Did Gerald Anderson receive bashing from LizQuen fans?

Gerald Anderson (left) says he was challenged when he agreed to play a third wheel in movie with Liza Soberano and Enrique Gil: “It took convincing but… pagsisisihan ko ito kung hindi ko ginawa.”



Malaking challenge para kay Gerald Anderson ang pelikulang Everyday I Love You kasama sina Liza Soberano at Enrique Gil.

First for the first time kasi ay gaganapin niya ang role na third wheel, lalo pa’t ang LizQuen love team ang makakasama ni Gerald sa pelikulang ito ng Star Cinema.

Sa romance movie na ito, si Gerald ang gaganap na boyfriend ng karakter ni Liza. Si Enrique naman ang producer na kukunin si Liza para sa kanyang palabas at mai-in love ito sa dalaga. Malalagay sa coma ang karakter ni Gerald at sa panahon na ito, mahuhulog ang loob ni Liza para kay Enrique. Ano ang gagawin niya kapag nagising na mula sa kanyang coma ang kanyang boyfriend?

Paliwanag ni Gerald, “Well, kasi ako yung tipo ng artista na pag tumanggap ako ng proyekto, dapat talaga yung mas-challenge ako.

“Yung matatakot at mahihirapan ako, kasi wala kayong makikitang bago kung hindi ganun.

“Of course, it took convincing kasi siyempre hindi pa ganung kabuo yung istorya [noong in-offer sa kanya ang role].

“Kumbaga first time akong gaganap ng ganitong klaseng role.

“But kung paano po in-explain nila, and how Direk [Mae Cruz-Alviar] did the movie, pagsisisihan ko ito kung hindi ko ginawa.

“And every project gusto ko iba-iba yung ipinapakita ko.

“Hindi naman po puro romantic lead or action star or drama sa soap o ano.

“Or kailangan may ka-loveteam po ako, kailangan po iba-iba.

“And I’m very happy with the outcome and excited ako para sa aming lahat,” paliwanag ni Gerald.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Gerald sa presscon ng Everyday I Love You na ginanap noong Linggo, Oktubre 18, sa 9501 restaurant.

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan sa October 28.






LEGACY. Hindi ba siya nagkaroon ng worry o apprehension noong tanggapin niya ang role na ka-love triangle ng LizQuen?

“Well, hindi po importante kung sino yung makakasama ko, kung sino yung artistang makakasama ko.

“Or kung sino yung love team or kung ano man, ang importante po is kaya ko bang buhayin itong role na ito.

“Kaya ko bang mabigyan ng justice, di ba, at magiging interesting ba siya sa mga tao?

“So hindi po importante kung sino ang makakasama ko, ang importante is matsa-challenge ba ako rito.

“Magiging mas magaling na aktor ba ako pagkatapos nito?

“I think that’s how everbody… trend kasi ito sa showbiz, ‘Ay loveteam ito. Ay big star ito.’

“Hindi, e, you have to think yung passion mo, yung craft mo.

“Kasi itong mga ito, yung kasikatan namin, yung pera namin, the lights and camera, one day mawawala lahat iyan.

“But yung passion mo for your craft, maiiwan iyan for the people, yung mga susunod.”



KIND LIZQUEN FANS.
Sanay na raw si Gerald sa mga intriga at maging bashing mula sa mga tao.

“Sa simula pa lang po ng career ko marami na ang nagba-bash sa akin, so wala pong bago doon.”

Pero sa LizQuen fans, may natatanggap ba siyang bashing dahil sa pagiging third party niya sa movie?

“Actually, mababait po yung fans nila, na-meet ko po yung iba sa kanila sa Laguna [isa sa locations ng shooting].

“Mababait po sila, I think at the end of the day, sobrang supportive lang po ng lahat.

“So we just wanna give you guys a good project.”

Kung sakali man daw may negative issues na darating, ayaw daw magpaapekto ni Gerald dito.

“Kung may nega man, wala po tayong magagawa, it’s part of life, so hindi naman ako maaapektuhan.

“Siguro five years ago, baka sensitive pa ako about things like that.

“But as an actor, I’m a thinking and working actor, iyon po ang importante sa akin.

“Basta may trabaho at magugustuhan ko ang ginagawa ko, it doesn’t matter.”





ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN