung Ekstra.

“Kaya parang, I guess, kapag na-direk ko si Vilma Santos, ibang klase talaga iyon.

“Kahit ilang dekada na siya, uso pa rin si Vilma Santos, e.

“Hindi siya nagbabago. Of course, si Nora Aunor din, actually any of them ay talagang magiging ibang klaseng experience for me, kung maidirek ko sila.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN