Annabelle Rama finally feels how to be an actress after doing "My Monster Mom"

by Nora Calderon
Jun 17, 2008
"Ngayon, napi-feel ko talaga. Ito talaga ang totoong pelikula na ginawa ko kasi nakakaarte talaga ako dito," says Annabelle Rama about her comeback movie after more than two decades of absence.

Naging masaya ang press conference ng My Monster Mom, a co-production venture of Regal Entertainment and GMA Films, sa Mezzanine ng Imperial Palace Suites last Tuesday evening, June 10.

Maliban kina Richard Gutierrez (na may taping ng Codename: Asero) at JC de Vera (na may taping ng Babangon Ako't Dudurugin Kita), present ang buong cast: sina Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Rhian Ramos, Michelle Madrigal, Mart Escudero, Iwa Moto, Charize Solomon, at Bubbles Paraiso, pati na ang direktor ng pelikula na si Direk Joey Reyes.

ANNABELLE TAKES THE MIC. Nang magsimula kasi ang presscon at nahawakan ni Annabelle ang microphone, tuluy-tuloy na ang pagsasalita niya at pagkukuwento sa mga experiences niya sa first shooting day pa lamang niya ng My Monster Mom.

"Kasi noong araw, nagpelikula ako,walang pumapansin sa akin," bungad niya. "Naghubad ako para mapansin ako, pero hindi ko naman tinanggal lahat, 'no? Noong araw kasi kapag maganda ang katawan mo, maganda ang boobs mo, maganda lahat, sikat ka na. Pero yung acting, wala yun. Kaya pipi ako noong unang pelikula, kaya flop yun, e. Walang dialogue yun kaya flop siguro.

Continue reading below ↓

"Ngayon, napi-feel ko talaga. Ito talaga ang totoong pelikula na ginawa ko kasi nakakaarte talaga ako dito.

"Ang preparation ko hanggang langit. Ewan ko ba, first day pa lang, na-feel ko na ang aking mukha namaga pala. Namamaga pala ang mukha ko kasi siyempre bago ako mag-shooting, pinaplantsa ko ang mukha ko para maganda ako. Siyempre lahat ng kaartehan ginawa ko na kasi first time ko sa pelikula, at ayaw ko namang magpatalbog kay Ruffa. Baka sabihin alalay niya ako, 'no!

"So, sa first day shooting ko, yung mata ko nag-allergy. Nagbu-beautiful eyes ako sa pelikula. Pumunta ako ng doktor sa Cardinal Santos kasi sabi ko, ‘Dak [Doc], magsu-shooting na ako.' So, ginamot ako ng doktor. Sa shooting, talagang hindi ko alam mukha ako..."

Nahalata na siguro ni Ruffa, na katabi niya lang that time, na humaba na nang humaba ang sinabi ng kanyang ina kaya sinabi nitong, "Ma, you're just supposed to say good evening." Pagkatapos nito ay tawanan ang lahat, pati na si Annabelle. Pero hindi nagpapigil si Annabelle at diretso pa rin siya sa pagkukuwento.

Continue reading below ↓

Napigil lamang ni Ruffa si Annabelle nang sabihan niya ang ina na hintayin daw munang tanungin siya ng press bago siya sumagot. Lalong nagkatawanan ang mga entertainment press nang sabihin ni Annabelle na: "O sige, tanungin na lang ninyo ako."

Sumingit naman si Direk Joey. Aniya, "Ganyan ang nangyayari tuwing may shooting kami. Lagi kaming masaya sa set, at hindi ako nagkamali nang tanggapin ko ang project na ito, dahil may monster best actress na ako—si Annabelle."

PAINS OF BEING AN ACTRESS. After My Monster Mom, may susunod na bang film project ang Gutierrez matriarch?

"O, hindi ako nanghihingi ng project kahit kanino, 'no? Ako ang laging ino-offer-an. Marami na akong tinanggihan, pero itong My Monster Mom, sabi ko, ‘Naku, baka mahirapan akong umarte nito, ah.' Pero nung mabasa ko yung script, lalo kong nagustuhan kaya tinanggap ko yung offer ni Mother at saka ng GMA [Films]. At saka si Direk Joey pa ang director, siyempre blockbuster director. Sabi ko, ‘At least makatikim lang ako ng blockbuster.' Siyempre galing ako sa flop.

Continue reading below ↓

"Magiging happy ako kung tatanggapin ako ng mga tao sa pelikula naming ito. Alam ko magiging blockbuster ako, kaya from flop, iyong unang movie ko noong dalaga pa ako, ngayon naman blockbuster ang talagang first movie ko. In fact, may three movie offers na ako. At least, hindi ako humihingi, sila ang nag-o-offer sa akin.

"Akala ko nga itong tapos na ang shooting ko, ‘Hay, salamat naman!’ Sabi ko, ‘Nakaraos din ako.’ Kasi ang nerbiyos ko, kamuntik na nga akong mag-change mind noong kalahati ng pelikula kasi, ‘Hindi ko ata kaya ang mag-artista,’ sabi kong ganun.

"'Tapos noong tapos na yung shooting, okay na ako. Sa dubbing, mas worse pala! Gaganun ka pa, ‘Haaaaaa,’ kasi kailangan daw hindi lumabas sa ilong. Basta nahihirapan ako doon sa dubbing!

"Nahirapan din ako sa hair extension ko kasi maikli lang talaga ang buhok ko. Masakit sa ulo, parang tinutusok ako nang nagtatagal na ang extension. ‘Tapos nag-additional shooting day pa kami dahil may naisip daw si Direk na mas maganda, kaya nang mag-last shooting day kami kanina, pinatanggal ko na agad ang hair extension ko. Pero hindi ako nagsisisi, marami akong natutunan kay Direk Joey," lahad ni Annabelle.

Continue reading below ↓

Ipinagpapasalamat daw ni Annabelle sa kanyang mister na si Eddie Gutierrez kung paano siya natutong mag-memorize at magbitaw ng dialogue.

"Si Eddie ang voice coach ko," sabi ni Annabelle. "Iitinuturo niya sa akin kung paano mag-memorize at kung paano magbitaw ng dialogue. Kaya naiinis ako kay Ruffa kapag binabago niya ang dialogue at nag-a-ad lib siya, dahil hindi ako makasunod. Pero pinayagan ako ni Direk Joey na mag-ad lib na rin. Kung ano yung araw-araw na sinasabi ko sa mga anak ko at kahit sa maid ko, kaya naging madali na sa akin."

ACTRESS OR TALENT MANAGER? Ngayong artista na siya, hindi kaya mapabayaan na niya ang mga talent niya?

"Hindi, kasi puwede ko namang papuntahin sa shooting ang mga kausap ko. Nagdi-deal pa rin ako ng mga projects para sa kanila, movie, TV show, endorsements. May bago nga akong nakuhang bagong commercial para kay Richard at kay Heart [Evangelista]. Hindi ako humihinto sa pagtatrabaho dahil ayokong maging palamunin. Ayoko yung naghihintay lang ako ng ibibigay sa akin ng mga anak ko. Sanay akong magtrabaho. Kahit kasama ko sila [ang mga alaga niya] dito sa movie, nagka-cut pa rin ako ng commission ko sa kanila.

Continue reading below ↓

"Hindi ako nagbabago," patuloy niya. "Kung ano ako noon, ganoon pa rin ang ugali ko ngayon. Kahit sa mga anak ko, kahit sa mga talents ko, lagi kong sinasabi sa kanila na huwag silang magbabago, magpasalamat sila sa mga nakatutulong sa kanila.

"Palagi kaming nag-aaway ni Ruffa kasi siya, kapag nasa Makati na siya, feeling niya sosyal na siya. Ako kasi ganun pa rin ako. Kapag ako ang sumisigaw, ‘Ma, nakakahiya sa kapitbahay natin, my gosh!' Ako, ang nasa isip ko, ‘Ruffa, wala akong pakialam kung sino sila. Kung ano ang ugali ko, ‘yon ang ilalabas ko. Ano'ng gusto mo, bubulong ako?' Hindi ko kayang bumulong, 'no! Mamamatay ako! Wala akong pakialam sa kanila."

REAL, NOT FAKE. Sa ipinakitang trailer ng My Monster Mom ay may eksenang kung saan may suot siyang napakalaking brilyante.

"Hindi ako nagsusuot ng fake. It's the real thing!" pagmamalaki ni Annabelle. "Sabi kasi ni Direk sa akin, ‘Ganito yun, ang aartihan mo dito, 'yong baduy, maraming bling-bling at alahas.' Sabi ko, ‘Direk, hindi ba nakakahiya iyon? Naka-duster at nakaalahas?' ‘Yan ang role mo talaga diyan. Naka-duster ka, naka-tsinelas ka kuntodo ang mga diamond mo, lahat.'

Continue reading below ↓

"So ako naman, hindi ko pa nilabas lahat kasi nga nahihiya ako, naka-duster 'tapos naka-alahas. Parang hindi ako sanay na lumalabas na kuntodo alahas. Pero si Direk, bago mag-shoot, ‘Ang alahas ni Bisaya nandiyan na ba, nakasuot na ba?' Palagi akong nagdadala ng alahas doon sa set. Hindi ako nagdadala ng fake doon, totoo talaga."

BILLING ISSUE. Tinanong din si Annabelle sa reaksiyon niya na walang "and" ang pangalan niya sa billing nila ni Ruffa.

"Alam mo, wala akong pakialam sa title, kung sino ang mauuna sa billing, kung sino ang mahuhuli," sagot ni Annabelle. "Ang gusto ko lang kumita ang pelikula, that's it. Alam ko naman na dapat si Ruffa ang mauuna kasi una na siya, matagal na siya [nag-aartista]. Ruffa, huwag kang mag-worry, 'Day. Iyo na ang lahat ng billing, huwag ka lang magsalita kay Mother. Maski na yung ‘and,' iyo na. Ang importante kumita, ang pelikula."

May sariling plano raw si Annabelle sa pagpu-promote ng movie. Ini-aanounce niya at ipinagpaalam na kina Mother Lily at Ms. Annette Gozon-Abrogar ng GMA Films na magbibigay daw siya ng sariling presscon na siya ang gagastos.

Continue reading below ↓

Iikot din daw siya sa mga palengke at supermarkets para mag-imbita ng manonood ng movie na may premiere showing on June 29 sa SM Megamall at sa July 2 naman ang playdate.

Hindi na rin daw niya itutuloy ang pagpunta sa Las Vegas para manood ng laban ni Manny Pacquiao dahil kasabay ito ng premiere night ng My Monster Mom.

Additional report from Nerisa Almo

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ngayon, napi-feel ko talaga. Ito talaga ang totoong pelikula na ginawa ko kasi nakakaarte talaga ako dito," says Annabelle Rama about her comeback movie after more than two decades of absence.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results